Chapter 34

116 4 0
                                        

A/N:

Play the song Di Na Magtatagal doon sa part na nasa airport na silang dalawa at magkaharap. Hoho.

Sorry kung masakit ang part na'to. Hope you like it.

~~~~~~~~~~~~~~~~♡

Maxleigh Cassandra POV

Dalawang araw na lang at aalis na ako ng Pilipinas. Simula kahapon ay nandito lang ako sa bahay ni Kuya Luke. Alam ko rin na pumunta si Kai dito dahil nasa loob ako noon at nakikinig sa kanya.

Hindi ako makapaniwala sa inamin niya kay Kuya Luke na mahal na niya ako. Gusto kong magdiwang dahil sa narinig ko.

Pero hindi ko magawa dahil nananaig pa rin ang sakit na idinulot niya sa akin.

Si Kuya Luke at Harley na rin ang nag-ayos ng mga kailangan ko para sa pagpunta ng Canada.

Sasama raw kasi silang dalawa sa akin. Pumayag naman daw ang parents nila na samahan ako doon. Sinabi ko nga sa kanila na wag na nila akong samahan dahil magtatagal din ako sa Canada.

Wala naman akong magawa dahil nagpumilit silang sumama. Kaya ito ako ngayon. Nag-aayos ng mga gamit namin na dadalhin sa Canada.

Inayos ko na rin ang mga maiiwan kong trabaho. Nagtatrabaho pa rin naman ako pero dinadala lang ni Chrystaline ang mga kailangan kong gawin dito sa bahay ni Kuya Luke.

Hindi ko nga alam kung nalaman na ni Kai na nandito ako sa bahay ni Kuya Luke.

Hanggang ngayon ba ay hinahanap niya pa rin ako? Baka naman palabas lang ang sinabi niyang mahal niya ako. Hanggang kailan ba ako masasaktan dahil sayo Kai?

----

Aldrich Nathan Kai POV

Lumipas ang isang araw na hindi ko pa rin mahanap si Cassandra. Pinuntahan ko na lahat ng pwede niyang puntahan pero wala siya.

Hindi ko pa rin siya makita. Hindi ko masabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Nagpatulong na rin ako kay Blake na hanapin si Cassandra pero wala pa rin. Wala pa rin akong balita sa kanya.

Kung sana hindi ako naging tanga at torpe ay kasama ko siya ngayon. At hindi niya kailangang magtago o umalis.

"Tol, wala talaga. Tinanong ko na rin sa mga empleyado niya pero hindi pa raw pumapasok si Max."

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Blake.

"Salamat tol."

"Mabuti pa tol, magpahinga ka na. Gabi na rin. May bukas pa naman para hanapin natin si Max. Hindi naman tayo makakapaghanap ng maayos kapag pareho tayong pagod."

"Sige. Salamat sa pagtulong tol. Ingat."

Tumango na lang siya at tinapik ang balikat ko bago naglakad paalis at sumakay sa kotse niya.

Pumasok naman ako sa loob ng bahay ko at naglinis ng sarili bago nahiga sa kama.

Heto na naman ako at nakikipagtitigan sa kisame. Mukha ni Cassandra ang nakikita ko sa kisame ng kwarto ko at hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait.

Makikita pa ba kita, Cassandra? Magpakita ka na sa akin oh. Mahal kita.

Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na ang pag-iisip.

--

Isang araw pa ang lumipas pero wala pa ring Cassandra ang nagpapakita sa akin. Hindi ko rin macontact ang cellphone niya.

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon