Maxleigh Cassandra POV
Nananahimik akong kumakain ng agahan nang biglang dumating si Harley sa bahay ko.
"Bakit ka nandito aber?" nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya.
"Samahan mo nga ako sa mall." Sabi niya sa akin.
"At bakit naman ako sasama sayo?" Tanong ko naman sa kanya.
"Basta sumama ka. Bilisan mo na ngang kumain dyan." Yun lang ang sinabi niya at pumunta na sa sala at naupo sabay kuha ng cellphone niya.
Ano na naman kayang topak ng babaeng to?
Hindi na ako nagreklamo pa at tinapos na ang pagkain ng agahan. Bago maligo ay tinawagan ko si Slave para ipagdrive kami ni Harley.
"Hello?" Mukhang bagong gising ang kulto.
"Ipagdrive mo kami ni Harley papunta sa mall. Ngayon na."
Binaba ko rin agad ang tawag at hindi na hinayaan pang makasagot o makaangal ang kulto.
Agad akong naligo at nag-ayos dahil baka mainip ang BWISITA ko sa baba.
Suot ang isang hoodie jacket at ripped jeans ay bumaba na ako para puntahan si Harley.
"Dala mo ba ang sasakyan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi. Nagcommute lang ako papunta dito." Sabi niya naman sa akin.
"Tss. Hintayin na natin si slave." Sabi ko sa kanya at naupo sa tabi niya.
"Ayos na ba kayo nun ni Nathan?"
"Hindi"
"Eh bat mo tinawagan?"
"Ipagdadrive niya tayo. Hindi porke magkaaway kami eh hindi niya gagawin ang mga utos ko."
Hindi na siya nagtanong pa kung kaya'y binuksan ko na lang ang Instagram ko.
Hindi naman nagtagal ay dumating din si Slave sakay ng kotse niya.
"Kaninong kotse ang gagamitin natin?" Tanong ni Harley.
"Akin." Sagot ko sa kanya bago hinagis kay slave ang susi ng ferrari ko.
"Tara na."
Nauna akong maglakad sa kanila kaya ako ang naunang sumakay sa ferrari. Sa likod ako sumakay dahil ayaw kong katabi ang kulto.
"Bat ka nandyan? Di ba dapat ikaw ang nasa passenger's seat?" Tanong sa akin ni Harley.
"Ayoko. Ayokong katabi ang sinungaling."
Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Harley dahil naglagay ako ng earphones. Nilakasan ko ang volume para hindi ko sila marinig.
Ipinikit ko ang mga mata ko dahil inaantok pa ako.
Nang tumigil ang sasakyan ang iminulat ko ang mga mata ko para tingnan kung nasaan na kami.
Nilagay ko naman sa bag ko ang earphones nang makitang nasa mall na pala kami. Nauna uli akong bumaba sa sasakyan.
"San ba tayo pupunta Harley? Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya.
"Maghahanap ng regalo."
"Ano?! Maghahanap ng regalo? Para saan? Bakit kailangan kasama pa ako?"
"I need your opinion. Tama na nga kakareklamo Max. Tara na. At saka maghanap kana rin ng susuutin mo sa party."

BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomanceAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...