Maxleigh Cassandra POV
Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng ringtone sa cellphone ko. Ang aga aga pa sino ba ang tumatawag?
Inis na inabot ko ang cellphone ko sa side table. Kumalma naman ako nang makitang si Mommy ang tumatawag.
"Hello, mommy?"
"Good morning anak. Nagising ba kita? Sorry. Ang Dad mo kasi, pinapasabi niya na pumunta ka dito nang lunch. May sasabihin kami sayo anak." Malumanay na sabi ni mom sa kabilang linya.
"Yeah sure mom. Pupunta ako dyan sabihin mo kay dad. "
"Alright anak. Ingat. I love you. "
"I love you mom. Bye."
Yun lang ang naging pag-uusap naman kaya naman nagsimula na akong mag-ayos ng sarili dahil alas dyes na pala. Akala ko pa naman maaga pa.
Matapos maligo ay nagsuot lang ako ng gray oversized shirt , ripped jeans at white rubber shoes.
Nang matapos akong mag-ayos ay kinuha ko ang susi ng sports car ko at nagdrive papunta sa bahay nila mommy.
Hindi na ako nag-abala pang sabihin kay slave na wala siyang gagawin ngayon. Bahala siya.
Nang makarating sa mansion ay agad akong pumasok at dumiretso sa dining area. Maglalunch na rin kasi kaya sure akong nandun na sila mommy.
And I'm right. Hinihintay na lang nila ako para magsimula na kaming kumain.
Lumapit ako sa kanila para magbeso.
"Hi mom,hi dad." bati ko sa kanila habang bumebeso.
"Take your seat anak. Let's eat lunch." Sabi ni dad sa akin.
"Sure. I'm starving already."
Nagsimula na kaming kumain habang nagkakamustahan.
"Anak, alam kong nasabi na sayo ng mommy mo na may sasabihin kaming importante sayo ngayon hindi ba?" Pagsisimula uli ni Dad ng usapan.
"yes dad. Btw, what is that? What would you say?"
"Ayos lang ba sayo anak na ikaw ang magmanage ng hotel natin dito sa Pilipinas?" Tanong ni mommy sa akin.
"Yes ofcourse. Why?" Sagot ko habang kumakain na ng dessert.
"We're going to Canada, anak. Doon muna kami ng daddy mo. Kailangan naming asikasuhin ang bagong branch ng hotel natin doon. Is it okay with you?" Paliwanag ni daddy sa akin.
"Yes of course, dad."
"Thank you anak. "
"Pamilya tayo dad. At saka ako naman dapat ang magmamanage nun hindi ba? Hindi lang po kayo pumapayag dahil sabi niyo kaya niyo pa."
"Ayaw lang naming mapagod ka anak. O di kaya naman ay mastress." Sabi naman ni mommy.
"It's okay with me mom."
"So, after two days, ipapakilala ka namin bilang bagong CEO ng M-B hotel. Magkakaroon ng party at pupunta rin ang ibang mga kapartner natin sa business." Paliwanag ni mommy sa akin.
"Oh sure. Mom, Dad, I gotta go. I need something to do. May usapan kami ngayon ni Harley Shane. At kukunin ko rin ngayon kay Chrystal yung copy ng mga pictures ko sa Tagaytay at nung sa bahay. And I will find dress that I'll wear for the party." Paliwanag ko sa kanila habang nagpupunas ng bibig.
"Oh sure anak. Take care. See you at the party." Sabi ni mommy at bumeso sa akin.
"Take care anak." Sabi rin ni dad at humalik ako sa pisngi niya.

BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
Roman d'amourAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...