Maxleigh Cassandra POV
Hindi ko mapigilan ang sarili kong tingnan si Kai habang nasa unahan ito at siyang nagpepresinta para sa gagawing renovation sa Tagaytay. Nandito ang buong team niya pati na rin ang mga board members ng kompanya namin.
Napaiwas naman ako bigla ng tingin sa kanya noong tumingin siya sa gawi ko. Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa sinasabi niya.
"Next week is the start of the renovation of M-B hotel in Tagaytay. Tomorrow, the raw materials will deliver at the location. Is there anything you want to ask or add for the renovation of the hotel?"
Umiling naman ang mga board members sa tanong niya, ipinahihiwatig na wala na silang idadagdag pa o ano. Nakita ko naman ang pagtaas ng kamay ni Mr. Arevallo.
"Yes, Mr. Arevallo? Do you want to say something?"
"I just want to ask, sino ang nagdesinyo para sa renovation? Architect niyo ba?"
Nakita ko naman ang paglingon sa akin ni Kai. Ako kasi ang nagdesinyo ng renovation ng hotel. Dinagdagan lan ng Architect nila.
"Ms. Buenaventura is the one who designed it. Dinagdagan lang ng Architect namin. But mostly of the designs, si Ms. Buenaventura na ang gumawa."
Napatingin naman sa akin lahat ng board members. Nakita ko pa ang nakangising si Harley sa upuan niya. Isa kasi ang pamilya nila sa board members.
"I never thought you can do the design of the hotel, Ms. Buenaventura." Turan ni Mr. Arevallo.
"Your one of the board member in this company but you dont know anything about Ms. Buenaventura's background? Let me tell you this Mr. Arevallo, Ms. Buenaventura, my bestfriend, is an Architect." Nakangising sagot ni Harley.
Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya.
"Wow! What an awesome CEO we have here. A CEO of M-B hotels, a model and an architect"
Kita ko ang pagkamangha sa mukha ng iba pang board members. Keme lang akong ngumiti sa kanila bago nagsalita.
"Enough of my background. So, all of you agree for the designs or someone wants to add something?"
Nang umiling sila at hindi sumagot ay nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Then meeting adjourned. Thank you for your presentation, Mr. Lopez and to your team."
"Thank you."
Naglabasan na ng meeting room ang mga board members at ang natira lang ay ako, si Harley at si Kai.
"Max, bar tayo mamaya? Wala namang pasok bukas diba?"
Nakita kong napatigil sa ginagawa niya si Kai pero hindi ko dito itinuon ng matagal ang atensyon ko.
"Yeah, sure."
"Yun! Lets go boy hunting"
"Gago ka ba? Boy hunting? Gusto mo bang sumugod doon si Kuya Luke?"
"Ikaw lang naman ang hahanap ng lalaki"
"Ayoko. Tapos ano? Maaattach kami sa isat isa tapos mangangako siya at di niya tutuparin? Ayoko nga."
Narinig ko ang pagkabagsak ng isang bagay. Yung laptop case ni Kai. Nakita ko naman si Harley na natatawa.
"Bakit ba ayaw mo? Andami kayang gwapo sa bar. "
"Ayoko nga. Ayoko noong taong nangangako pero di naman kayang tuparin. "
"May pinaghuhugutan ka ba, Max?"
"Wala. Wala ah. Ikaw Harley maissue ka."
Napangiwi naman ako ng tumawa siya ng sobrang lakas dahil sa sinabi ko. Nakita ko naman si Kai na tapos nang mag-ayos ng gamit niya.
"Uy Nathan nandito ka pa pala. Ano bang opinyon mo sa sinasabi nito ni Max?"
Lumingon naman ito sa gawi namin.
"Gago ang lalaking nangako sa isang babae at hindi niya tutuparin yun. "
"Eh di gago ka?"
Nanlaki naman ang mata ni Harley sa sinabi ko. Kahit ako naman ay nagulat sa sinabi ko pero hindi ko na binawi pa ito. Totoo naman ang sinasabi ko.
"Bakit naman ako naging gago? May pangako ba akong hindi tinupad?"
"Wala ba? As far as I know, may pinangakuan kang tao at yun ay ako. Sa tingin ko nga hindi mo tutuparin yung pangakong binitawan mo. Hindi pala tamang maniwala sa mga pangako mo."
"Hindi lahat ng nangangako tinutupad ang sinasabi nila. Huwag kang umasa na tutuparin ko kung anumang pangako ang binitawan ko. I will never fall inlove with you."
Kahit na sobrang kirot ng dibdib ko sa sinabi niya ay hindi ko pinahalat yun at taas noong sunagot sa kanya.
"Eh di gago ka nga. Kagalang galang ka ngang Engineer at susunod na CEO ng kompanya niyo pero wala kang paninindigan. Alam mo bang kapag ganyan ka, walang magsstay sayo. Kahit akong nagpapasensya at tinitiis ang ugali mo, susuko at susuko dahil hindi mo naman pinapahalagan yung mga taong nagmamahal sayo. "
"Who are you to meddle with my life? Your just our business partner. "
"Business partner? Ha!"
Huminga muna ako ng malalim at tinanggal ang emosyon sa mukha ko bago humarap sa kanya.
"Then you can leave my company now, Mr. Lopez. If you don't want to waste your time talking to me, then you should not answer in the first place. "
Kita ko naman ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Akala niya ba ay hindi ako magiging harsh sa kanya kahit na mahal ko siya?
Hindi na siya sumagot pa at naglakad na paalis. Napasandal naman ako sa upuan ko pagkaalis niya.
"Fierce one."
"Gago ka talaga Harley. Bat mo ba tinanong mo yun? "
Natawa naman siya sa tanong ko dahil halata ang inis doon.
"Gigil much te? Ayaw mo noon? Halos masabi mo na lahat sa kanya. Kaya ayos lang yun. Basta mamaya,bar tayo."
"Wala ka bang gagawin sa kompanya niyo? Umalis ka na nga. Sumasakit ang ulo ko sa mga kalokohan mo."
Natatawa siyang tumayo sa upuan niya at kumaway lang sa akin bago umalis.
Pinanatili ko ang walang emosyon kong mukha bago lumabas ng meeting room at dumiretso sa opisina ko.
Nang makaupo sa swivel chair ay napahilot na lang ako sa sentido ko dahil sumasakit ang ulo ko. Nakakadrain pala ng energy ang makipagsagutan kay Kai.
Hindi ko alam kung paano ko siyang pakikitunguhan sa susunod naming pagkikita. Bahala na.
Napangiwi ako nang maalala ko na ang plano ko ay kulitin ko siya pero iba ang nangyari. Nasusungitan ko siya sa tuwing nagkikita kaming dalawa.
Bakit naman kasi ang harsh niya sa akin? Nakita ko na lang ang sarili kong nakakuyom ang mga palad noong maalala ko ang babaeng kayakapan niya sa kompanya nila.
Anak ng tukneneng naman! Bakit kailangan ko pang maalala yun?
"Who are you to meddle with my life? Your just our business partner. "
Business partner. Kung dati ay nakikilala pa naman niya ako pero ngayon ay business partner na lang ang turing niya sa akin. Tsk.
Magsungit ka hanggat gusto mo Aldrich Nathan Kai Lopez. But Im sure one day, you're the one who will follow me.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
Roman d'amourAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...