Chapter 12

136 8 1
                                    

Maxleigh Cassandra POV

Nang magising ako ay nakabihis na ako ng t-shirt at pajama. Sinong nagbihis sa akin?

Naalala ko naman ang nangyari kagabi. Nakatulog nga pala ako nung pauwi na kami ni Kai. Siya ba ang nagbihis sa akin?

Napatakip naman ako sa dibdib ko dahil sa naisip. Alas sais pa lang ng umaga.

Agad akong naligo at nagsuot ng corporate attire dahil naalala kong ngayon ang first day ko sa kompanya.

Nang makapag-ayos ay bumaba na ako sa kusina at nagulat sa aking nakita. Si Kai nakalong sleeve na blue na pantalon.

Nagtitimpla siya ng kape sa dalawang baso.

"Goodmorning. Gising ka na pala, Master. Umupo ka na. Kain na tayo. First day mo ngayon sa kompanya niyo."sabi niya habang inilalagay ng baso ng kape sa tapat ko.

Naupo naman ako sa tapat niya.

"Ikaw ba ang nagluto? Ang aga pa ah."

"Ah oo. Nga pala di na ako nakapagpaalam sayo kagabi, tulog ka na kasi. Dito na ako natulog sa guest room mo. Kumuha lang ako ng damit sa bahay ko." Paliwanag niya.

Tumango naman ako sa kanya at nagsimula nang kumain.

Nang matapos kaming kumain ay siya na rin ang nagligpit ng mga pinagkainan namin.

Pinagbuksan niya ako ng pinto bago umikot para sumakay sa drivers seat.
Wala kaming imikan habang nasa kotse. Nahihiya akong itanong sa kanya kung sino ang nagbihis sa akin.

Hanggang sa makarating kami sa kompanya ay wala pa rin kaming imikan.

"Good morning Maam." Bati sa akin ng mga empleyado habang naglalakad ako papunta sa opisina ko.

Nang makarating sa opisina ay agad akong naupo.

"Master, gusto mo ba ng kape?" Tanong sa akin ni Kai.

"Sure." Sagot ko habang nagsisimula ng basahin ang mga kailangang pirmahan.

Maya maya ay pumasok uli sa opisina si Kai na may dalang kape.

"Heres your coffee." Sabi nito bago nilagay sa mesa ang kape.

"Thank you. Nga pala, Kai, ikaw ba ang nagbihis sa akin?" Tanong ko sa kanya habang binabasa pa rin ang mga documents.

"Yeah ako nga. Bakit?"

"May nakita ka ba? Nanilip ka no?" Sabi ko sa kanya bago binaba ang binabasa ko.

"Hoy! Anong nanilip? Wala naman akong nakita ah. Natatakpan ka nung kumot nung pinalitan kita ng damit. At saka wala naman akong makikita." pang-aasar niya sa akin.

"Anong wala? Meron to ano." Sabi ko sa kanya.

"Anong meron? Wala kaya. " sabi niya naman.

"Pano mo naman malalaman kung meron o wala? Nanilip ka talaga no?"

"Hindi ah. Bat naman kita sisilipan? Hindi ka naman kasilip silip."sabi niya sa akin.

"Ang kapal talaga ng mukha mong kolokoy ka." Sabi ko sa kanya.

Nagbabangayan pa rin kami doon ng biglang may kumatok sa pinto.

"Buksan mo!" Sigaw ko sa kanya.

Naglakad naman siya papunta sa pinto bago ito binuksan at pumasok si Harley.

"Ang aga aga nag aaway na naman kayong dalawa. " sabi nito bago umupo sa tapat ko.

"Ito kasi!" Sabay naming sabi ni slave habang nakaturo pa sa isat isa.

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon