Chapter 41

124 6 0
                                    

Maxleigh Cassandra POV

Naalimpungatan ako sa mahimbing kong pagkakatulog kung kaya ay dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Bumungad sa akin ang mukha ni Kai na mahimbing na natutulog. Nakayakap siya sa bewang ko at nakaharap naman ako sa kaniya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at dinampi ang daliri ko sa mukha niya. Dahan dahan kong iginuhit ang daliri ko sa may ilong niya pababa sa kaniyang labi.

Nasa may labi na niya ang daliri ko nang unti unti niyang iminulat ang mga mata niya.

"Good morning."

Ngumiti naman siya ng makita ako sa harap niya.

"Good morning. Kanina ka pa ba gising?"

"Hindi naman."

"Mukhang mahimbing ang tulog mo ah."

"Hmm."

"Dahil ba katabi mo ako?"

"Ang kapal mo talaga."

Narinig ko naman ang pagtawa niya at hinapit ang katawan ko para mapalapit sa kaniya lalo. Isiniksik niya ang mukha niya sa may leeg ko.

"Kai, bitaw na. Mag-aayos pa ako. Breakfast na uy."

"5 minutes."

Hinayaan ko naman siya sa pwesto niyang yun. Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Inabot ko naman ito at tiningnan kung sino ang nagtext.

Si Kuya Luke pala. Nasa restaurant na raw sila.

Tinapik ko naman ang braso ni Kai at ginising siya.

"Hoy, Kai. Wake up."

"Hmm."

"Wake up. Nasa restaurant na sila Kuya Luke."

Humiwalay naman siya sa akin at dahan dahang umupo. Tumayo na rin ako at tiningnan siya.

"I just take a shower. And oh, go back to your room. Take a shower, too."

Tumango lang siya habang nakaupo pa rin sa kama ko. Kinuha ko naman ang damit kong susuutin at ang tuwalya bago pumasok sa banyo.

Binilisan ko ang galaw ko dahil ayaw kong paghintayin ng matagal sila Kuya Luke. Suot ang isang beach dress ay lumabas ako ng banyo.

Hindi ko na nakita si Kai sa loob ng kwarto kaya alam kong naliligo na rin ito sa sariling kwarto. Kinuha ko ang cellphone at wallet ko bago naglakad palabas ng kwarto.

Nagtext naman ako kay Kai na mauuna na ako sa restaurant. Sinabi naman niyang susunod na lang daw siya.

Naglakad na ako papunta sa restaurant at nakita ko sila Kuya Luke na nakaupo na sa may mesa at naghihintay sa amin ni Kai.

"Good morning."

"Oh nandito ka na pala. Good morning. Nasaan si Nathan? Alam kong sa kwarto mo siya natulog. Wag mo ng itanggi pa dahil wala siya sa kwarto niya."

"Yeah."

Nakita ko namang nagkatinginan sila Kuya Luke at Blake na para bang nag-uusap ang mga mata. Kita ko ang pagtango nila sa isa't isa bago humarap sa akin.

"Max."

Nilingon ko si Blake na seryosong nakatingin sa akin.

"Nasaan si Nathan? Bantayan mo ang isang yun. Nandito ang ex niya. Si Natasha."

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon