Chapter 3

229 10 0
                                        

Maxleigh Cassandra POV

Nang magising ako ay gabi na. Ganun ba katagal ang itinulog ko? Ang tagal naman.

Naligo ako at nagpalit ng damit bago bumaba para magluto ng pagkain.

Nagulat na lang ako sa nakita ko sa sala. Nandun ang slave at naglilinis sa sala. Mukhang kanina pa siya naglilinis dahil tagaktak na ang pawis niya.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kaniya.

"Gising ka na pala. Kumain ka na. Nagluto ako ng pagkain mo." Sagot niya habang naglilinis.

"Bakit ko naman kakainin ang niluto mo? Para magpabalik balik uli sa banyo?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.

"Aniyo. Mian hamnida. Hindi ko alam na ganun pala. I'm sorry. But I swear the food I cook for dinner is safe." Sabi niya sa akin.

Tiningnan ko naman ang mukha niya habang nagsasalita siya. At doon ko napansin ang pasa sa may labi niya.

"What happened to your face?"

"Sinapak ni Luke."sagot niya.

"What?! Bakit ka naman sinapak ni Kuya Luke?"

"Dahil sa nangyari sayo. Don't worry I deserve this. And I'm sorry for what I did."

"Alright. Apology accepted."

"Really?! Go ma sseum ni da."

"Slave, put that cleaning tools away and join me to eat dinner." Utos ko sa kanya.

"Alright." Sagot niya at inayos na ang mga panlinis.

Sabay kaming pumunta sa dining table para magdinner. Siya ang nag-ayos ng lahat ng gagamitin ko. Siya rin ang naglagay ng pagkain ko.

"Bakit mo nga pala ginawa yun?" Tanong ko sa kanya habang kumakain.

"Nainis kasi ako sayo. Ang aga aga nag utos ka agad. Sorry,puyat kasi ako at pagod." Sabi nito sa akin.

"It's okay. Just finish your food then you may go." Sabi ko sa kanya.

"Sure. Maybe after I wash the dishes."

"Aniyo. Ako nang bahalang magligpit."

"But-"

"No more buts."

Nang matapos kaming kumain ng dinner ay iniligpit ko na ang pinagkainan namin. Habang naghuhugas ako ng pinggan ay nasa likuran ko pala si slave.

"Aalis na ako." Paalam niya.

"Alright."sagot ko na lang.

Paalis na sana siya ng maalala kong may pupuntahan ako bukas at kailangan ko ng katulong.

"Ah slave, I forgot to tell you. We will go to Harley's house tomorrow. " sabi ko sa kanya.

"Time?"

"9 Am"

"Alright. Magdadala ba ako ng sasakyan?" Tanong niya sa akin.

"Yeah"

"Okay. I go now." Paalam niya at tuluyan ng umalis.

Tinapos ko lang ang hinuhugasan kong mga pinggan at umakyat na sa kwarto ko. Naligo lang ako at nagbihis ng pajama.

Nang mahiga ako sa kama ay naalala ko na tatawagan ko pala si Harley.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Harley . After three rings ay sinagot niya rin.

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon