Maxleigh Cassandra POV
Dahil sa ngayon ang alis namin sa resort ay maaga kaming gumising para makapag-ayos ng mga gamit. Sinundo ako ni Kai sa kwarto ko para tulungan akong dalhin ang mga gamit ko.
Nang makarating sa lobby ng resort ay nandoon na si Blake kasama sila Kuya Luke at Harley. Nagcheck out lang kami bago naglakad papasok sa kotse.
Bago paman kami makasakay ay nasa harap ko na si Natasha. Ang aga aga ay sinisira ng higad na to ang araw ko.
"Oh?"
"Maxleigh,"
Nainis naman ako dahil ang tagal niyang magsalita. Matatraffic kami nito kapag hindi pa siya nagsalita.
"Ano ba?! Sabihin mo na kung kamy sasabihin ka. Anak naman ng tukneneng oh."
"I-im. I-im s-sorry. Sorry kung lumapit pa ako kay Nathan kahit na sinabihan mo na akong lumayo. H-hindi na ako manggugulo. Hahayaan ko na kayo. I-im sorry."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ito lang naman ang hinihintay ko. Ang pakawalan niya ang nakaraan nila ni Nathan.
"B-bakit ka n-nakangiti?"
"Yun lang naman ang hinihintay ko Montreal. Ang palayain mo ang sarili mo sa nakaraan. Darating din ang taong para sayo. Huwag kang mag-alala apology accepted."
"Thank you."
Tinanguan ko na lang siya at naglakad na siya paalis. Habang ako naman ay hinarap ang mga kasama kong mukhang gulat na gulat.
"What?!"
"Totoo bang pinatawad mo ang isang yun?"
"Why not Blake? Mabuti nga at pinatawad ko pa siya."
"Fine fine."
Nilingon ko naman si Kai na kanina pa nakatitig sa akin.
"Hey, anong nangyari sayo?"
"I love you."
"I already know that Kai. I love you too."
Ngumiti naman siya ay dinampian ako ng halik sa labi.
"Hoy! Tama na nga ang lambingan niyo. Maiipit tayo sa traffic."
Natawa naman kami kay Blake na masama ang tingin sa amin.
"Seriously? Bakit ba ako sumama sa bakasyon na to? Puro kayo couples."
Tinawanan lang namin siya at sumakay na kami sa kotse. Dahil pinadala ni Kuya Luke ang kotse niya sa resort ay yun ang ginamit nila ni Harley. Si Blake naman ay may dalang kotse noong pagpunta niya dito kaya mag-isa lang siya doon. Ayos lang naman daw sa kanya dah didiretso siya sa kompanya nila. Ako naman ay nakasakay sa kotse ni Kai. Kaming dalawa syempre.
"Cassandra,"
Napatingin naman ako kay Kai habang nagmamaneho siya.
"Hmm?"
"I love you."
"I love you too."
Nagtaka naman ako kung anong nakain ng isang yun dahil kanina pa iloveyou ng iloveyou.
"Kai."
"Yes?"
"Anong nakain mo?"
"Bakit?"
"Kanina ka pa iloveyou ng iloveyou."
Natawa naman siya sa sinabi ko at saglit akong nilingon.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomanceAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...