Chapter 45

143 6 0
                                    

Maxleigh Cassandra POV

Hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ko simula nang magising ako hanggang makarating ako ngayon sa kompanya namin.

Sobrang saya ko dahil alam na nila mommy at daddy ang tungkol sa amin ni Kai at tanggap nila iyon.

"Good morning,Maam."

"Good morning,Chrystaline."

"Blooming po kayo maam."

"Bolera."

Natawa na lang sa akin si Chrystaline. Pumasok na ako sa opisina ko at nagsimulang magtrabaho. Kahit nags-sign lang ako ng mga papers ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ko.

Nababaliw na ata ako. Pumasok si Chrystaline na may dalang kape.

"Kape niyo po Maam."

"Thank you."

Nilapag niya ang kape sa mesa kung saan walang mga papeles. Tumigil muna ako sa pagpirma at pagbasa para inumin ang kape. Maya-maya pa ay muling kumatok sa pinto si Chrystaline. Nakangiti itong pumasok at may dalang flowers.

"Maam, may nagpadeliver po para sa inyo."

"Thank you,Chrystaline. Kanino raw galing?"

Nakita kong kinikilig siya habang inaabot ang flowers sa akin.

"Kanino pa po ba Maam? Syempre po sa bebe niyo."

"Ikaw talaga. Sige salamat."

Lumabas na siya ulit sa opisina ko at bumalik sa table niya. Napangiti naman ako dahil sa flowers.

Nababaliw na ba ako? Simula nang magising ako ay nakangiti na ako.
Nakita ko ang isang card sa may loob ng bouquet. Kinuha ko iyon at binuksan. Tumambad sa akin ang sulat kamay ni Kai.

Good morning love. Take care of yourself. Always smile. See you later. I love you.
-Kai

Kinikilig ko namang binalik ang card sa bouquet at nilagay ito sa may mesa. Para naman akong high school student na kinikilig.

Napailing na lang ako sa sarili ko at muling bumalik sa pagpirma at pagbabasa. Nasa ganoon akong gawain nang may kumatok sa pinto. Pumasok si Kuya Luke na kasama si Harley.

"Hey."

"Sup."

"Required bang magkasama kayo kapag pumunta kayo dito?"

Natawa naman sila sa reaksyon ko.

"Nah. May pupuntahan kami eh. Naisipan lang naming dumaan muna dito. Baka gusto mong sumama."

"Nah. Hindi ako pwede. May pupuntahan ako mamayang dinner."

"Saan naman? Hindi ba pwedeng delay muna yan?"

"Really Harley? Kakabakasyon lang natin noong kararating pa lang natin. Isa pa bawal idelay yun. Ayokong magalit ang parents ni Kai dahil nadelay ang dinner mamaya."

Nakita ko ang panlalaki ng mata nilang dalawa sa sinabi ko.

"Did you just said 'parents ni Kai'?"

"Yeah."

Napatawa naman ako dahil tumili ng malakas si Harley at nagtatalon.

Natatawang pinapatigil naman ito ni Kuya Luke.

"Hon. Stop jumping. Baka madulas ka. Hey."

Napaayos naman ng tayo si Harley at muling umupo sa inuupuan niya kanina.

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon