Maxleigh Cassandra POV
Dahil Linggo ngayon ay nasa bahay lang ako. Tumayo ako sa kama at pumasok sa Cr para maligo.
Nang matapos akong maligo ay sakto namang tumunog ang cellphone ko. Si Kai pala ang nagtext.
From: Kolokoy:<
Punta tayong Tagaytay. Sunduin kita ngayon.
To: Kolokoy:<
Sure.
Matapos kong magreply sa kanya ay nagbihis na ako. Isang gray hoodie jacket at pants lang ang suot ko. Brinaid ko ang buhok ko ng dalawahan bago kinuha ang cellphone at wallet ko at bumaba sa sala.
Sakto namang kakababa ko lang sa sala ay may bumusina sa labas. Lumabas naman ako at nakita ko si Kai na nakasandal sa kotse niya at nakasuot ng black jacket at jeans.
"Anong meron? Bakit tayo pupunta sa Tagaytay?"
"Last day natin ngayon diba? Sulitin na natin."
"Kaya pala. Tara na?"
Tumango siya at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makapasok sa loob ng kotse ay kinabit ko ang seatbelt at umalis na kami.
Habang nagdadrive siya ay binuksan ko ang mp3 player ng kotse niya.
Mahina kong sinasabayan ang tugtog.
Nang makarating sa Tagaytay ay nagpark lang siya at nagsimula na kaming maglakad lakad.
Pumasok kami sa isang cafe ay umorder. Hindi pa nga pala kami kumakain ng breakfast.
Nagorder lang kami ng donut at kape. Matapos kumain ay naglakad lakad kami sa labas.
"Diba, dito yung Sky Ranch?"
"Yes. Why?"
"Punta tayo doon. Tapos sakay tayo sa giant ferris wheel nila."
"Sure. Lets go."
Hinawakan niya ang pulsuhan ko at inakay ako papunta sa Sky Ranch. Habang naglalakad papunta doon ay hindi ko maiwasang tingnan ang kamay niyang nakahawak sa akin.
Ito na ang last na gagawin niya yun. Pagkatapos nito baka hindi na niya ako pansinin.
Nang makarating sa harap ng giant ferris wheel ay siya ang nagbayad at sumakay na kami. Habang dahan dahan itong umiikot ay nakikita ko ang magandang tanawin.
Kinunan ko yun litrato at pati na rin si Kai. Nagpicture kaming dalawa.
"Pagkatapos ba ng araw na to. Magpapansinan pa kaya tayo?"
"Siguro. Malay natin. Pero kung hindi yun ata ang nakatadhana diba?"
Natahimik na lang ako sa sinabi niya. Siguro nga.
Maghapon kaming naggala sa Tagaytay. Nagpicture, kumain, bumili ng souvenirs at kung ano ano pa.
Alas otso na ng gabi noong makabalik kami sa bahay ko.
"Can I stay here until 12?"
"Sure."
"Teach me how to bake cookies?"
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Sure. Lets go."
Habang tinuturuan ko siyang magbake ng cookies ay hindi ko mapigilang mapaisip. Anong mangyayari pagkatapos nito? Ilang oras na lang aalis na sa tabi ko ang taong to. Kakayanin ko ba?
Alas dyes na nang matapos kaming magbake. Iniwan muna namin iyon sa kitchen at pumunta kami sa veranda.
Pareho kaming may dala ng coke in can.
"Dalawang oras na lang." Naluluhang sabi ko.
"Its okay."
"Anong mangyayari kapag natapos na ang dalawang oras? Makakausap paba kita? Makakasama pa ba kita? Magkikita pa rin ba tayo? Baka naman maging hangin na lang ako sayong kolokoy ka."
"Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari. Pero Cassandra. Kung sakali mang piliin kong umiwas sayo at hindi ka pansinin. Hihintayin mo ba ako? Hintayin mo ako please?"
Naguguluhan naman ako sa sinasabi niya pero tumango ako.
"Kung sa dulo noon ay ikakasaya nating dalawa hihintayin kita Kai. Kahit hindi ko sigurado kung may nararamdaman ka ba sa akin. Kai,i like you. No, i love you. Kai, mahal kita. Kaya hihintayin kita."
Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Wala naman talaga akong balak na sabihin sa kanya yun. Pero hindi ko na napigilan. Dahil hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari pagkatapos nito.
"I dont know what to say."
"Hindi mo naman kailangang sagutin ng I love you too ang sinabi ko. Sapat na sakin na alam mo ang nararamdaman ko. Kai, tulad ng sinabi ko. Hihintayin kita dahil sinabi mong hintayin kita."
May kinuha naman siya sa bulsa niya. Napaiyak naman ako ng makita kong kwintas iyon at may pangalan ko.
"Wear this as the sign of my promise. Hindi ko man masagot sa ngayon ang sinabi mo. Pero Cassandra I think Im falling. Im not sure though. But wait for me."
Tumango ako sa sinabi niya at niyakap siya ng mahigpit. Nakita ko sa relos ko na alas dose na. Lalo akong napaiyak sa susunod na mangyayari. Dahil alam kong aalis na siya.
Nang bumitaw siya sa yakap at tumingin ako sa mga mata niya. Hindi alintana kung tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.
Nakita ko na lang na unti unting lumalapit ang mukha niya sa akin hanggang sa magdampi ang labi naming dalawa.
He's kissing me passionately. Tinugon ko naman ang halik niya. Lalong nag unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Alam kong pagkatapos ng halik na ito ay iiwan na niya ako at aalis na siya.
Nang maputol ang halik naming dalawa ay pinunasan niya ang mata ko at hinalikan ako sa noo.
"Wait for me till I love you back. For now, Goodbye Cassandra."
Unti unti ay tumalikod siya sa akin at naglakad palayo. Hindi ko na napigilan pa ang mapahagulhol ng mawala siya sa paningin ko.
Bakit ba ang sakit sakit? Hindi ba pwedeng magstay na lang siya sa tabi ko?
Naiwan ako sa veranda na umiiyak at nasasaktan. Hindi ko alam kung anong mangyayari bukas.
Kapag ba nagkita kami? Magiging maayos pa ang lahat. Papansinin niya pa ba ako? Paano kung may mahanap siyang iba?
Paano kung may mahal na siyang iba? Hindi naman siguro yun mangyayari.
Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni Kai. Hinalikan ko iyon at pinunasan ang mga luha ko.
Dapat akong maging matatag. Sabi niya hintayin ko siya.
Nang makababa sa kitchen ay nakita ko ang isang box. Ang laman nun ay ang cookies na ginawa namin ni Kai.
May letter doon. Siguro ay galing kay Kai. Kinuha ko iyon at binasa.
Cassandra pagong,
Hi! Alam kong last day na natin ito. Kaya naisipan kong dalhin ka sa Tagaytay kanina. Alam mo bang sobrang saya ko sa tatlong buwan na nakasama kita kahit na puro bangayan lang tayong dalawa sa naunang dalawang buwan? Ang saya ko dahil may Cassandra na dumating sa buhay ko.
Ikaw lang yung babaeng kumalaban sa akin sa race. Napabilib mo ako pagong ka.
Yung kwintas, itago mo yan ha? Wag mong iwawala. Babalik ako sayo, Cassandra. Hintayin mo ako.
Sa ngayon, wag ka sanang magagalit kung iiwasan man kita. Cassandra, thank you for everything. Thank you for the happiness you gave me in three months.
See you soon.
Goodbye.
Your Kolokoy,
Kai
Napaiyak naman ako habang yakap yakap ang sulat na binigay niya. Bakit ba kailangan mo pang umiwas? Kahit anong mangyari Kai, hihintayin kita. Pero sana sa pagbabalik mo mahal mo na rin ako.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomansAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...
