Maxleigh Cassandra POV
Kararating ko lang galing sa photoshoot at naabutan ko si Harley at Kuya Luke sa sala ng condo na tinutuluyan naming tatlo. Kumakain ang dalawa ng cake at naglalambingan sa may sofa.
Tumikhim naman ako dahil mukhang hindi nila napansin ang pagdating ko. Sabay pa silang tumingin sa akin pero hindi tinanggal ni Kuya Luke ang pagkakayakap niya kay Harley.
Lumapit naman ako sa kanila at naupo sa tapat nila.
"Gabi na pero naglalambingan pa rin kayong dalawa. Baka naman langgamin na dito sa condo."
"Inggit ka lang Princess."
Sumama naman ang tingin ko kay Kuya Luke dahil sa sinabi niya.
"Bakit naman ako maiinggit?"
"Kasi wala kang bebe. Alam mo sis, kung ako sayo, landiin mo agad si Nathan pagkauwi natin bukas."
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni Harley. Pero heto ang gaga at tumatawa pa.
"Ayoko nga! Siya dapat ang lumandi sa akin. Ako na ang unang lumandi sa kanya noon. Siya naman ngayon. Isa pa, siya naman ang maghirap."
Natawa naman sila ni Kuya Luke sa sinabi ko.
"Ano bang nakakatawa?" Iritang tanong ko sa kanila.
"Ikaw. Alam mo sis, kung makapagsalita ka ng ganyan eh parang hindi mo tinatanong sa amin lagi ni Luke kung kumusta na si Nathan. Kung may girlfriend ba si Nathan. At isa pa, huwag kang magsalita ng ganyan. Alam naman nating tatlo na marupok ka pagdating kay Nathan."
"Ikaw alam mo yang bunganga mo walang preno eh. Bakit ka ba nagustuhan ni Kuya Luke? "
"Kasi mahal niya ako. Diba Luke?"
Tiningala pa nito si Kuya Luke habang naghihintay ng sagot. Tumango naman si Kuya Luke habang nakangiti at dinampian ng halik ang noo ni Harley.
"Eh di kayo na magjowa. Tigilan niyo yang pagiging sweet niyo sa harap ko. Naiinggit ako eh."
Tumawa naman sila sa sinabi ko. Pero maya maya ay nagseryoso na rin ang dalawa.
"Max, naalala mo ba yung mga regalong natatanggap mo? Tatlong taon walang mintis. Laging nay regalong dumarating sayo. At isa pa, yung mga gusto mo pa."
"Ano namang meron dun?"
"Kilala mo ba ang nagbibigay noon?"
"Hindi. Wala ring sulat kung kanino galing. Gusto kong pasalamatan yung nagbibigay sa akin ng regalo pero hindi ko naman kilala kung sino yun."
Nagkatinginan naman silang dalawa at tumango sa isa't isa. Tumayo si Harley at kinuha sa may cabinet ang isang rectangular box at binigay sa akin.
"Ano to?"
"Kanina. Habang nasa photoshoot ka ay may dumating na delivery boy at pinapasabing sayo raw iyan. Tinanong ko kung ang nagpadala ba niyan ay yung nagpapadala rin sayo noon. At sabi ng delivery boy ay oo raw. "
Tiningnan ko naman ang box bago ito binuksan. Tumambad sa akin ang isang kwintas. Ang pendant nito ay 'Cassandra'.
Tumingin naman ako kila Kuya Luke at pinakita sa kanila ang kwintas. Nanlaki naman ang mata ni Harley noong makita ang kwintas.
May nakita akong isang note sa loob noon at kinuha ko iyon.
'Have a safe flight tomorrow,my love. I'm waiting for you for three years. And tomorrow is the day I will start proving myself to you.' - ANKL
Napaluha naman ako noong nabasa ko ang note na iyon. Ibig sabihin, sa loob ng tatlong taon ay inaalala niya pa rin ako. Kahit na hindi ko siya kinausap ng tatlong taon ay nagpaparamdam pa rin pala siya.
"Ssshh. Its okay princess. Atleast ngayon alam mo na kung sino ang nagpapadala sayo ng regalo sa loob ng tatlong taon."
"K-kuya. Akala ko wala na siyang pakialam sakin. Akala ko naputol na nang tuluyang yung koneksyon naming dalawa. Pero mali ako. All this time siya pala ang nagbibigay ng mga regalong yun sakin. Ako lang pala ang hindi nakikipag-usap sa kaniya."
"Max, ayos lang naman yun. Tinatanggap mo naman yung mga regalo diba?"
Napalingon naman ako kay Harley. Tama naman siya. Tinatanggap ko naman ang regalo ko pero hindi ko maintindihan yung sarili ko. Pakiramdam ko ang sama sama ko.
"Huwag mo ng isipin yun Max. At saka ngayon lang naman siya naglahaty ng initials diba? Hindi mo na kasalanan kung hindi mo alam na sa kanya pala galing lahat ng yun sa loob ng tatlong taon."
Tumango na lang ako sa sinabi niya at pinunasan ang mga luha. Tama. Don't worry Kai. Lahat ng effort mo ay masusuklian ng matamis at magandang regalo.
----
Aldrich Nathan Kai POV
Dahil sa plano ni Luke na sa isang beach kami tumuloy pagkarating nila ay ako ang nag-ayos ng lahat para doon. Tinutulungan na rin ako ni Blake para sa magaganap sa beach.Ako na ang nagpabook ng kwarto para sa matutulugan namin at iba pang kailangan.
Naghanda rin ako ng surprise para sa ikalawang araw namin sa beach dahil birthday ni Cassandra. Sa lumipas na tatlong taon ay lagi akong nagbibigay ng enggrandeng regalo tuwing birthday niya.
Bumili ako ng regalo para sa kanya. Sana naman ay magustuhan niya ang gagawin ko sa birthday niya.
May puwang pa ba ako sa puso niya? Baka naman kapag dumating siya dito ay mabigo naman ako.
Umiling-iling ako dahil sa naisip ko. Hindi ko dapat isipin yun. Kailangan mag-isip ako ng positibo.
"Tol, naayos ko na yung sinasabi mo sakin na para sa pagstay natin sa beach."
"Salamat tol."
"Naayos mo na ba yung para sa surpresa mo sa birthday ni Max?"
"Oo. Pero kinakabahan ako. Alam mo naman yung itatanong ko sa kanya sa araw na yun diba?"
"Tol, think positive. Malay mo ikaw pa rin pala ang mahal nun. May nararamdaman pa rin sayo. Huwag kang mag-isip ng negatibo baka pumangit ka. Bukas pa naman ang dating ng mga yun."
"Sana nga."
Napailing na lang siya at uminom na lang ng coke sa may tabi ko.
Sana nga maganda ang makuha kong sagot sa araw na yun. Magandang sagot ba ang makukuha ko o makabasag puso?
Mukhang kailangan kong paghandaan ang araw na yun. Kahit naman hindi ang isagot niya ay ako na naman ang mangungulit sa kanya. I can't wait to see you my love.
![](https://img.wattpad.com/cover/227427027-288-k284526.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomanceAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...