Maxleigh Cassandra POV
Nakapantalon, white shirt at rubber shoes lang ako habang naglalakad papasok ng kompanya namin. Diba nga pupunta ako sa Tagaytay kasama si Kai ngayon? So ayun, may gagawin lang ako mabilis dito sa kompanya tapos susunod na ako sa kanya doon.
Habang naglalakad ako papunta sa opisina ko ay binabati ako ng mga empleyado at nginingitian o di kaya'y tinatanguan ko lang sila.
Malapit na ako sa may opisina ko ng tumunog ang cellphone ko na nasa bag ko lang. Kinuha ko yun at sinagot ang tawag na hindi tinitingnan kung sino ang caller.
"Hello? Maxleigh Buenaventura speaking."
"Why so formal?"
Napatingin naman ako sa screen ng phone ko noong narinig ko ang tinig ni Kai sa kabilang linya. Siya pala ang tumatawag.
"Bakit hindi? Mr. Lopez, ikaw na rin ang nagsabi, huwag kong dalhin ang personal na bagay sa trabaho."
"Nasaan ka na ba? Papunta na ako sa hotel niyo sa Tagaytay."
"Makakapunta ka naman siguro ng wala ako diba? Susunod naman ako doon. Kailangan ko lang ayusin tong iiwan kong kompanya ngayong araw."
"Fine. Sumunod ka kaagad. I dont want to wait for too long."
"Ikaw nga dyan ang matagal akong pinaghihintay." Bulong ko na sa tingin ko naman ay hindi niya narinig.
"May sinasabi ka ba?"
"Wala. Sabi ko, oo susunod ako agad dyan kaya huwag mo na akong tawagan."
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pinatay na agad ang tawag. Bastos na kung bastos baka kasi kung ano pang sabihin nun kapag hindi ko pa binaba ang tawag.
Nakita ko naman si Chrystaline na nasa table niya at may inaayos na mga documents.
"Maam, kayo po pala. Good morning po."
"Good morning. Chrystaline, ikaw muna ang bahala dito sa kompanya ngayong araw okay? Pupunta ako ng Tagaytay ngayon. Alam mo na. Yung sa renovation."
"Yes maam. Ako na pong bahala dito."
"Okay. Thank you? Chrystaline."
Matapos kong magbilin sa kanya ay tiningnan ko lang kung may naiwan pa ako sa loob ng opisina ko bago lumabas ulit para pumunta na sa Tagaytay.
Nang makasakay sa sariling kotse ay agad ko iyong pinaandar paalis sa kompanya. Baka mamaya ay tumawag na naman sa akin si Kai at sabihing bilisan ko dahil ayaw niya na maghintay.
Akala niyo ba tatarayan ko siya mamaya? Nagkakamali kayo dyan syempre. Actually sa tawag ko lang siya sinungitan ngayon pero mamaya kukulitin ko siya.
Bago tumuloy sa Hotel ay bumili muna ako ng kape sa Starbucks. Dalawa yung binili ko para kay Kai yung isa.
Nang makarating ako sa hotel ay nakita ko siyang kausap ang isang staff. Nag-uusap sila ng masinsinan noong tinuro ako ng staff na kausap niya.
"Nandito ka na pala. Mabuti naman at hindi ka natagalan."
"Andami mong sinasabi Kai. Oh ayan, kape. Para kumalma ka naman."
Inabot ko sa kanya ang kape at ininom ko naman ang akin. Tinapon ko naman sa trashbin yung cup ng kape noong naubos ko na yun.
Nilingon ko si Kai na nasa likod ko lang at umiinom pa rin ng kape na binigay ko sa kanya.
"Ililibot pa ba kita?"
"Sige. Para naman makita ko ang buong building."
"Sige. Tara na. "
Tinapon niya sa trashbin ang cup ng kape bago sumunod sa akin. Habang tinotour ko siya sa buong building ay pinag-uusapan namin kung ano yung mga gusto kong idagdag.
Sinusulat naman niya lahat ng sinasabi ko. Nagtagal kami doon sa studio. Naupo kami sa sofa doon.
"So ayun, nakuha mo na ba lahat ng idadagdag ko? "
"Yeah. Nasulat ko na lahat. May idadagdag ka pa ba?"
"Wala na naman. Nasabi ko na lahat. Pati yung dito sa studio, nasabi ko na rin lahat. Kailan ba sisimulan yung renovation?"
"Next week. Actually, hinahanda na yung team ko para dito tapos inaayos na rin yung mga gamit na kailangan. Idedeliver na dito yung mga gamit by next next day."
"Alright. I think mabilis lang din matatapos yung renovation kasi alam ko namang hands on ka dito diba Kai? At isa pa, next week na agad kayo magsisimula."
"I dont think so. Pero sana nga mabilis lang matapos yung renovation."
Kumirot ang dibdib ko nang sabihin niyang sana mabilis lang matapos ang renovation. Kasi sa loob loob ko, sana matagalan kasi gusto ko pa siyang makasama.
Pero mukhang kabaliktaran yung gusto niya. But its okay. Actually may kaunting saya sa akin kasi hindi niya ako pinagsabihan mula kanina kahit na Kai lang yung tinatawag ko sa kanya.
"May itatanong ka pa ba? May kailangan pa ba?"
Sana meron pa. Sana meron ka pang kailangan para makasama pa kita.
"Hmm. Wala na. Dito ka lang ba or babalik ka na rin sa company niyo? I guess I go now. I have something to do in our company now."
Sabi ko nga may gagawin ka pa eh. Sabi ko nga di na maeextend ngayong araw eh.
"Yeah sure. Mauna ka na. May ibibilin lang ako sa mga staff then babalik na rin ako sa company namin. Take care Kai. Drive safely."
Hindi na ako nagtaka kung tango lang ang naging sagot niya sa sinabi ko. Noong tumalikod siya sa akin ay napabuntong hininga na lang ako.
Binilinan ko lang ang mga staff tungkol sa mga gagawin then naglakad na rin ako palabas at sumakay sa kotse ko.
Nakita ko ang kotse ni Kai na paalis pa lang rin. Binagalan ko naman ang pagdadrive ko.
Hindi ko alam sa sarili ko pero sinusundan ko siya hanggang sa makarating siya sa kompanya nila.
Hindi naman siguro niya ako napansin dahil malayo layo ang distansya naming dalawa.
Sinuot ko ang cap na nasa kotse ko bago lumabas sa kotse at sinundan siya sa loob ng company nila.
Napatigil naman ako nang makita ko siyang may niyakap na babae pagkapasok ng kompanya nila. Mukhang kanina pa siya hinihintay noong babae dahil ngiting ngiti ito noong makita si Kai.
Nakita ko ang ngiti ni Kai noong yakapin siya ng babae. Hihintayin ko pa ba siya?
Mukhang may nagpapasaya na sa kanya ah. Tutuparin niya pa ba yung pangako niya?
Tumalikod ako at hinayaan ang mga luha kong tumulo habang naglalakad pabalik sa kotse ko at nagdrive pauwi sa bahay. Tinawagan ko lang si Chrystaline na bukas na ako papasok dahil masama ang pakiramdam ko.
Lentek na pangako ni Lopez. Sino ba yung babaeng yun? Tutuparin niya pa ba yung pangako niya?
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomansaAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...