Chapter 30

119 5 0
                                    

Maxleigh Cassandra POV

Dahil sa nangyari kahapon ay pinagbawalan ako ni Kuya Luke na pumasok sa kompanya. Sinabi niyang kailangan ko raw magpahinga para bumalik ang lakas ko at muling makapagtrabaho.

Hindi na naman ako umangal at sumunod na lang sa kanya dahil ramdam ko rin ang panghihina ng aking katawan.

Tanghali na noong ako'y magising kung kaya ay agad akong naligo at nagbihis ng komportableng damit na pambahay para makagalaw ng maayos habang nagluluto.

Matapos makapag-ayos ng sarili ay bumaba ako sa kusina para makapagluto ng tanghalian.

Tanging hotdog lang ang niluto kong ulam dahil tinatamad na rin akong magluto pa.

Habang kumakain ako ay narinig kong tumunog ang doorbell kaya iniwan ko muna ang aking pagkain at tiningnan ko sino ang nasa labas.

Bumungad sa akin si Kuya Luke na kasama si Harley. Itong dalawang to hindi mapaghiwalay. Siguro sila na.

"Wala ba kayong trabaho?"

"Meron."

"Bat nandito kayo?"

"Alam mo Max, sana naappreciate mo na lang yung pagpunta namin dito at pwede ba? Papasukin mo na kami."

Natatawang kinuha ko naman ang ibang plastic na dala nila bago naglakad pabalik sa kusina.

"Thank you sa grocery."

"Puno na ng pagkain ang bahay mo. Kahit na may laman pa ang cupboard mo ay ipinaggrocery ka na namin baka naman hindi ka pa rin kumain niyan. Sasapakin na talaga kita." Nanggigigil na sabi ni Harley habang inaayos ang mga pinamili nila.

"Kakain na ako ng marami promise. I love you Harley Shane." Paglalambing ko sa kanya at niyakap pa ito mula sa likuran.

Nakita ko naman ang pagbusangot ng mukha ni Kuya Luke kaya bumitaw na ako kay Harley bago ipinagpatuloy ang pagkain ng tanghalian.

"Bakit naman nakabusangot ka dyan Kuya Luke?"

"Yan kasing kaibigan mo napakaunfair."

"Ha? Bakit naman?"

"Tingnan mo, niyakap mo lang tapos nag iloveyou ka lang ayos na agad kayo. Tapos kapag ako ang may kasalanan sa kanya halos hindi na ako makadikit sa kanya."

Hindi ko napigilan ang tumawa dahil sa sinabi niya. Mukha siyang batang nagtatampo sa nanay niya dahil hindi binilhan ng ice cream.

"Eh bakit naman kasi papatawarin ka kaagad? Nanliligaw ka pa lang diba? It means kailangan mo talagang paghirapan. Unless, kayo na?"

Hindi naman nakasagot ang dalawa at matagal na nagkatinginan na para bang nag-uusap ang mga mata.

Nagets ko na naman ang logic kung kaya't bahagyang nanlaki ang mata ko at nakaturo pa sa kanila.

"Oh my gosh!kayo na?"

Napakamot naman sa batok niya si Kuya Luke habang si Harley naman ay namumula ang mukha.

"O-oo."

Napatili naman ako ng malakas dahil sa sinabi ni Harley.

"Oh my! Congratulations! "

"Thank you, Princess."

"Pero nagtataka ako, bakit mo ba sinagot ang isang to Harley? Eh bato yan ah"

Nakita ko naman ang pagpipigil ng tawa ni Harley kaya napanguso si Kuya Luke sa nakita.

"Hindi ko nga rin alam. Siguro ay ginayuma ako ng Kuya Luke mo."

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon