Chapter 13

141 6 0
                                        

Maxleigh Cassandra POV

Isang buwan at tatlong linggo na ang nakalipas. At isang linggo na lang matatapos na ang deal naming dalawa. Sa loob ng mga araw na yun ay hindi nagmintis ang pag-aasaran namin ni Kai.

Meron din namang mga araw na sobrang bait nito. Yung tipong nag-aya itong magpunta kami sa coffee shop para magkape at kumain ng cake at libre niya.

Meron ding isang beses na biglang umulan noong nagpasa siya dito na maggrocery. Na ipinahiram nito ang jacket nito sa kanya para hindi siya mabasa.

Binabalikan ko ang mga nangyari makalipas ang isang buwan at tatlong linggo nang biglang pumasok si Kai dala ang isang baso ng kape.

"Heres your coffee maam."nakangising sabi niya.

"Anong kalokohan na naman yan? bakit maam ang tawag mo sa akin? Anong nakain mo ngayon ha?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Di ba pwedeng maging pormal ako ngayong araw?" Sabi naman nito.

"Ewan ko sayo. Baliw ka." Natatawang umupo naman ito sa tapat ko.

"Nga pala Master, isang linggo na lang pala matatapos na ang deal natin. Gusto mong magbakasyon?" Tanong niya sa akin.

Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Pwede naman. Ano bang schedule ko sa susunod na linggo? May importanteng mga meeting ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala namang importanteng mga meeting sa susunod na linggo." Sabi nito sa akin.

"Eh di sige. Bakasyon tayo. Para bago naman matapos yung deal natin mailibre mo ako ng bakasyon." Sabi ko dito.

"Yun ba talaga master? Baka naman mamiss mo ako kapag natapos na ang deal natin master?" Pagbibiro nito.

"Hindi no. Bat naman kita mamimiss?" Sabi ko sa kanya.

"Aray ko naman master. Nasasaktan ang ego ko sayo." Biro niya habang kunwari pang nasasaktan at nakahawak sa may dibdib niya.

"Ewan ko sayo. Baliw ka. San ba tayo magbabakasyon?" Tanong ko sa kanya.

"Sa Batangas. Sa Anilao." Sabi niya.

"Talaga?! Maganda daw doon ah." Sabi ko sa kanya.

"Kaya nga doon tayo pupunta Master. Tatlong araw lang naman. Tapos yung natitirang dalawang araw ay dito na tayo sa opisina para maayos ko ang maiiwan kon trabaho." Sabi niya.

Napatango naman ako sa sinabi niya.

"Teka nga. Planado mo na ang lahat ano?" Tanong ko sa kanya.

"Oo master. Approval mo na lang ang kulang . Pero dahil pumayag ka na ayos na lahat. Tayo na lang ang kulang. Ready na ang beach." Sabi niya habang nakangiti.

"Ganun ba? Excited na ako. O siya, mamaya na natin pag-usapan yan habang pauwi. Marami pa akong kailangan ayusing mga dokumento. Nga pala yung proposal ng kompanya nila Blake? Nasayo na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ah oo. Chinecheck ko muna yun. Mamaya ibibigay ko sayo kapag natapos ko ng icheck." Sabi naman niya.

"O sige. Mamaya na natin pag usapan yung tungkol sa bakasyon. Madami pa akong gagawin."

Yun ang naging cue niya para lumabas sa opisina ko. Sinimulan ko naman ang pagbabasa sa mga dokumento na nasa mesa ko.

Ang mga approvals. Kailangan kong matapos ang lahat ng ito bago kami magbakasyon ni slave sa Batangas.

Excited na ako sa bakasyon naming dalawa ni Kai.

--

Aldrich Nathan Kai POV

Nakapagplano na ako ng lahat talagang approval na lang ni Cassandra ang kulang para matuloy ang bakasyon.

Mabuti na lang at maluwag ang schedule niya next week. At mabuti na lang rin at pumayag  siya sa bakasyon.

Kaya ako nag-aya ng bakasyon kasama siya ay para magkaroon ng magandang memorya bago matapos ang deal.

Pagkatapos kasi ng deal na to ay di ko alam kung anong mangyayari. Pwedeng iwasan ko siya o ako ang iwasan niya.

Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari kaya gusto kong may baon kami pareho ng magagandang alaala bago matapos ang deal.

Tumatalon sa tuwa ang puso ko kapag naiisip ko na magbabakasyon kaming dalawa at malapit na kami sa isa't isa.

Pero kapalit ng tuwang yun ay ang kirot kapag naiisip kong pagkatapos ng bakasyong yun ay maraming magbabago.

Matapos ang mga ginagawa ko bilang secretary ni Cassandra ay agad akong nagpareserve ng kwarto sa Anilao Resorts para sa bakasyon namin.

Inasikaso ko lahat ng kailangan namin para sa bakasyon. Gusto kong maging memorable yun.

Sana magustuhan niya ang gagawin ko.

--

Maxleigh Cassandra POV

Noong pauwi na kami sa bahay ko ay napag-usapan uli namin ang tungkol sa bakasyon.

"Nga pala slave, paano tayo pupunta sa Anilao?" Tanong ko sa kanya.

"I will drive. I will bring my car. Okay lang ba sayo na madaling araw tayo magbabyahe?" Tanong niya sa akin.

"Ofcourse para iwas din sa traffic." Sabi ko sa kanya.

"Yeah. Nga pala Cassandra, thank you dahil pumayag ka na magbakasyon tayo." Sabi niya.

"Syempre naman. Isang linggo na lang oh . Last bonding na natin yun. Basta wag mong kakalimutan ang master mo kapag natapos na ang deal." Sabi ko sa kanya.

Natatakot akong isipin na kapag natapos ang lahat ng to, ay hindi na niya pansinin pa.

Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Pero hindi ko ipinahalata o sinabi sa kanya yun.

"O sige. Baka nga ako pa ang kalimutan mo Master. Wag mong kakalimutan na sa loob ng tatlong buwan eh nagkaroon ka nang gwapong slave." Sabi niya sa akin.

"Hala! May ipo ipo ang lakas. "natatawang sabi ko sa kanya.

"Aba!hindi ako nagyayabang no. Totoo yun! At saka may ipagmamayabang naman ako." Nakangising sabi niya.

"Oo na oo na. May ipagmamayabang ka na. Kaya bilisan mo na sa pagdrive para makauwi na ako. Kailangan kong tapusin yung mga approvals. Para naman wala na akong iisipin tungkol sa trabaho kapag nasa bakasyon na tayo." Sabi ko sa kanya.

Nang makarating kami sa bahay ko ay hindi na siya bumaba sa kotse niya.

"Goodnight Kai. See you tomorrow. I'm so excited for the vacation." Sabi ko sa kanya.

"Goodnight Cassandra. See you." Sabi niya at kumaway bago nagdrive na paalis.

Pumasok na ako sa bahay ay nagpalit ng pantulog. Tinapos ko ang mga kailangang pirmahan at ayusin. Mabilis ko lang yun natapos dahil kakaunti na lang iyon.

Nang matapos kong gawin ang mga dokumento ay nag-ayos naman ako nang gamit para sa bakasyon namin ni Kai.

I'm so excited for the vacation. Excited na rin akong makasama si Kai sa Anilao, Batangas na kaming dalawa lang. Sana maging masaya ang vacation namin.

I wish that we could make best memories that I cannot forget in the vacation.

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon