Chapter 6

154 10 0
                                    

Maxleigh Cassandra POV

Dahil sa nangyari kagabi ay hindi ko muna tinawagan si Slave ng maghapon. Nag-ayos ako mag-isa ng mga gagamitin namin nila Chrystal para sa photoshoot.

Sa bahay ko kasi gaganapin ang photoshoot.

Nang matapos akong maghanda ng mga gagamitin ay nagluto ako ng dinner para sa amin nila Chrystal pati na rin ng mga kasama mamaya.

Nang matapos magluto ay agad akong pumunta sa kwarto ko para maligo at mag-ayos. Nagsuot lang ako ng simpleng dress na pambahay.

Siguro natuwa ang slave na yun dahil hindi ko siya tinawagan ng maghapon. Tsk, wala nga pala akong katulong mamaya.

Kaya naman kinuha ko ang cellphone kong nakacharge at pumunta sa sala para hintayin sila Chrystal. Habang naghihintay kay Chrystal ay tinawagan ko si Slave.

"Hello?"mahinang sabi nito.

"Ngayon ang photoshoot dito sa bahay ko. Wala akong katulong." Sabi ko sa kanya. Alam na naman niya ang ibig kong sabihin dun.

"*cough* mian hamnida, momi anjoayo. *cough cough* okay lang ba na hindi ako makapunta?" Tanong niya sa akin.

Naawa naman ako sa kanya kaya hinayaan ko na lang. Dahil siguro sa nangyari kagabi kaya nagkasakit siya.

"Ihae haesseoyo.  Josimhaeyo." Yun lang ang sinabi ko sa kanya at binaba na ang tawag.

Maya maya pa ay dumating na sila Chrystal kaya nag-ayos na kami. Nilagyan na ako ng make up ni Alice.

Nang matapos ang photoshoot ay inaya ko silang kumain.

"Guys, kain na tayo. May niluto na ako kanina para sa dinner." Aya ko sa kanila.

"Yun! Sakto, gutom na rin kami." Sabi ni Kuya Robert, lightman namin kapag may photoshoot.

Nagpuntahan na kami sa dining area at nagsikain ng dinner. Nagtatawanan at nagkukwentuhan lang kaming lahat habang kumakain.

--

Aldrich Nathan Kai POV

Nag-ayang mag bar sila Blake at Luke kaya naman para makasama ay nagkunwari akong may sakit nang tumawag si Cassandra.

Hindi naman siguro niya mahahalatang fake yun. Nang makarating sa bar ay agad kaming nag-order ng alak.

Hindi pa kami nakakatagal sa pag-upo ay may lumapit na dalawang babae sa amin ni Blake.

Hindi naman nilalapitan ng babae si Luke dahil ayaw niya raw ng babae. Magagalit daw kasi sa kanya ang pinsan niyang si Cassandra.

Silent treatment pa man din daw ang ginagawa nito kapag hindi siya sumunod.

"Tol, buti hindi ka inutusan ngayon ni Maxleigh. Buti nakasama ka." Sabi ni Blake sa akin habang umiinom kami.

Lihim naman akong napangiwi sa sinabi niya. Kung alam mo lang tol. Na nagkunwari lang akong may sakit para makasama.

"Syempre naman ano. Sino ba siya? Tsk. Deal lang naman yun."

Hindi na namin pinag-usapan pa ang tungkol doon at nag inom na lang.

Ano kayang nangyari sa photoshoot ni Cassandra? Tsk. Pagod siguro yun. Wala ba namang katulong sa mga ginagawa niya.

Nevermind. Hindi ko na inisip pa ang master kong masungit at maangas. Uminom na lang ako ng uminom at inentertain ang babaeng lumapit sa akin.

This night is going to be fun.

--

Maxleigh Cassandra POV

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon