A/N:
Ang scene na ito ay birthday pa rin ni Cassandra. Enjoy reading! Hoho
~~~~~~~~~~~~~~~♡
Maxleigh Cassandra POV
Matapos naming magsikain ay may dumating na mga crew para magligpit. Habang kami naman ay naupo sa parang living room doon.
"Mom, Dad, akala ko ba hindi kayo makakapunta dahil aalis kayo?"
"Oo nga. Aalis kami. Pumunta lang muna kami dito para makita ka. Actually kinausap kami ni Nathan."
Napatingin naman ako kay Kai na nagkukunwaring tumitingin sa paligid.
Kinurot ko naman ang tagiliran niya kaya napadaing siya sa sakit at tumingin sa akin.
"Grabe ka naman Cassandra. Hindi pa nga tayo bugbog na agad ako sayo. Hindi naman ako papalag."
Inirapan ko naman siya.
"Hindi ka sigurado kong magiging tayo. "
Lumungkot ang mukha niya at humarap kila mommy.
"Mommy, tingnan niyo po ang anak niyo sinasaktan ako. Tsk tsk."
Nagulat naman ako sa sinabi niya lalo na at tinawag niyang mommy ang nanay ko.
"Hoy! Anong mommy ka dyan? Ang kapal mo talaga"
"Hindi naman ako makapal Cassandra my loves. Advance lang talaga ako mag-isip."
"Ewan ko sayo."
Inirapan ko siya at tinuon ang mata sa ibang bagay. Nakita ko pang natatawa ang mga kasama namin dahil sa bangayan naming dalawa.
"Maxleigh,anak, bakit naman inaway mo pa si Nathan? Dapat ay nagpasalamat ka pa sa kanya."
Nilingon ko naman si Mommy na nakangiti sa akin ngayon.
"Magpapasalamat naman sana ako mommy eh. Kaso wala, bumanat na naman ng katarantaduhan."
"Hoy hoy. Hindi naman katarantaduhan yun my loves."
Natawa naman si Kuya Luke dahil sa pagsingit ng isang to sa usapin namin ni mommy.
"Bakit ba singit ka ng singit?"
"Itinama ko lang naman-"
"Sabagay mukha ka namang singit."
Napatigil siya sa pagsasalita at sumeryoso ang tingin sa akin. Umusog ako palayo sa kanya.
"Sinong mukhang singit?"
"I-ikaw."
Atras ako ng atras sa upuan habang ang mga kasama namin ay tinatawanan lang kami.
"Mukhang singit pala ah."
Nakita ko ang pagsilay ng ngisi niya at inatake ako.
"HAHAHAHAHA. KAI STOP! HAHAHAHA I SAID HAHAHA STOP!"
Tawa ako ng tawa dahil sa pagkiliti niya sa akin.
"Hindi! Walang titigil. Mukhang singit pala ah."
"STOP IT! KAI! HAHAHA! I SAID STOP! HAHAHA"
"Sinong mukhang singit?"
"IKAW!"
Lalo niya akong kiniliti kaya naman para akong bulate na tawa ng tawa sa upuan.
"Ano? Sinong mukhang singit?"
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomanceAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...