Maxleigh Cassandra POV
Nang makarating ako galing sa office ay agad akong naligo at nagbihis ng jogging pants at oversized shirt.
Matapos kong magbihis ay bumaba na ako sa kitchen para magluto ng dinner namin nila Kuya Luke.
Nagluto ako ng adobo at sinigang. Nagsaing na rin ako. Sakto namang kakatapos ko lang magluto ng ulam ay dumating sila.
"Wow! Marunong ka palang magluto Madam Max." Sabi ni Blake na nauna pang umupo sa dining.
"Ako pa ba."
"Yabang." Narinig kong sabi ni Kai.
Inirapan ko naman siya.
"Huwag kang kakain Aldrich Nathan Kai ha." Sabi ko sa kanya bago umupo.
"Biro lang naman Boss." Sabi niya at naupo na rin.
"Max, may dessert ba?" Tanong ni Harley.
"Wala." Sabi ko sa kanya.
"May ice cream ba sa ref mo Max?" Tanong uli niya.
"Meron." Sabi ko naman.
Nakita ko naman ang paglawak ng ngiti niya. Mukhang ice cream talaga ang bruha.
Matapos naming kumain ay nagpresinta si Kuya Luke na siya na raw ang maghuhugas ng pinagkainan namin.
Pumayag naman na ako dahil pagod rin ako. Naglakad naman kaming apat papunta sa sala at naupo doon.
Naglapag naman si Kuya Luke ng dessert noong nakasunod na siya sa amin sa sala.
"Ikaw ba ang gumawa niyo Kuya?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah."
Nilantakan namin ang dessert. Tahimik lang kaming lahat habang inuubos amg dessert. Maya maya ay nagsalita si Blake na ubos na ang kinakain.
"Truth or dare tayo?" Sabi niya habang nakuha ng bote.
"Game!" Sagot naman namin.
Naupo kami sa lapag. Okay lang naman na umupo dahil carpeted naman yun.
Ang pwesto namin ay Kuya Luke- Blake-ako- Harley- Kai.
"ako na unang magpapaikot." Sabi ni Kuya Luke.
Nang tumigil ang bote ay tumapat ito kay Harley. Si Kuya Luke ang magtatanong.
"Truth or dare?" Tanong ni Kuya Luke.
"Truth."
"Kung may pagkakataong ligawan kita, papayag ka ba?"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Kuya Luke.
"Ayun oh, dumadamoves."
"Anak ng tinola pre. Binata ka na."
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomanceAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...
