Chapter 11

134 7 2
                                    

Maxleigh Cassandra POV

Ngayon ang party sa hotel namin. Hindi ko na kailangan pang magpaayos sa salon dahil marunong naman akong mag-ayos para sa sarili ko.

Pagbaba ko sa kwarto ay nandun na si Kai.

"Wow! Naging tao ka ngayon Master." Nakangising sabi niya.

"Tao naman talaga ako di tulad mong kolokoy."

"Nongdamieyo" (just kidding)

"Tara na nga. Baka malate pa tayo sa party dahil dyan sa mga pang-aasar mo."

"After you, Master."

Nauna naman akong naglakad palabas. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan.

Mabilis naman kaming nakarating sa hotel dahil malapit lang yun sa bahay ko. Pinagbuksan niya uli ako nang pinto.

"Tara na?" Tanong niya sa akin.

Tumango naman ako bago inangkla ang kamay ko sa kamay niya.

Naglakad na kami papasok sa hotel. Sunod sunod ang flash ng camera habang papasok kami sa loob.

Nang makarating sa loob ay dumiretso kami sa table nila mommy at daddy.

"Hi mom, dad." Sabi ko sa kanila bago humalik sa pisngi.

"Hello anak. Sino yang kasama mo? Ang gwapong bata." Tanong sa akin ni mommy.

Nakita ko naman ang paglawak ng ngiti ni Slave dahil sa sinabi ni mommy.

"Abba, Eomma, this is Aldrich Nathan Kai Lopez, the only son of Mrs. Cssiopeia and Mr. Aaron Lopez. Ijjokeun jeoue..ieyo chinku. Sila ang may ari ng Lopez Company" (this is my friend)

"Nice to meet you, Nathan." Sabi ni mommy at nakipagbeso kay Kai.

"Nice to meet you too, Mrs. Buenaventura."

"Ano ka ba. Kaibigan ka naman ng anak ko kaya just call me Tita Maxine."

"Sure tita."

"Nice to meet you, Nathan. Mabuti at nakita ko rin ang magmamana nang Lopez Company. Matagal na rin kaming magbusiness partner ng mga magulang mo." Nakangiting sabi ni daddy.

"Nice to meet you too, Mr. Buenaventura."

"Just call me Tito Blaze."

"Sure tito."

"Abba, nakausap niyo lang si Kai nakalimutan niyo na agad ako." Nakangusong sabi ko kay daddy.

"Nagseselos ka ba sa kaibigan mo anak? Ikaw talaga. O siya magsimula na tayo."

Umakyat na sa stage sila mommy at daddy habang kami naman ni Kai ay naupo na. Lumapit na din sa amin sila Kuya Luke at Harley.

"Good evening, ladies and gentleman. Thank you for coming to this party. Ipapakilala namin sa inyo ngayon ang nag-iisang anak namin na siyang mamamahala na ng kompanya namin. Let's all welcome, my daughter, Maxleigh Cassandra Buenaventura."

Nagpalakpakan naman ang mga tao. Habang ako naman ay tumayo at inihatid ako ni Kai papunta sa stage. Bumalik rin siya sa table namin pagkatapos akong ihatid. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Good evening ladies and gentleman. Thank you for coming on this party. Hope you enjoy this night. Suit yourselves everyone. And I wish that we can make good business partnership. Enjoy everyone. That's all thank you." Yun lang ang sinabi ko at naglakad na pabalik sa table namin.

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon