Chapter 23

105 6 0
                                    

Maxleigh Cassandra POV

Maghapon lang akong nasa opisina ko at nagpipirma ng mga papeles o di kaya'y umaattend sa mga meeting na kailangan ako.

At sa sobrang pagkabusy ko ay hindi ko napansin na hindi pa ako kumakain ng lunch.

Napailing na lang ako dahil alas tres na ng hapon pero wala pa ring laman ang tiyan ko simula umaga. Pinindot ko naman ang intercom para makakonekta sa labas ng opisina, sa sekretarya ko to be exact.

"Yes maam?"

"Chrystaline, bilhan mo naman ako ng pagkain. Hindi pa ako naglalunch at alas tres na ng hapon. Make it for two people."

"Yes maam."

Nang matapos kong utusan si Chrystaline ay napasandal na lang ako sa swivel chair at napapikit. Sumasakit ang ulo ko sa sobrang dami ng kailangan kong gawin.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng katok sa pinto.

"Pasok."

Dahan dahan namang bumukas ang pinto at pumasok si Chrystaline na may dalang pagkain.

"Maam, ito na po yung lunch niyo."

Nilapag niya iyon sa mini living room ng opisina ko at akmang aalis na pero pinigilan ko siya.

"Chrystaline, sabayan mo ako. Alam kong hindi ka pa rin naglalunch dahil maghapon tayong magkasama."

"Wag na po Maam. Nakakahiya naman po sa inyo."

"No. Take your seat. Sabayan mo ako. At sekretarya kita ayokong bigla ka na lang nagcollapse dyan dahil hindi ka pa kumakain."

Nahihiya naman siyang umupo sa tapat ko. Napangiti naman ako ng magsimula na din siyang kumain.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Nakakatuwa siya.

Nang matapos kaming kumain ay siya na ang nagligpit ng pinagkainan naming dalawa.

"Thank you Maam."

"Your welcome. At wag kang mahihiya sa akin."

Tumango siya at lumabas na sa opisina ko. Naiwan naman akong nasa sofa pa rin at nakapikit ang mata.

Napamulat naman ako ng maalala kong Sabado nga pala bukas at bukas ang lunch meeting ko kasama si Kai.

Napabuntong hininga naman ako dahil naiisip kong masyadong pormal ang pakikitungo niya sa akin.
Nang mag alas kwatro ng hapon ay nag-ayos na ako ng sarili para umalis na sa kompanya at umuwi sa bahay.

Habang nagmamaneho ay biglang tumunog ang cellphone ko na nasa dashboard. Kinuha ko naman ang earphone bago sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Max, may gagawin ka ba bukas?"

Si Harley pala.

"Wala naman. Free ako bukas. But I have a lunch meeting tomorrow with Kai."

"Kai? As in si Nathan?"

"Oo."

"Bakit naman kayo may lunch meeting aber?"

"Siya ang pinahawak ng papa niya ng project sa Tagaytay. Kaya ito, may lunch meeting kami bukas para sa renovation sa Tagaytay."

"Hays. Baka naman hindi ka na humiwalay sa kanya."

"Harley, talagang hindi kami magkakahiwalay ni Kai. Ilang buwan din ang itatagal ng renovation o baka nga taon pa. "

"Max, hindi ko gusto ang gagawin mong pagdikit kay Nathan. Baka masaktan ka lang sa ginagawa mo. Hintayin mo na lang siyang bumalik sayo tulad nung pangako niya."

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon