Maxleigh Cassandra POV
Nang matapos ang photoshoot ay agad akong nagbihis ng damit na komportable ako. Nilapitan ko si Kai na inaayos ang gamit ko.
"Aalis na ba tayo?"tanong niya sa akin habang inaayos pa rin ang gamit ko.
"Punta na tayo sa suit na gagamitin natin. Bukas na tayo umuwi." Sagot ko sa kanya.
"Natin? Magkasama ba tayo sa isang suit?" Tanong niya at kinuha na ang bag ko.
"Yep. Pero dalawa naman ang kwarto doon."
Nagsimula na siyang maglakad palabas kaya naman sumunod na ako. Nakapagpaalam na naman ako kay Chrystal kanina.
"Ah okay."yun lang ang naging sagot niya at naghintay sa harap ng elevator.
Nang makapasok sa elevator ay pinindot ko ang number 8. Sa 8th floor kasi ang suit namin.
Nang makarating kami sa suit ay agad niyang nilapag ang bag sa sofa at naupo.
"Ah, nakakapagod." Sabi niya habang nakaupo sa sofa.
"Ikaw ba ang nagphotoshoot? Bakit ikaw ang pagod?" Pang aasar ko sa kanya.
"Hoy, ginawa mo akong yaya kanina. Talagang nakakapagod yun. Lahat ng kailangan mo ako ang nagbibigay sayo ako ang nag-aabot." Paliwanag niya naman at pumikit habang nakasandal sa sofa.
"Slave, gusto ko ng mangga." Sabi ko sa kanya.
"Mangga? Buntis ka ba?" Tanong niya sa akin na ikinalaki ng mata ko.
"What the fuck slave? Porke ba gusto ko ng mangga buntis agad?"
"Pwede rin naman. Kaso wala namang papatol sayo kaya imposible ang naiisip ko." Pang-aasar nito.
"Ah basta gusto ko ng mangga. Ibili mo ako slave." Utos ko sa kaniya at naupo sa sofa.
"Can't you see I'm tired?"
"Slave naman kita eh. Dali na. Meron siguro dun sa labas ng hotel."
"At bakit naman kita susundin?"
"Because your my slave. Now, get me my mangoes." Madiin na sabi ko sa kanya.
"Fine." Sabi niya at tumalikod na lang basta at lumabas ng suite.
Susunod rin pala ang arte arte pa. Pumasok na lang muna ako sa kwartong gagamitin ko at naligo. Nagsuot lang ako ng oversized gray shirt at maong short shorts.
Gumagawa ako ng juice nang dumating si slave. May dala siyang dalawang plastic bag ng mangga.
"Oh ayan, ubusin mo yan lahat. Takaw takaw mo."sabi niya at binigay sa akin ang dalang plastic bag.
Hindi ko siya pinansin at nagsimulang magbalat ng mangga. Nagbalat siya ng dalawang mangga at hiniwa ito.
Nang matapos ay nilagay niya ito sa mangkok na kinuha niya at dinala ang mangkok na may lamanh mangga sa sala nang suit.
Nakita niya si Kai na nanonood ng basketball. Naupo siya sa katabing sofa.
"Lipat mo sa ibang palabas." Utos niya kay Kai.
Bahagya pa siyang nagulat nang hindi ito umangal at sinunod ang utos niya.
Tiningnan niya ang mukha ni Kai habang kumakain siya ng mangga. Nakapoker face lang ito. Wala siyang makitang emosyon sa mukha nito.
"Uy" tawag niya dito.
"A-ano?"sagot nito.
"Anong nangyari sayo? Napipi ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomanceAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...