Maxleigh Cassandra POV
Maaga akong nagising dahil last day na namin ngayon ni Kai dito sa Anilao. Dahil sa last day na namin ay pupunta kami sa Sombrero Island.
Suot ang baby blue two piece ay tinakpan ko ito ng isang beach dress.
Sinabit ko naman sa leeg ko ang dslr ko.Nang lumabas ako ng kwarto ay nakita ko si Kai na nakashorts at polo.
"Let's go?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya at pinauna akong maglakad. Naghihintay na ang bangkerong sasakyan namin papunta sa Sombrero Island nang makarating kami sa may tabing dagat.
Habang umaandar ang bangka papunta sa Isla ay kumukuha ako ng mga picture.
"Cassandra, dito ka sa may tabi ko. Baka malaglag ka dyan." Sabi sa akin ni Kai.
Marahan naman akong lumipat sa may tabi niya. Inalalayan pa niya ako para makaupo.
Nang makaupo ako sa may tabi niya ay nilabas niya ang cellphone niya.
"Kai, picture tayo." Sabi ko sa kanya.
"Sure."
Siya ang may hawak ng cellphone niya pagkuha ng picture. Andami naming nakuhang picture bago tumigil.
Maya maya pa ay tumigil na ang bangka at nakikita ko na ang isang isla na marami rin taong nagpunta at puting puti ang buhangin.
"Nandito na po tayo maam, sir."
Naunang bumaba ng bangka si Kai at inalalayan niya akong bumaba.
Nang makababa ay nagsimula na akong kumuha ng pictures. Nakita ko naman si Kai na nakaupo sa may buhangin at para siyang modelo doon.
Agad kong tinapat sa kanya ang camera at kinunan siya ng picture. Matapos kong kumuha ng picture ay lumapit na ako sa kanya.
"Tapos ka nang kumuha ng pictures?"
"Hmm. Andami ko nang nakuha."
"Picture tayo."
Siya ang may hawak ulit ng cellphone pagkuha namin ng picture. Kung ano anong nakakatawang pose ang ginawa namin hanggang sa matapos kaming magpicture.
Tawa naman kami ng tawa noong tiningnan namin ang mga picture namin.
"Maligo ka na." Sabi niya sa akin.
"Eh ikaw? Di ka pa maliligo?"
"Later. Susunod naman ako. Akin na muna yang dslr mo."
Binigay ko naman sa kanya ang dslr at dahan dahang hinubad ang beach dress ko.
"Fck." Narinig kong mura ni Kai.
"Iwan ko muna dito itong dress ha? Maliligo na ako. Sumunod ka." Sabi ko sa kanya.
Tumango lang siya bilang sagot kaya naglakad na ako papunta sa tubig. Nang hanggang dibdib ko na ang tubig ay nakita ko si Kai na nasa may pampang malapit sa akin at hawak ang dslr ko.
Alam kong gagawin na naman akong model kaya nagpose ako sa harap ng camera. Nang makita kong nag okay sign na siya ay lumangoy na ako.
Nang inahon ko ang ulo ko sa tubig ay nakita ko si Kai na tinanggal na ang polo niya at naglalakad na papunta sa may sa akin.
Nang makarating sa may tubig ay agad siyang lumangoy papunta sa akin.
"Tsk. Dapat pala hindi ka na nagsuot ng two piece." Sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomanceAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...