Chapter 7

139 8 0
                                        

Aldrich Nathan Kai POV

Hatinggabi na nang makauwi kami nila Luke kagabi galing sa bar. Ako na rin kasi ang nag-ayang umuwi na dahil alam kong umagang-umaga ay mag-uutos agad si Cassandra sa akin.

May kasalanan pa naman ako dun. Sana nga lang ay hindi mabanggit ni Luke kay Cassandra na pumunta sila sa bar.

Nang makauwi galing sa bar ay agad akong naligo at nagsuot ng pantulog.

Alas syete ng umaga nang magising ako. May araw na sa labas at nagtataka ako kung bakit wala pang text o tawag si Cassandra para utusan ako.

Siguro ay tulog pa yun. Nagphoto shoot nga pala yun kagabi baka late na rin natapos.

Bumaba na ako para kumain ng agahan. Hawak pa rin ang cellphone kong hinihintay na may dumating na tawag o text galing kay Cassandra.

Bakit ko ba hinihintay ang tawag ng isang yun? Tsk.

Naiiling kong tinapos ang kinakain ko at bumalik uli sa kwarto ko para mag-ayos ng sarili.

Natapos na akong maligo at magbihis pero wala pa ring text o tawag galing kay Cassandra. Alas nuebe na.

Hindi ko na lang pinansin pa at humiga ulit sa kama para matulog.

--

Maxleigh Cassandra POV

Dahil sa inis ko kay slave ay hindi ko siya tinawagan o tinext man lang para utusan. Siguro nga ay masaya pa ang isang yun dahil hindi ko siya inuutusan.

Ayokong makita ang sinungaling niyang pagmumukha.

Alas syete na ng umaga. Alam kong sanay siya na gantong oras ay tumatawag  o nagtetext na ako sa kanya para utusan siya.

Pero iba ngayon. Hindi ko na pinansin pa at tumayo na lang mula sa pagkakahiga at dumiretso sa Cr para maligo.

Suot ang isang oversized shirt at dolphin shorts ay bumaba ako sa kusina para kumain ng agahan.

Matapos kumain ay ginawa kong busy ang sarili para sandaling makalimutan ang inis na nararamdaman kay slave.

Nanood ng kdrama,nagsearch ng kung ano ano, naglaro at kung ano ano pa ang ginawa ko para lang maging busy.

Nang magsawa sa mga ginagawa ay umakyat ako sa kwarto para matulog uli. Sobrang inaantok pa ako dahil hatinggabi na ako nakatulog kagabi.

Hinayaan ko ang sariling lamunin ng dilim at pumikit ang mga mata.

--

Aldrich Nathan Kai POV

Nang magising ako ay alas tres na ng hapon. Agad kong dinampot ang cellphone na nasa side table.

Wala pa ring text o tawag galing sa magaling kong master.

Kaya naman napagdesisyunan kong puntahan si Cassandra sa bahay niya. Agad akong naligo at nagpalit ng damit.

Kinuha ko ang susi ng kotse at dumiretso sa garahe. Dumaan ako sa isang grocery para bumili ng chocolates at marshmallows.

Dala ang paper bag na may laman ng mga piniling chocolate at mallows ay sumakay ako uli sa kotse ko para pumunta sa bahay ni Cassandra.

Nang makarating sa bahay ni Cassandra ay kumatok naman ako. Maya maya pa ay bumukas ang pinto at lumabas ang isang Cassandra na mukhang bagong gising at nakabusangot ang mukha.

"Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo?" Tanong niya sa akin.

"Wala. Nagtataka lang ako kung bakit wala kang inuutos sa akin ngayon. Akala ko may nangyari sayo."

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon