Maxleigh Cassandra POV
Kinakabahan ako at the same time ay naeexcite dahil nasa eroplano na kami pabalik sa Manila. Hindi maalis ang ngiti ko habang nasa eroplano.
Si Kuya Luke at Harley naman ay natutulog. Kulang kasi sila sa tulog dahil naexcite ata sa pag-uwi. Tatlong taon din naman kasi kaming hindi umuwi ng Pilipinas.
Hindi ko namalayan na nakatulog na rin ako dahil matagal tagal pa ang byahe.
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may tumatapik sa braso ko.
"Max, nandito na tayo. Hey,"
Iminulat ko ang mata ko at nakita si Harley na tinatapik ang braso ako at si Kuya Luke na nakatayo na.
Inayos ko ang sarili ko bago tumayo na rin at naglakad palabas. Ramdam ko ang kaba ko dahil makikita ko na si Kai after three years.
"Kuya, pinadala mo ba ang kotse mo?"
Nilingon naman niya ako at inabot sa akin ang maleta ko.
"Nah. May susundo sa atin."
"Huh? Sino? Si Tito?"
"You will see."
Nakita ko naman ang pagsilip ng ngiti sa labi nila ni Harley. Hindi ko na lang tinanong pa at sinundan na sila.
Habang naglalakad palabas ay nakita ko ang isang lalaking nakagray shirt at pantalon. Nakasuot rin ito ng relo at nakawhite rubber shoes.
Nakatungo ito kaya hindi ko makita ang mukha pero parang pamilyar ang body built niya.
Nagulat naman ako ng tumigil sa tapat noong lalaki sila Kuya Luke at Harley. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang mag-angat ng ulo ang lalaki.
"Tol. Kanina ka pa ba?"
"Hindi naman. "
"Si Blake?"
"Susunod na lang daw siya sa beach. Mauna na raw tayo."
"Hmm."
Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang nilalagay niya sa likod ng kotse ang mga maleta.
"Max. Lumapit ka na dito. Bakit parang naestatwa ka na dyan?"
Hindi parang Harley. Talagang naestatwa na ako.
Ikinurap ko naman ang mata ko bago nagsimulang humakbang palapit sa kanila.
"Cassandra."
"Kai. Hello."
Pinilit ko ang sarili kong hindi mautal sa harap niya.
"Akin na yang maleta mo."
Tumango lang ako bago inabot sa kanya ang maleta ko.
"Thanks."
"Alam niyo kayong dalawa, para kayong tuog dyan. Umayos nga kayo."
Inirapan ko na lang si Kuya Luke. Sasakay na sana ako sa backseat nang maunahan ako ni Harley at Kuya Luke.
"Doon ka sa unahan."
Pinandilatan ko ng mata si Harley bago umupo sa passengers seat. Si Kai na ang nagsara ng pinto sa may gawi ko bago umikot papunta sa drivers seat.
Nagsimula na siyang magdrive at napansin kong nalampasan niya na ang daan papunta sa bahay ko.
"Hey, lampas na tayo."

BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomantikAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...