Maxleigh Cassandra POV
Ilang araw na ang nakakalipas mula noong magkasagutan kami ni Kai sa loob ng meeting room. At ngayon ay papunta ako sa Tagaytay para bumisita sa hotel.
Nakapants, shirt at rubber shoes lang ako. Hindi naman pwedeng maghigh heels ako doon dahil under constructio yun. Hindi naman ako reyna ng mga construction.
Nakita ko agad ang pagkabusy ng mga manggagawa doon nang makarating ako. Lahat sila ay may ginagawa.
Naglakad ako papunta doon. Napansin naman ako ni Engineer Cruz.
"Good morning Maam."
"Good morning. How's the renovation?"
"It's okay here. Engineer Lopez is a good leader. Maybe you should talk with him to know other updates. I just call him."
Tumango na lang ako at hindi na nakaangal dahil agad niyang pinuntahan si Kai na nakasuot ng hard hat.
"Want are you doing here?"
"Just checking and visiting."
"Everythings alright here. Do you need something?"
"Can I talk to you?"
"We are already talking."
"I'm serious Kai."
"Follow me."
Sinundan ko naman siya papunta sa lugar kung saan ang opisina niya doon. Mayroon kasi siyang opisina doon.
Nilock niya ang pinto noong makapasok kami. Napapabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagsasalita.
"Talk."
"Ahm."
"Talk now. I have work."
"Im sorry."
"For what?"
"Sorry dahil sa nangyari ilang araw na ang nakakalipas. Sorry kung may masasakit akong salita na nasabi sayo. Kai, please dont act like you dont know me. Na para bang wala tayong pinagsamahan ng ilang buwan kahit na hindi romantikong relasyon yun. "
"Why would I do that?"
"Cause Im hurt. Alam mo namang mahal kita diba? Kaya nasasaktan ako sa inaakto mo."
"I'll go back to the site."
"Kukulitin kita kahit anong mangyari. Kahit magalit ka pa. Kahit mainis ka pa. Kukulitin kita para patunayan sayo na totoo ang sinasabi ko."
"Umalis ka na. Babalik na ako sa trabaho ko."
Hinayaan ko siyang lampasan ako at iwan sa opisina niya. Nang makalabas siya ay ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko. Nangingilid ang luhang umupo ako sa isang upuan doon.
Tama nga ako, hindi siya naniniwala sa sinabi kong mahal ko siya. Akala ba niya ay naglalaro lang ako?
Pinunasan ko ang mukha ko at inayos ang sarili bago lumabas sa opisina niya. Sinarhan ko ang pinto bago naglakad papunta sa may site.
Nakita ko siyang abala na naman sa ginagawa niya kanina. Napatingin naman ako sa relong pambisig ko. Magtatanghali na pala.
Naglakad ako paalis doon at naglakad na lamang papunta sa isang restaurant na malapit sa hotel. Nag take out ako ng mga pagkain para sa mga kasamahan ni Kai at para sa kanya.
Hindi na ako bumili ng sa akin dahil nawalan ako ng ganang kumain ng tanghalian.
"Maam, madami po ito. Kaya niyo po bang dalhin lahat?"
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomanceAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...
