Maxleigh Cassandra POV
Dala ang isang folder ay naglalakad ako papasok ng kompanya nila Kai. Sinadya kong ako mismo ang magdala ng mga papeles na ito sa kompanya nila. Nagbabaka-sakaling makita ko siya dito.
Nasa likod ko naman si Chrystaline na dala ang bag ko. Tinitingnan at binabati ako ng mga empleyado doon dahil kilala rin ako bilang business partner ng kompanya.
Nang makarating sa harap ng opisina ng CEO o ni Mr. Aaron Lopez na tatay ni Kai ay naroon sa labas ang kanyang sekretarya.
"Ms. Buenaventura, good morning."
"Good morning, nasa loob ba si Mr. Lopez?"
"Yes po. Wait a sec maam."
Nakita ko namang pinindot niya ang intercom sa gilid.
"Sir, nandito po si Ms. Buenaventura"
Maya-maya pa ay pinatay na niya ang intercom at lumapit sa may pinto ng opisina at binuksan ito.
"Pasok na po kayo Maam"
Pumasok naman ako at nakasunod lamang si Chrystaline sa akin. Nagulat naman ako nang makita ko sa loob si Kai at nasa isang mesa habang ang ama nito ay nasa sariling mesa.
"Ms. Buenaventura, good morning, please take your seat."
Hindi ko naman mapigilang mapasulyap kay Kai na nasa kabilang mesa lamang at seryosong nagbabasa ng mga dokumento.
Iniwas ko naman ang tingin sa kanya at bumaling sa ama nito.
"Good morning Mr. Lopez"
"Ang folder bang yan ay ang tungkol sa renovation ng hotel niyo sa Tagaytay?"
Nakita ko namang napatigil si Kai sa narinig pero mabilis lamang iyon at muling nagbasa.
"Yes, Sir. Ito nga yon."
"Mukhang focus na focus ka sa renovation na ito sa Tagaytay. Hands on na hands on ka Ms. Buenaventura."
"Yes, Mr. Lopez. Nandoon kasi ang main studio kung saan ginaganap ang photoshoot ko at ng ibang modelo."
"I see. Ang too niyan ang anak ko sanang si Nathan ang pahahawakin ko ng proyektong ito. Is it alright with you Ms. Buenaventura?"
Nakaramdam naman ako ng saya sa sinabi ng papa ni Kai. May dahilan na para makasama ko siya ulit pagkatapos ng deal naming dalawa.
Sana lang ay pansinin niya ako. Pero naisip ko rin na baka masyado siyang maging pormal siya sa akin dahil tungkol sa trabaho ito.
Tumikhim muna ako bago sumagot sa sinabi ni Mr. Lopez.
"Oh sure, Mr. Lopez. Its okay with me."
"It's settle then. Si Nathan na ang hahawak ng proyektong ito. Kailan ba ninyo ito pag-uusapang dalawa?"
Bumaling naman ako kay Chrystaline na nasa gilid ko. Nakita ko namang binuksan niya ang planner niya at tiningnan ang schedule ko.
"Maam, wala po kayong gagawin sa Saturday."
Tumango naman ako sa kanya at muling bumaling sa papa ni Kai.
"I'm free in Saturday. Is it okay with your son, Mr. Lopez? Baka may gagawin siya sa araw na iyon."
Tumingin naman si Mr. Lopez kay Kai bago nagsalita.
"Nathan, anak, halika dito. Pag-usapan niyo ni Ms. Maxleigh ang tungkol sa proyektong ito."
Nakita ko namang nilapag niya sa mesa ang binabasang dokumento bago lumapit sa may gawi namin.
"Im free in Saturday. Maybe we can meet in a restaurant for lunch? I have something to do in morning. Im only free in lunch until one-thirty pm." Seryosong sabi ni Kai na sa akin nakatuon.
"Alright. It's settle then. See you on Saturday, Mr. Nathan."
Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya dahil sumisikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya. Para bang hindi niya ako kilala sa inaakto niya.
"Mr. Aaron, I go now. I have something to do in my office. Thank you for this little meeting. "
"Thank you also Ms. Maxleigh."
Tumango na lamang ako at naglakad na palabas ng opisinang iyon. Para akong kakapusin sa hininga dahil sa inaakto ni Kai.
Nang makalabas sa opisinang yun ay agad kaming umalis sa kompanya nila. Noong nasa kotse na kami ay agad pinaandar ng driver ang kotse pabalik sa kompanya namin.
"Ayos lang po ba kayo maam?"
"Oo, ayos lang ako Chrystaline."
"Ito ho maam, tubig. Namumutla ho kasi kayo."
Inabot ko naman ang tubig na binigay niya at ininom iyon. Halos maubos ko ang tubig na binigay ni Chrystaline sa akin.
Ganun pala ang sinasabi niyang pag-iwas. Pero wala siyang magagawa ngayon dahil siya ang pinapahawak ng papa niya ng proyektong iyon at ako ang costumer nila doon.
Ngayon pa lang nasasaktan na ako sa inaakto niya pano pa kaya kapag lagi na kaming magkasama dahil sa proyekto? Mas malala pa doon ang ipapakita niya sa akin.
Kai, nasasaktan ako sa inaakto mo. Hindi ba pwedeng bumalik ka na lang sa Kai na nakilala ko at nakasama sa loob ng tatlong buwan? Nasasaktan ako pero kakayanin ko dahil nangako akong kakayanin ko at hihintayin kita kahit na iwasan mo pa ako.
I really should be ready for this.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomanceAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...
