Chapter 5

175 9 0
                                        

Maxleigh Cassandra POV

Nang magising ako ay agad akong naligo at nagbihis dahil ngayon kami uuwi ni slave.

Nang makalabas sa kwarto ay nakita ko si slave na nag-aayos na ng breakfast sa table.

"Morning." Bati ko sa kanya bago umupo.

"Morning. Kumain ka na. Aayusin ko lang ang mga gamit mo." Sabi niya at naglakad na paalis.

"Wait. Kumain ka na ba? Baka mamaya ay mabangga tayo sa daan dahil bigla kang hihimatayin sa gutom." Sabi ko sa kanya.

"Tapos na." Sagot niya at naglakad na paalis para mag-ayos ng gamit ko.

Nang matapos akong kumain ay niligpit ko ang mga plato at basong ginamit ko.

Nakita ko si slave na nasa sala at nanonood ng TV. Naupo ako sa katabing sofa at nakinood.

After 10 minutes ay pinatay niya na ang TV at kinuha na ang mga gamit ko.

"Tara na. Baka matraffic pa tayo." Aya niya sa akin at naunang lumabas.

Sumunod naman ako sa kanya. Nang makarating sa kotse ay tahimik lang kaming dalawa. Habang umaandar ang kotse ay napatingin ako kay slave.

Seryoso lang siya habang nagmamaneho. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya kagabi.

"Ahm slave." Tawag ko sa kanya.

"Oh?"

"Yung sinabi mo kagabi. Anong ibig sabihin nun?" Tanong ko sa kanya.

"Alin ba?"

"Yung sabi mong naiinis ka nung photoshoot."

Nakita ko naman ang gitla sa mukha niya.

"Syempre maiinis ako. Ang laswa ba naman eh."sabi niya.

"Malaswa? Hindi naman ah."

"Siguro sa iba hindi. Pero kapag ikaw nagsuot malaswa eh. Di bagay sayo." Pang-aasar niya sa akin.

"Ha! May gusto ka na ba sakin kaya ka naiinis nung suot ko yun ha?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Bakita naman ako magkakagusto sayo? Pagong ka kaya. "

" ano namang connect nun? Malay ko ba kung may gusto ka na pala sakin."

"Bakita nga naman ako magkakagusto sayo? May iba akong gusto. At hinding hindi ako magkakagusto sayo."

Dahil sa sinabi niya ay natahimik ako. Hindi na ako umimik at humilig na lang sa upuan.

Nagsuot na lang ako ng earphones at pumikit. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. At nang magising ako ay nasa labas na kami ng bahay ko.

"Buti naman gising ka na. Nasa loob na ang mga gamit mo. Aalis na ako." Sabi niya.

"Okay." Sagot ko na lang at bumaba na sa kotse niya bago naglakad papasok.

Nang makarating sa loob ay naupo ako sa sofa bago kinuha ang cellphone para maglaro.

Nang hapon na ay tinawagan ko si slave para sa paglinis ng bahay. Agad naman siyang nakapunta sa bahay.

"Hapon na pero maglilinis pa rin?" Sabi niya sa akin.

"Gagamitin kasi ang bahay bukas ng gabi. Pupunta sila Chrystal dito." Sabi ko sa kanya.

"Okay." Yun lang ang naging sagot niya bago nagsimulang maglinis.

Hindi kami nag-iimikan habang naglilinis. Kinakausap ko lang siguro siya kapag nagpapatulong ako sa pagbubuhat ng mga ililipat na gamit.

Nang matapos naming maglinis ay nagpahinga muna kami sa sala. Nanonood siya ng TV habang ako naman ay tumayo para maghanda ng meryenda.

Gumawa lang ako ng sandwich at nagtimpla ng juice para sa aming dalawa.

Nang makabalik ako sa sala ay ganun pa rin siya nanonood ng TV. Nilapag ko naman sa table ang plato na may lamang sandwich at nilapag sa may tapat niya ang baso ng juice.

"Meryenda ka muna. Thank you sa pagtulong."

"Slave ako diba? Syempre susunod ako." Sabi niya habang kumakain ng sandwich.

Tahimik lang kaming kumakain ng meryenda habang nanonood ng TV. Nang maubos ko na ang juice at sandwich ay tumayo ako para itapon ang basura sa labas.

Nang hawak ko na ang garbage bag na may lamang mga basura ay may pumigil sa kamay ko at inagaw sa akin ang garbage bag. Si Slave.

"Ako na. Baka mabali pa ang buto mo." Sabi niya sa akin at naglakad na palabas habang dala ang garbage bag.

Wala naman akong nagawa kaya dinala ko na lang ang ginamit naming plato at baso para hugasan.

Nang matatapos na ako sa paghugas ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Dali- dali naman akong tumakbo palabas dala ang isang payong para tingnan kung nandun pa sa labas si slave. Nakita ko siyang nasa ilalim ng isang puno nakasilong at nababasa na.

Tumakbo ako palapit sa kanya at pinayungan siya.

"Bakit  ba hindi ka na tumakbo papasok sa bahay?!" Sigaw ko sa kanya.

"Nabasa na rin naman ako."

"Kahit na! Dapat tumakbo ka na lang papasok kesa tumigil ka pa dito. Magkakasakit ka pa niyan. Tingnan mo nga basang-basa ka na." Naiiyak na sigaw ko sa kanya.

Oo, aaminin kong nag-aalala ako sa kanya dahil baka magkasakit siya.

Syempre pag nangyari yun wala akong uutusan.

Yun ba talaga? O nagkakagusto ka na sa kaniya? Sabi ng isang bahagi ng utak ko.

Ipinilig ko ang ulo ko at inaya na si slave na pumasok sa bahay ko. Nang makapasok ay agad akong kumuha ng tuwalya at binigay sa kanya.

"Bakit ba kasi hindi ka na tumakbo papunta dito at naisipan mo pang tumigil sa may puno?" Naaasar na tanong ko sa kanya.

"Basa na rin naman ako kaya ano pang sense?" sagot niya habang nagpupunas ng ulo.

"Basa ka rin naman pala eh di sana tumakbo ka na papunta dito. Hindi yung tumigil ka pa doon tingnan mo basang basa ka na. Pano kung magkasakit ka? Pano kung may mangyari sayo?" Naiiyak na sabi ko sa kanya.

"Oh bat parang naiiyak ka na dyan? Ano bang pakialam mo?" Walang emosyong sabi niya.

"Nakakainis ka. Alam mo ba yun ha? Ako na yung nag-aalala sayo tapos ganyan ka pa." Tuluyan ng tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Hinapit niya naman ako papalapit at niyakap.

"Sorry. Sorry kung nag-alala ka. " sabi niya sa akin habang yakap ako.

Pinahid ko naman ang luha ko at humiwalay sa kanya.

"Ikaw ha. May gusto ka na ba sakin? Alalang-alala ah." Pang-aasar niya sa akin.

"Hindi ah. Kaya lang naman ako nag-alala kasi ako yung kasama mo. Responsibilidad kita. Wag ka ngang ashuming."

"Uyyy. Ikaw ha." Nakangising sabi niya.

"Ano ba? Magbihis ka na nga. Suutin mo yung damit ni Kuya Luke dyan. Nasa guest room yun. Tsk." Asar na sabi ko sa kanya.

Nakangisi siyang pumunta sa taas para magpalit ng damit. Ako naman ay itinuloy ang paghuhugas ko.

Akala niya ba hindi ako nag-aalala sa kanya? Kaasar siya. Tinakot niya ako. Pano kung magkasakit siya? Sinong mag-aalaga sa kanya? Papatayin niya ba ako sa pag-aalala?

Napatigil naman ako sa naisip ko. N-nag aalala ba talaga ako sa kanya? Bakit ganun ang naisip ko? My gosh! This is not good.

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon