Aldrich Nathan Kai POV
"Alam mo tol, gago ka talaga."
"Alam ko."
Ang aga aga nanggugulo sa bahay ko si Blake dahil nalaman daw niya ang nangyari kahapon sa site. Malay ko ba sa isang to. Pinababantayan ata ako dahil wala naman siya sa site kahapon pero alam ang nangyari. Hindi ko rin naman sinabi sa kanya.
"Ito tanong ko sayo tol. Dahil ba sa ginawa NIYA sayo noon kaya hindi mo magawang umamin kay Maxleigh?"
Natahimik naman ako sa sinabi niya dahil totoo naman iyon.
"Alam mo tol, kung hindi ko papakawalan yung nakaraan masstock ka lang dyan. Hindi ka makakamove on sa dapat na nangyayari sa buhay mo ngayon. Tulad na lang nang nangyayari sa pagitan niyo ni Max, dahil sa nakaraan mo hindi mo magawang umamin kay Max. Dahil natatakot kang maulit yung nangyari dati."
"Hindi ko naman mapipigilan ang sarili kong matakot."
"Tol, lalaki ka. Kung magpapatalo ka sa takot mo ay may tyansang mawala sayo ang kung ano man ang meron ka ngayon. "
"Paano kung maulit ang nangyari dati? Paano na ako? Maiiwan na naman ako ganun?"
"Hindi naman parepareho ang mga babae. Kung nasaktan ka noon hindi ibig sabihin ay masasaktan ka uli ngayon. Kung hindi mo susubukan ay hindi mo malalaman. Minsan hindi rin masamang sumugal sa isang bagay o tao. Malay mo, maging successful ang sa inyo ni Max kapag nagkataon."
"Hindi naman kasi ikaw ang nakakaramdam ng nararamdaman ko ngayon."
"Ang sabihin mo hindi ka pa talaga nakakamove on kay Natasha. Tol, mabait naman si Max kahit na may pagkamabangis yun. Bakit hindi mo pakawalan si Natasha? Niloko ka nung tao. Pinagmukha kang tanga pero nakastay pa rin siya sa utak at puso mo. "
"Hindi mo naman naranasan magmahal. Your just a playboy. "
"Oo tol. Playboy ako. Nakakasakit ako ng mga babae. Pero marunong ako magseryoso. Hindi naman ako tulad mo na papakawalan ang taong nandyan para sa akin. "
"Wala kang alam sa nararamdaman ko."
"Wala? Tol, pakawalan mo na si Natasha. Buksan mo yang mga mata mo. Huwag kang maglarong parang tanga. Tol, gwapo ka, matalino ka. Huwag mong gawing tanga ang sarili mo sa bagay na to. Kung hindi mo man kayang mahalin si Max sana hindi mo na pinahirapan at trinatong hindi mo kilala ang tao. Hindi porke hinahabol ka nung tao eh hindi na nasasaktan yun. Hindi naman manhid ang damdamin ni Max para hindi masaktan. Alam mo, hindi na ako magtataka kung titigil na sa pangungulit sayo si Max. Sino ka ba naman para pag-aksayahan niya ng oras? Isa ka lang namang lalaking hindi kayang suklian ang nararamdaman niya."
Hindi ko napigilan ang sarili kong kamay nang umangat ito at sumugod kay Blake. Natigil lang ito noong malapit na sa mukha niya.
"Oh ano? Susuntukin mo ako? Sige ituloy mo! Dyan ka naman magaling diba? Sa pananakit? Ituloy mo sige! Sasaktan mo ako dahil totoo ang sinabi ko? Wala kang kwenta Nathan. Hindi mo deserve si Maxleigh."
Naiwan ako sa loob ng bahay ko na tulala at hindi makaimik dahil sa binitawang mga salita ni Blake. Hindi ko pa ba talaga napapakawalan si Natasha?
Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa pagkalito. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga oras na yun.
Nasa ganun akong ayos nang pumasok si Luke na nag-aapoy sa galit at dinuro ako.
"Fck you Nathan! Kaibigan kita! Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko kayang magalit sayo. Sinusuportahan kita sa lahat ng ginagawa mo. Pero ang saktan ang pinsan ko? Putangina! Sumusobra ka na. Naiintindihan ko kung umiiwas ka dahil gusto mong makumpirma yang nararamdaman mo. Pero ang umaktong hindi kilala si Max at ipagtabuyan siya na parang isang tanga ay sobra na. Ito ang tatandaan mo Nathan. Kahit kaibigan kita, kapag may nangyari sa pinsan ko kakalimutan kong kaibigan ka. Hinding hindi ka makakalapit kay Max. Kung hindi mo kayang suklian ang nararamdaman sayo ni Max ay sabihin mo agad. Dahil sa pagtrato mo na parang tanga kay Max ay napapabayaan na niya ang sarili niya. Putangina!"
Sa haba ng sinabi ni Luke ay isa lang ang naintindihan ko. Yun ay ang napapabayaan ni Cassandra ang sarili niya dahil sa akin.
Ano bang nangyayari? May masama bang nangyari sa kanya?
Ramdam ko ang galit sa akin ni Luke habang sinisigawan niya ako kanina. Dali dali naman akong nagbihis at kinuha ang susi ng sasakyan ko bago pinaharurut iyon papunta sa bahay ni Cassandra.
---
Maxleigh Cassandra POV
Kita ko ang puting ceiling nang magmulat ako ng aking mga mata. Dahil sa amoy ng kwartong iyon ay napagtanto kong nasa ospital ako. Ano bang nangyari?
Ang naaalala ko lang ay nasa kotse ko ako at umiiyak dahil sa tinaboy ako ni Kai. Dahil sa naalala ko ay muling nangilid ang luha ko.
Nasa ganoon akong ayos nang pumasok sa kwarto si Harley at agad napalapit sa akin ng makitang umiiyak ako.
"Sshhh. Its okay. Sshhh."
"H-harley."
"Ayos na ang lahat Max. Nandito na ako. Nandito kami ni Luke. Kami ang bahala sayo. Huwag ka ng umiyak."
"Anong nangyari? Ang naaalala ko lang ay nasa kotse ako at umiiyak."
"Pumunta kami ni Luke sa kompanya niyo pero wala ka doon. Sabi ng sekretary mo ay nasa Tagaytay ka raw dahil visit day mo sa site. Alam naming nandoon si Kai kaya agad kaming pumunta si Luke sa Tagaytay. Saktong pagkarating namin sa site ay nakita namin ni Luke na magkausap kayo ni Kai hanggang sa tumalikod ka at tumakbo papunta sa kotse mo. Tunagal ka ng dalawampung minuto sa loob ng kotse bago lumabas at pumasok sa isang convenience store at bumili ng alak. Masyadong marami ang ininom mo. Nang siguro ay maubos mo ang tatlong bote ng alak ay lumabas ka ng kotse mo para bumalik sa convenience store. Muntik kang masagasaan ng isang kotse pero naging maagap kami ni Luke at nahila ka papunta sa gilid. Pero matapos kang mapunta sa gilid ay siya namang pagcollapse ng katawan mo."
"Kaya ba nandito ako sa ospital?"
"uhmm. Sabi ng doctor, kaya ka raw nagcollapse dahil sa pagod at gutom."
Napangiwi naman sa sinabi niya lalo ng nanliit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"B-bakit?"
"Max naman! May sekretarya ka bakit hindi ka magpabili ng pagkain? Andaming stock sa bahay mo bakit hindi ka kumakain?"
"Kumain naman ako bago pumunta ng Tagaytay."
"Yeah right. Kumain ka nga bago pumunta doon pero kumain ka ba noong mga nakaraang araw?"
Umiling naman ako sa kanya.
"See? Ewan ko sayo. Mabilis akong tatanda dahil sa katigasan ng ulo mo. Hintayin mo na lang si Luke. Ihanda mo ang tenga mo dahil gigisahin ka ng isang yun."
Hindi naman nagkamali si Harley dahil makalipas ang ilang sandali ay pumasok si Kuya Luke at masama ang pagkakatingin sa akin.
Pagkalapit na pagkalapit niya sa akin ay agad niya akong sinermunan. Nakinig lamang ako sa mga sinasabi niya. Tanging tango at iling lamang ang naisasagot ko sa kanya.
Halos kalahating oras akong ginisa at sinermunan ni Kuya Luke hanggang sa tumigil siya dahil sinabi kong sumasakit na naman ang ulo ko.
Dahil doon ay biglang lumambot ang ekspresyon niya at hinayaan akong magpahinga.
Nang maipikit ko ang mga mata ko ay may desisyong nabuo sa aking isipan. Siguro nga ay panahon na para doon.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomanceAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...
