Chapter 29

116 7 0
                                        

Maxleigh Cassandra POV

Pasulyap sulyap ako sa cellphone ko na nasa tabi ko lamang. Naghihintay sa text o email ni Kai tungkol sa update ng hotel.

Dalawang araw na ang nakakalipas at huling araw ko na ngayon sa Cebu. Sa dalawang araw na lumipas ay wala man lang kahit isang text o email kay Kai.

Talagang iniinis niya ako sa ginagawa niya. Kukutusan ko talaga siya sa oras na makita ko siya.

Marupok ka gurl. Hindi mo kayang kutusan si Kai.

Napangiwi naman ako sa sinasabi ng kabilang parte ng utak ko. Oo na, marupok na. Ngayon lang naman ako naging marupok sa kanya.

Hindi pa rin ako mapakali sa inuupuan ko dahil wala pa ring ni ha o tuldok man lang galing sa kanya.

Dahil tapos na rin naman ang kailangan kong gawin dito sa Cebu ay pumunta na lang ako sa mall para bumili ng mga pasalubong. Hindi ko inaasahang magkakaproblema dito sa branch ng hotel namin sa Cebu.

Maliit na problema lang naman yun at naresolba agad noong makarating ako.

Halos bilhin ko ang lahat ng makita kong magugustuhan nila Kuya Luke. Kaya ang ending ay andami kong dala hanggang sa makasakay ako sa kotse ko. Inayos ko yun sa likod bago pinaharurot ang kotse pabalik sa hotel.

Ayaw ko man maging marupok kay Kai pero hindi ko magawa dahil sa tingin ko ay halos kalahati ng pagkain na binili ko ay mga paborito niya.

Am I obsessed with him? Well, I dont think so.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama noong makarating ako sa suit na tinutuluyan ko. Unti unti ay hinila ng dilim ang aking paningin hanggang sa makatulog ako.

--

Aldrich Nathan Kai POV

Dalawang araw ng wala si Cassandra dahil pumunta siya sa Cebu. Hindi rin ako nagtetext o nag eemail sa kanya kahit na sinabi niyang iupdate ko siya tungkol sa hotel.

Sobrang pagpipigil ko para hindi maging marupok sa kaniya. Kailangan ko siyang sungitan. Hanggat maaari ay iiwasan ko siya para makumpirma ang nararamdaman ko.

Gusto ko siyang tulungan noong binilhan niya ng lunch ang mga manggagawa sa site. Pero hindi ko magawa dahil sa kagustuhan kong kumpirmahin ang nararamdaman ko.

Gusto kong kainin ang cookies na binigay niya. Alam kong siya ang gumawa noon. Pero pinigilan ko ang sarili ko at tinago lamang iyon.

Please accept this. Papatunayan kong totoo ang sinasabi ko na mahal kita. Sana kainin mo ito at sana magustuhan mo.
                 -Cassandra

Hawak ko ngayon ang sticky note na nilagay niya sa ibabaw ng box noong cookies.

Kakayanin ko bang tagalan ang ginagawa ko? Gusto kong magsorry sa kanya dahil sa mga nasabi kong masasama. Pero hindi ko magawa.

--

Maxleigh Cassandra POV

Pagod akong nagmaneho pauwi sa bahay ko galing sa airport. Para akong lantang gulay sa itsura ko ngayon.

Nanghihina ng sobra ang katawan ko sa hindi malamang dahilan. Mabagal na naglakad ako papasok sa loob ng bahay ko. Nahihilo ako at sumasakit ng sobra ang ulo ko.

Kumain naman ako ng breakfast at lunch pero bakit ganito ang nararamdaman ko.

Sakto namang nakarating ako sa tapat ng kama ko noong nandilim ang paningin ko at bumagsak ang katawan ko sa kama.

--

Nagising ako dahil sa pag-uusap ng dalawang tao na sigurado akong nasa loob ng kwarto ko ngayon. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang love birds na nakaupo sa sofa sa loob ng kwarto ko at nag-uusap.

"Bakit kasi hindi mo pinigilan na kulitan si Kai?" Sabi ni Kuya Luke kay Harley na ngayon ay masama ng tingin kay Kuya Luke.

"Ano ba? Ang kulit mo naman eh. Pinigilan ko nga yan. Sadyang hindi lang nakinig sa akin. Sabi niya titigil naman daw siya."

"Kelan? Kapag may sakit na siya dahil sobrang pagod niya at nalilipasan ng gutom?"

Nakita kong inirapan na lang ni Harley si Kuya Luke at hindi na ito pinansin. Mukhang mag-aaway pa ang dalawa dahil sa akin.

Dahan dahan naman akong umupo at nakita kong naalerto naman ang dalawa at nagmamadaling lumapit sa akin.

Agad ko namang binatukan si Kuya Luke nang makalapit ito sa akin.

"Aray ko naman Max. Ikaw na nga ang tinutulungan dyan nambabatok ka pa."

"Ayos lang naman ako. At isa pa, talagang babatukan kita dahil inaaway mo si Harley. Kuya, pinigilan naman ako ni Harley sa desisyon kong kulitin si Kai. Ako naman ang may gusto nito. At isa pa, nandito naman kayo kapag hindi ko na kaya diba? Hindi niyo naman ako papabayaan diba?"

Napabuntong hininga naman silang pareho dahil sa sinabi ko.

"Gusto ko lang namang patunayan kay Kai na totoo yung sinasabi ko sa kanya. "

"Pero Max, napapabayaan mo na ang sarili mo. Tingnan mo nga, nahimatay ka pa dahil sa nagpapalipas ka ng gutom at pagod. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?"

"Kuya Luke, hindi naman dahil kay Kai yun. Dahil yun doon sa gusot na inayos ko sa Cebu."

"Talaga lang ha? Kaya pala sabi ng pinagbabantay ko sayo doon ay hindi ka kumain ng maayos sa loob ng tatlong araw. "

"Kuya naman. Hayaan mo na ako sa desisyon ko. Titigil naman ako kapag hindi ko na kaya."

"Max, kung hindi kita mapipigilan sa desisyon mo eh di sige. Pero huwag mo naman pabayaan ang sarili mo. Pinag-alala mo ako. Akala ko kung ano nang nangyari sayo. Nakita kitang nakahiga sa kama at hindi maayos ang pwesto."

"I'm sorry. Hindi ko na papabayaan ang sarili ko. Promise ko sayo Kuya Luke, kapag hindi ko na talaga kaya, titigil na ako. Sa ngayon, gusto ko lang patunayan kay Kai na totoo ako sa sinabi kong mahal ko siya."

Nagkatinginan naman silang dalawa bago nagsalita si Harley.

"Mukhang hindi ka namin mapipigilan sa desisyon mo. Pero tandaan mo Max, wag mong kakalimutang magsabi o lumapit sa amin kapag hindi mo na kaya. Nandito lang naman kami para sayo. Nag-aalala lang naman kami ni Luke para sayo."

"I'm sorry. Hindi ko na kaya pag-aalalahanin. "

Hanggang sa maggabi ay hindi nila ako iniwan sa bahay ko. Baka raw kasi hindi na naman ako kumain. Kaya ayun si Kuya Luke, nagluto ng madaming pagkain at ubusin ko raw lahat yun.

Maswerte ako kay Kuya Luke at Harley. Kahit alam kong tutol sila dahil sa ginagawa ko ay hindi nila ako iniwan. Hindi nila ako pinabayaan. I'm so lucky to have them in my life.

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon