Chapter 14

131 7 2
                                        

Aldrich Nathan Kai POV

Madaling araw ako nagising dahil alas kwatro kami ng madaling araw magbabyahe papunta sa Batangas. Nagsuot ako ng jacket dahil malamig pa sa labas dahil madaling araw pa nga lang.

Nang makapag-ayos ay agad kong kinuha ang bag kong dadalhin para sa bakasyon. Kinuha ko ang susi ng BMW ko bago naglakad palabas.

Agad akong sumakay sa kotse ko at nagdrive papunta sa bahay ni Cassandra.

Nang makarating doon ay nakita kong bukas ang ilaw sa baba. Kumatok ako bago pinihit ang pinto at pumasok.

"Cassandra?" Tawag ko sa kanya.

"Sandali lang! Nandito ako sa taas." Sigaw niya.

Naupo naman ako sa sofa habang hinihintay siya. Hindi naman nagtagal ay bumaba na rin siya habang may dalang bag at may nakasabit na DSLR sa leeg niya.

Nakashirt lang siya at ripped jeans.

"Good morning Kai." Bati niya sa akin habang nakangiti.

"Good morning Cassandra. Parang hindi ka nakatulog ah." Biro ko sa kanya.

"Hindi naman talaga. Kaunti lang ang naitulog ko. Excited kasi akong magbakasyon."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Tara na?" Aya ko sa kanya.

"Lets go." Sabi niya.

Kinuha ko naman sa kanya ang bag niya at ako ang nagdala papunta sa sasakyan. Nilagay ko ang bag niya sa likod bago siya pinagbuksan ng pinto.

"Pwede ko bang buksan yung music player?" Tanong niya sa akin.

"Sure." Sabi ko sa kanya.

Binuksan niya naman iyon pero katamtaman lang ang lakas.

Nakita ko namang hinihimas niya ang braso niya. Nilalamig ata. Kaya naman inabot ko sa likod ang isang black hoodie at inabot sa kanya.

"Suutin mo. Malamig." Sabi ko sa kanya.

"Thank you." Sabi niya at kinuha ang jacket bago isinuot.

Nagsimula na kaming magbyahe mabuti na lang at wala pang traffic. Habang nagbabyahe ay sinasabayan ko ang tugtug sa player.

Mahinang lamang ang pagkanta ko dahil nakita kong nakatulog na si Cassandra. Mukha ngang walang tulog ang isang to. Masyado naman ata siyang naexcite. Baliw talaga.

Matapos ang mahigit tatlong na pagdrive ay nakarating na kami sa Anilao, Batangas. Tulog pa rin si Cassandra.

Nang tanggalin ko ang seatbelt ko para sana gisingin siya ay saka naman siya nagmulat ng mata.

"Nandito na ba tayo? " tanong niya sa akin.

"Oo. Gigisingin na sana kita kaso gising ka na naman. Tara na?" Aya ko sa kanya.

"Sure."

Bumaba na kami sa kotse. Habang kinukuha ko sa likod ang bag naming dalawa ay nakita ko siyang kumukuha ng mga litrato.

"Cassandra! Tara na!" Sabi ko sa kanya.

Tumakbo naman siya palapit sa akin habang hawak pa rin ang dslr niya.

"Kai, magchecheck in pa nga pala tayo sa resort." Sabi niya.

"Ayos na. Nakapagcheck in na ako online. Naayos ko na naman lahat. " sabi ko sa kanya.

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon