Maxleigh Cassandra POV
Matapos naming kumain ng cake ay naupo kami sa sofa habang umiinom ng coke.
"Nga pala slave, bakit ba hindi ka nagsabi ng totoo nung gabing yun? Bakit ang sinabi mo sa akin ay may sakit ka?" Curious na tanong ko sa kanya.
"Iniisip ko kasi nun kapag nagpaalam ako sayo ay magagalit ka sa akin at hindi ka papayag na sumama ako sa bar. Photoshoot mo pa man din nun. Kaya ayun, naisip kong sabihin sayo na may sakit ako dahil sa ulan." Paliwanag niya bago uminom ng coke.
"Kolokoy talaga. Ganun na ba ako kasama para hindi ka magsabi ng totoo at isipin mong magagalit ako? Tss." Pikong sabi ko sa kanya.
"Teka nga. Sabi mo apology accepted na. Eh bat nagagalit ka pa rin?" Tanong niya sa akin.
"Wala naiinis lang ako. " sabi ko sa kanya at nilagok ang coke.
Pagkatapos noon ay biglang kinain kami ng katahimikan. Maya-maya pa ay biglang may tanong na pumasok sa isipan ko.
"Slave, nahihirapan ka na ba sa mga utos ko?" Biglang tanong ko sa kanya.
Nakita ko naman ang bahagyang pagkagulat niya sa tanong ko.
"H-hindi naman. Bakit mo naman natanong?" Sabi niya sa akin.
"Sigurado ka ba? Gusto mo bang itigil na ang deal? Papayag naman ako." Sabi ko sa kanya.
"No. It's okay. Nakakaisang buwan pa lang ang deal, Cassandra. Okay lang naman sakin. Hindi naman ako nahihirapan sa mga utos mo. Siguro tapusin na natin yung tatlong buwan. Dalawang buwan na lang naman matatapos na ang deal. Sulitin na lang natin. Mabilis lang naman ang oras, hindi natin mamamalayan, tapos na ang tatlong buwan." Paliwanag niya sa akin.
"Tama ka naman. Sulitin na lang natin yung natitira pang dalawang buwan. Madami pa akong iuutos sayo." Nakangising sabi ko sa kanya.
"Hoy! Hindi ko gusto yang ngisi mo ha. Parang may ipapagawa ka saking ikakahiya ko. Nako, ayusin ko talaga Cassandra." Sabi niya sa akin.
Napansin ko naman ang tawag niya sa akin. Ngayon ko lang itatanong sa kanya kung bakit yun ang tawag niya sa akin. Isang buwan na niya akong tinatawag na ganun.
"Kai, bakit Cassandra ang tawag mo sa akin?" Tanong ko sa kanya.
"Para ako lang ang tatawag sayo ng ganun. Para unique. Maganda naman yung Cassandra ah." Paliwanag niya.
"Nagtaka lang ako. Ngayon ko lang rin natanong sayo yun. Isang buwan mo na akong tinatawag ng ganun. Cassandra, huh. Para namang ang special ko niyan." sabi ko sa kanya.
"Special ka naman talaga." Sagot niya.
Bahagya namang bumilog ang mga mata ko dahil sa gulat sa sinabi niya.
"A-ako? S-special?"
"Oo. Special ka Cassandra. Special child." Natatawang sabi niya.
Agad akong nakaramdam ng inis at pinagpapalo siya.
"Ikaw. Walangya ka talaga." Gigil na sabi ko habang walang tigil na pinapalo siya.
Akala ko naman kung anong special. Sa itsura kong to, special child? Gago ba siya?
"Ano bang gusto mong sabihin ko? Na special ka sakin ganun? Sus." Sabi naman niya.
"Ang kapal ng mukha mo. Ikaw ang special child. Kolokoy.!" Sabi ko sa kanya bago bumalik sa upuan ko.
Nakita ko naman siyang natatawa sa upuan niya. Tong walangyang to talaga.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomansaAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...