Chapter 39

121 9 0
                                    

Maxleigh Cassandra POV

Alas syete ng umaga ay nagising ako na may ngiti sa mga labi. Today is my day.

Sana naman ay walang mangyaring hindi maganda. Nakangiti akong tumayo at inayos ang higaan.

Kumuha ako ng damit bago pumasok sa banyo. Inabot ako ng dalawampung minuto sa paliligo.

Suot ang kulay beige na dress ay naupo ako sa kama. Naglagay ako ng light make up at kinuha ang cellphone ko at wallet.

Lumabas ako at nakita ko si Harley na papunta sa may kwarto ko. Tumigil naman siya sa paglalakad at hinintay akong makalapit.

"Good morning."

"Good morning. Ang aga mo atang nagising ngayon."

"Of course. It's my day. "

"Excited ka ba?"

"Hmm."

"Let's go. Nasa restaurant na sila Luke hinihintay tayo."

"Let's go."

Nakahawak ako sa braso niya habang naglalakad kami papunta sa restaurant. Nakita ko silang tatlo na nakaupo at hinihintay kami.

"Good morning." Bati ko sa kanila.

Lumapit ako kay Kuya Luke at hinalikan siya sa pisngi.

"Good morning, princess."

"Good morning din sayo Max."

"Good morning Cassandra."

"Nakaorder na ba kayo?" Tanong ni Harley na nasa tabi na ni Kuya Luke.

"Hindi pa. Hinintay na namin kayo."

Tinaas ni Blake ang kamay niya at lumapit ang isang waiter. Sinabi lang namin ang mga order namin at sumandal sa upuan habang hinihintay ang pagkain. Binuksan ko ang IG account ko at tahimik na nagcecellphone.

"Anong plano mo,princess?"

Napatingin naman ako kay Luke at pinatay ang cellphone ko.

"Wala naman. Kayo? May gusto ba kayong puntahan?"

Nakita kong tumingin si Kuya Luke kay Kai kaya tumingin naman ako dito. Umiwas naman ng tingin si Kai nang mapansin na nakatingin ako.

"Wala. Dito na lang tayo. Mamayang gabi doon tayo sa may tabing dagat. Doon na lang tayo magcelebrate. Okay lang ba sayo?"

"Yes, Kuya Luke."

Bumalik naman ako sa pagcecellphone.Nakita kong pasulyap sulyap si Kuya Luke kay Kai. Nilipat ko naman ang tingin ko kay Kai at nakatingin ito kay Kuya Luke.

Parang nag-uusap ang mga mata nila. Hindi ko na lang pinansin at hinintay na lang ang pagkain.

After 15 minutes ay dumating na ang pagkain na inorder namin. Nagsimula kaming kumain at tahimik lang kaming lahat.

Tumamlay ang pakiramdam ko nang maalala kong wala pang bumabati sa akin. Kahit na tinatanong ako ni Kuya Luke tungkol sa birthday ko ay hindi naman niya ako binati.

Kaya habang kumakain ay tahimik lamang ako hanggang sa matapos kaming kumain.

Bumalik lang ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. I visited my social media accounts. Nang mabored ay napatulala na lang ako sa ceiling at maya maya pa ay pagulong gulong na ako sa kama.

Napatigil ako nang may kumatok sa pinto. Tumayo naman ako at inayos ang sarili bago binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin si Harley.

"Hey."

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon