Chapter 15

127 5 0
                                    

Maxleigh Cassandra POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto. Bumangon naman ako at nagbihis. Nang lumabas ako ay nakita ko si Kai na nagluluto.

Pinanood ko siyang magluto. Maya maya pa ay napansin niya ako at pinatay ang kalan.

"Gising ka na pala. Good morning. Kain na tayo." Sabi niya habang nilalagay sa plato ang niluto niyang bacon.

"Good morning. Marunong ka palang magluto." Sabi ko sa kanya at umupo sa pwesto ko.

"Hmm. Tinuruan ako ni Mama." Sagot naman niya habang inaayos ang pagkain namin.

Nang matapos ilagay sa plato ang bacon ay nagsimula na kaming kumain ng breakfast.

"Pagkatapos nating kumain ay pupunta na tayo sa baba. Ngayon naksched yung sa diving natin." Sabi niya habang kumakain kami.

"Hmm. Sure" sagot ko sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay nagbihis ako. Dinala ko rin ang camera ko para makakuha ng pictures mamaya.

Nang matapos kaming magbihis ay sabay kaming bumaba. Nakita namin sa may pampang ang bangkerong binayaran namin para sa pagdiving.

"Good morning maam, sir." bati sa amin ng lalaki doon.

"Magandang umaga po. " bati naman namin sa kanya.

"Ako si Mang Ernie, ako ang makakasama niyo. " pakilala niya sa amin.

"Okay po Mang Ernie. Tara na po." Sabi ko.

Nang aakyat na ako sa bangka ay muntik akong madulas mabuti na lang ay naalalayan ako ni Kai.

"Be careful." Sabi niya at inalalayan ako sa pag akyat sa bangka.

Nang makasakay si Kai sa bangka ay agad namang pinaandar ni Mang Ernie ang bangka.

Habang umaandar ang bangka ay tiningnan ko si Kai. Nililipad ang buhok niya na lalong nagpagwapo sa kanya.

Wait! Did I just say gwapo? Oh my gosh!

Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip. Hindi ko dapat naiisip ang ganong bagay baka mailang lang ako sa kanya.

Binuksan ko ang camera ko at tinapat sa may dagat para kumuha ng litrato. Nang matapos kong kunan ng picture ang dagat ay tinapat ko naman kay Kai ang camera.

"Kai" tawag ko sa kanya.

Humarap naman siya sa akin sabay ng pagclick ko sa camera. Tiningnan ko naman ang picture at napahanga dahil para siyang model ng bench  sa itsura niya.

"Patingin." Sabi niya at tumabi sa akin.

"Wow! Ang galing mong kumuha ng picture, Cassandra. Tingnan mo ang gwapo ko dito." Sabi niya sa akin habang tinuturo ang mukha niya sa picture.

Natatawa naman ako sa kanya dahil para siyang bata na mangha mangha.

"Para kang baby." Sabi ko sa kanya.

"Baby mo?" Sabi niya sa akin.

Namula naman ako sa sinabi niya.

"Baliw ka talaga." Sabi ko na lang sa kanya.

"Kinikilig ka ba, Cassandra? Namumula ka oh." Nang-aasar na sabi niya.

"Hindi ah. Bat naman ako kikiligin?" Sabi ko sa kanya.

"Anong hindi? Namumula ka oh. Kahit tanungin mo si Mang Ernie." Sabi niya. Humarap naman siya kay Mang Ernie habang nakaturo sa akin.

"Mang Ernie, tingnan niyo si Cassandra namumula siya oh. Diba?diba?" Sabi niya kay Mang Ernie kaya naman tinakpan ko ang mukha ko dahil sa hiya.

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon