Aldrich Nathan Kai POV
When the first I lay my eyes on her I feel challenged because of her personality. The strong personality of her while in car race. Kahit alam ko sa sarili kong nainis ako sa kanya noong makita ko siya sa race track na yun.
Then a bet happened. That's the first time I losed in a car race. Hindi ako makapaniwala noon na matatalo ako sa race na yun at babae pa ang nakatalo sa akin. Naasar pa ako sa mga sinasabi ni Blake.
I felt guilty when I cook breakfast for her but I put some med on it for her to have a LBM.
Sa araw araw kong pambubwisit sa kanya noon ay hindi ko inaasahang unti unti akong mahuhulog sa kaniya. Hanggang sa maisipan kong mag-aya ng bakasyon para magkaroon kami ng happy memories.
Sobrang saya ko nang pumayag siya noon na magbakasyon kaming dalawa. Sa loob ng tatlong araw na bakasyong yun ay lalo akong nahulog sa kaniya.
Hindi ko maamin sa sarili ko na mahal ko na siya. Kaya nang matapos ang bet ay lumayo ako. Tinaboy ko siya kahit na nasasaktan din ako sa tuwing nakikita kong nasasaktan siya kapag tinataboy ko siya.
Gusto kong saktan ang sarili ko noong napagod siya at iniwan ako. Kahit na pinigilan ko siya ay wala na akong nagawa. Iniwan niya ako at kasalanan ko yun.
Kung noon ay siya ang naghintay sa akin. Sa loob ng tatlong taon ay ako naman ang naghintay sa kaniya. Sa pagbabalik niya.
Hindi ako nagmitis sa pagpapadala ng mga regalo sa loob ng tatlong taon na wala siya. Natakot akong hindi niya tanggapin ang mga regalong pinapadala ko kaya hindi ko ipinaalam na sa akin nanggaling lahat ng yun.
Bumawi ako sa kaniya. Sa pagbabalik niya ay ginawa ko ang lahat para bumalik siya sa akin. Para makuha ko ulit ang pagmamahal niya.
Nagtagumpay naman ako. Nakuha kong muli ang puso niya. At ito kami ngayon, masaya sa relasyon naming dalawa. Kahit na nag-aaway kami paminsan-minsan ay nagbabati rin bago matapos ang araw.
Naghahanda ako dahil malapit na ang pagdating niya. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag hindi ang isinagot niya.
Paano kapag umurong siya? Kakayanin ko ba? Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga negatibong ideya na pumapasok sa isip ko.
"Chill tol. Darating ang pinsan ko. Sinusundo na ni Blake. Hindi pa naman kasal to tol. Chill ka lang."
Kahit na sinabi ni Luke na darating ang pinsan niya ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan.
Nang senyasan ako ni Luke na nandyan na sila Cassandra ay umayos ako sa pagkakatayo ko. Namatay ang lahat ng ilaw.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto at alam kong pumasok na si Cassandra. Biglang bumukas ang ilaw at nakita ko siya sa gitna. Gulat sa kaniyang nakita.
"L-love? A-ano to?"
Tumikhim naman ako bago nagsalita.
"Umupo ka muna love. Listen to me."
Sumunod namam siya at naupo sa upuang nakalaan para sa kaniya. Kahit kinakabahan ay nagsimula na akong magsalita.
"Love,Cassandra, alam kong hindi maganda ang pagkakakilala nating dalawa. Pero masaya ako na nakilala kita. Na dahil sa isang race na ikinatalo ko at dahilan kung bakit mo ako naging slave ay napalapit ako sayo. I'm sorry for the things I have done wrong in the times we're not that close. Alam mo bang sa araw-araw na pang-aasar ko sayo noon ay hindi ko inaasahang mahuhulog ako sayo."
Tumigil muna ako dahil nakita ko siyang natatawa sa mga sinasabi ko pero nangingilid ang luha sa mga mata. Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit.
"Sobrang saya ko na pumayag ka noon na magbakasyon tayong dalawa kahit na hindi ganun kaganda ang pagsasama natin. Kahit na puro asaran at pikunan lang tayo. Sa Anilao ay lalo akong nahulog sayo. Naalala mo ba noong tinanong mo ako kung mahal ba ako ng mahal ko noon? Ang sagot ko sayo noon hindi siguro dahil may mahal siyang iba. Ikaw ang tinutukoy ko noon Cassandra. Akala ko noon, may iba ka nang mahal kaya natakot akong umamin. Hindi ko naman alam na ako pala ang taong tinutukoy mo na mahal mo. Hindi ko maamin sa sarili ko mahal na kita noon. Kaya umiwas ako noong natapos ang bet."
Napatigil ako dahil ramdam ko ang pangingilid ng luha ko. Naaalala ko ang mga oras na ang gago ko para itaboy siya. Hindi ako agad makapagsalita dahil sobrang sakit maalala ang mga oras na iyon.
Naramdaman ko na lang na tumulo na nang tuluyan ang mga luha ko. Wala akong pakialam kahit na makita ako ni Cassandra na umiiyak. Nasasaktan ako sa mga kagaguhan ko noon. Ang gago gago ko.
Pinilit kong magsalita kahit na tumutulo ang mga luha ko. Nakita kong lalapit sana sa akin si Cassandra na umiiyak na rin ngayon pero umiling ako sa kaniya. Kahit napipilitan ay tumayo lang siya doon.
"Ang gago ko na itinaboy ko ang babaeng nagtiis sa ugali ko. I'm sorry. Sobrang sakit noon na makita kang naglalakad palayo sa akin. "
Pinahid ko ang mga luha ko.
"Kaya hinintay kita kahit na gaano pa katagal. Kahit na tatlong taon akong naghintay noon sayo ay balewala lang lahat yun dahil sa pagbabalik mo ay binigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para patunayan sayo ang sarili ko. I'm thankful to have you in my life."
Lumapit ako sa kaniya at inilabas ng box na may lamang singsing. Lumuhod ako nang makarating sa harap niya. Nakita ko ang pag-iyak niya.
"Maxleigh Cassandra Buenaventura, will you be my wife until we're old?"
"Y-yes. I will marry you till we're old."
Isinuot ko sa kaniya ang singsing at ginawaran siya ng halik sa labi. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.
"I love you."
"I love you too."
Pinahid ko ang mga luha niya.
"Ang iyakin mo Mr. Lopez."
"Masaya lang ako Mrs. Lopez."
"Thank you for making me happy Kai."
"I love you Cassandra. I will not stop making you happy."
"I love you too."
"Soon, we're in our own house."
"Hmm. Soon I will be the one waiting for you to come home from office."
Simula sa araw na to. Hindi ko pinagsisihang nakilala ko ang isang Maxleigh Cassandra Buenaventura. I am damn happy.
It's not yet the end. This is just the start of our own fairytale. I'm not regretting CHASING HER.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomanceAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...