Maxleigh Cassandra POV
Suot ang corporate attire ay naglalakad ako papasok sa kompanya namin. Nginingitian ko na lang ang mga empleyadong bumabati sa akin.
Nakangiti sa akin si Chrystaline nang makita ko siya sa table niya.
"Good morning Maam."
"Good morning."
"Kumusta po ang branch sa Cebu?"
"Maayos naman na. Ano palang sched ko ngayon?"
"May board meeting ka po mamayang alas nwebe. At day of visit niyo po sa Tagaytay mamaya."
"Okay. Thank you."
Pumasok na ako sa opisina ko matapos kausapin si Chrystaline. Napasandal na lamang ako sa swivel chair dahil ramdam kong kumikirot ang ulo ko.
Naabutan ako ni Chrystaline na ganun ang ayos. Nilapag niya sa mesa ang kape bago sumulyap sa akin.
"Maam, ayos lang po ba kayo?"
"Yeah. Just an headache."
Tumango siya at lumabas na ulit ng opisina. Hindi pa nagtagal ay bumalik ulit siya at binigay sa akin ang isang bioflu.
Nagpasalamat lang ako sa kanya bago ininom iyon. Hindi pwedeng magtagal ang sakit ng ulo ko dahil may board meeting ako ngayon.
Dahil wala rin naman akong gagawin ngayon ay nakasandal lang ako sa swivel chair ko habang nakapikit.
Lumipas ang labinlimang minuto na ganun lang ang ayos ko. Nagmulat lang ako mg mata noong narinig ko ang pagkatok ni Chrystaline sa pinto.
"Pasok."
"Maam, magsisimula na po ang meeting in 10 minutes."
"Alright. Susunod na ako."
Tumayo na ako at inayos ang itsura ko para magmukhang maayos sa board meeting.
Nang makapasok sa loob ng meeting room ay nandoon na ang mga board members ng kompanya.
Habang nag-uusap usap kami doon ay paminsan minsan akong napapahilot sa aking sentido dahil kumikirot na naman ang ulo ko.
I sighed in relief when the meeting is done. Naglabasan na ang mga kameeting ko habang ako ay nakaupo pa rin doon.
Nang maalala kong pupunta pa ako sa Tagaytay ay dahan dahan akong tumayo at naglakad pabalik sa opisina ko. Matapos ang sampung minuto ay pumasok si Chrystaline dala ang lunch ko.
Inubos ko ang pagkain ko para may lakas ako sa pagpunta ko sa Tagaytay. Nagpalit ako ng pantalon, t-shirt at rubber shoes bago naglakad palabas.
"Chrystaline, kapag may naghanap sa akin, pakisabi nasa Tagaytay ako. Day visit."
"Yes maam. Ako na po ang bahala."
"Thank you."
Naglakad na ako palabas ng kompanya dala ang isang paper bag. Nang makarating sa loob ng kotse ay nilagay ko ang paper bag sa passenger seat.
Agad kong pinasibad ang kotse papunta sa Tagaytay. Nang makarating ako sa site ay alas dos na ng hapon. Tiningnan ko sa salamin ang mukha ko bago bumuntong hininga. Pinasaya ko at pinakulit ang itsura ko para hindi mahalatang masakit ang ulo ko.
Kinuha ko ang paper bag sa passenger seat at nakangiting naglakad papasok sa site.
"Good afternoon Maam."
"Good afternoon."
"Nasa opisina niya po si Engineer Lopez."
"Thank you."
Naglakad ako papunta sa opisina ni Kai. Ngunit pagbukas ko noon ay wala namang tao. Hinanap ko siya sa labas at nakitang may kausap siyang lalaki sa may tapat ng isang tindahan sa may labas.
Nakangiting naglakad ako papunta doon.
"Kai!"
He just stared at me.
"Kai, I miss you"
I told him as I walk infront of him.
"Who the fck are you?! I'm sorry Miss but I don't know you so leave me the fck alone!"
I was shock about what I heard from him.
Hindi ko lubos maisip kung bakit umaakto siyang hindi ako kilala. Nakita ko namang nagpaalam na ang kausap niya at naglakad paalis.
"Here, pasalubong."
"Kilala ba kita? Bakit ko naman kukunin yan?"
"Umalis lang naman ako ng tatlong araw bakit parang mas lumala ang pakikitungo mo sa akin?"
"What are you talking about? Hindi naman talaga kita kilala. At huwag mo akong tawaging Kai. Hindi naman tayo close para tawagin mo ako nun."
"Tama na please. Wag kang umakto nang ganyan."
"Anong kaartehan yan? Hindi naman talaga kita kilala. Layuan mo na ako. Tigilan mo ang pagtawag sa akin. Huwag kang feeling close. Leave me alone."
Naluluhang tumalikod ako sa kanya. Nabitawan ko sa harap niya ang paperbag na dala ko at saka tumakbo paalis sa harap niya.
Dali dali akong pumasok sa loob ng kotse ko dahil hindi ko mapigilan ang mga luhang nag-uunahan sa pagtulo.
Wala akong pakialam kun humihikbi ako doon dahil sa sakit na nararamdaman. Bakit ba ang sakit sakit niyang magsalita?
Amg sakit niyang mahalin. Tatlong araw lang naman akong umalis pero bakit lumala ang pakikitungo niya sa akin.
Ang sakit sakit. Parang binibiyak ang puso ko dahil sa mga binitawan niyang salita.
---
Aldrich Nathan Kai POV
Napatulala na lang ako sa kinatatayuan ko habang tinitingnan si Cassandra na tumatakbo palayo sa akin.
Sumobra ba ang ginawa ko? Mali ba ang ginawa ko ngayon? Nasasaktan ko na ba siya ng sobra?
Kinuha ko mula sa lapag ang paper bag na nabitawan niya bago tumakbo. Nakita ko ang isang relo sa loob noon.
Gusto ko siyang lapitan at yakapin para tumigil siya sa pag-iyak. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko sa kanya.
Sumisikip ang dibdib ko kapag nakikita ko siyang umiiyak. Pero ang kapal naman ata ng mukha ko, dahil alam ko sa sarili kong ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan at umiiyak ngayon.
Naglakad ako pabalik sa opisina ko dala ang paperbag na ibibigay sana sa akin ni Cassandra.
Nang makarating ako sa loob ng opisina ko ay naupo ako sa swivel chair at binuksan ang paper bag.
Kinuha ko ang box ng relo doon. Tiningnan ko ang harap noon. Yun ang uri ng relo na gusto ko. Napatulala ako nang makita ang likod ng relo.
Kai Lopez
My Love
Yan ang nakalagay sa likod ng relo. Talagang pinalagyan niya ng ganoon ang likod noon.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakita. Ang gago gago ko dahil sinasaktan ko ang taong nagmamahal sa akin ng totoo.
Ang gago ko dahil umaakto akong hindi ko siya kilala. Ang gago ko dahil pinapaiyak ko siya.
Binalik ko sa loob ng kahon ang relo at nilagay ito sa loob ng bag ko.
Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya dahil sa mga nasabi ko. Pero pano ko naman gagawin yun kung sa tuwing nakikita ko siya ay agad akong umiiwas at kung ano ano ang nasasabi.
Dahil siguro ito sa ginawa NIYA sa akin noon. Sa kadahilanang ayoko nang maiwan at masaktan ulit natatakot akong umamin kay Cassandra.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomanceAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...
