Maxleigh Cassandra POV
Ikalawang araw ko na sa ospital pero hindi pa rin ako pinapayagang umalis ni Kuya Luke. Kapag nasa ospital daw kasi ako ay nakapagpapahinga ako pero kapag nasa bahay naman ay nagpupumilit akong pumasok sa kompanya.
Dalawang araw na ring hindi pumapasok si Kuya Luke at Harley sa kompanya nila para bantayan ako dahil alam daw nilang tatakas ako.
"Pagkalabas mo ba dito sa ospital maghahabol ka pa rin sa kanya?"
Napalingon naman ako kay Kuya Luke na nasa gilid ng kama at nagbabalat ng prutas.
"Kuya."
"Sagutin mo ako Max. Kapag nakalabas ka na ba dito sa ospital maghahabol ka pa rin sa kanya?"
Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa mga mata niya. Buo na ang desisyon ko.
"Hindi na Kuya. Hindi na ako maghahabol sa kanya."
Nakita ko namang natigilan siya sa sinabi ko.
"Sigurado ka ba dyan? Ikaw ba talaga si Maxleigh?"
"Kuya naman eh!"
"Aba, himala ata at sinabi mong hindi ka na maghahabol kay Nathan."
"Kuya, pagod na ako. Pagod na akong intindihin siya. Hindi ko na alam. Bakit pa nga ba ako mangungulit sa kanya kung wala naman siyang pakialam? Ansakit na eh. Lalapitan ko siya, itataboy niya ako. Nawala lang naman ako ng ilang araw pagbalik ko hindi na ako kilala. Ansakit na sobra. Hindi ko na kaya."
"Ano ng plano mo?"
"Sapat na naman siguro yung pinakita ko sa kanya. Siguro naman naramdaman niya na totoo yung pagmamahal ko sa kanya diba? Susunod ako kila Mommy."
"Susunod ka? Pano ang renovation sa Tagaytay?"
"Nakausap ko na kagabi sila Mommy. Sabi nila, pwede naman raw na magpalit kami. Ako na ang sa
Canada at sila na dito sa Pilipinas.""Sigurado ka na ba dyan? Gusto mo ba siyang kausapin bago ka umalis?"
"Para saan pa Kuya Luke? Para may pabaon siyang pananakit sa akin?"
Nagkibit balikat na lang siya at binigay sa akin ang prutas na nabalatan niya. Maya maya pa ay pumasok si Harley na may dalang inumin para sa aming tatlo.
Inabot niya ito sa amin bago umupo sa tabi ni Kuya Luke.
"Sabi ng doctor mo ay pwede ka ng lumabas bukas."
"Talaga? Mabuti naman. Biyernes na bukas. At sa Lunes ay aalis ako."
"Aalis? Saan ka naman pupunta? "
Nagkibit balikat ako sa kanya at uminom na lamang. Tumingin naman siya kay Kuya Luke.
"Makikipagpalit daw siya kila Tita. Siya na sa Canada at dito sa Pilipinas sila Tita."
"Ano?!"
"OA mo naman Harley. Ano namang bago doon?"
"Hindi pa tapos ang renovation sa Tagaytay ah. Dahil ba kay Nathan kaya ka aalis?"
"Hmm. Di ba nangako ako na kapag sobrang sakit na at hindi ko na kaya ay titigil na ako sa paghahabol sa kanya? Ito na yun, Harley. Ayoko na. Titigil na ako."
Bumuntong hininga naman siya bago nagsalita.
"Sigurado ka na ba talaga? Paano kapag pinigilan ka niya?"
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomansaAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...