Maxleigh Cassandra POV
"Good morning Maam."
Bati sa akin ng isang empleyado.Habang naglalakad ako papasok ng kompanya namin ay binabati ako ng mga empleyadong nakakasalubong ko. Tinatanguan ko lang sila bilang sagot.
Nang makarating sa may opisina ko ay nakita ko si Kai na nasa table na niya.
"Good morning Maam." Nakangiting sabi ni Kai.
"Ang aga mo ata ngayon?"
"Oo eh. Medyo lang naman."
Tinanguan ko na lang siya at pumasok na sa opisina ko. Nang makaupo ako sa swivel chair ko ay pinahinga ko muna ang likod ko dahil nakikita kong andami ko na namang babasahin at pipirmahang mga papeles.
Nang masatisfied na ako sa pagkakasandal ng likod ko ay sinimulan ko na ang pagpirma sa mga papeles na nasa table ko.
Habang nagpipirma ako ng mga papeles ako pumasok si Kai na may dalang baso ng kape.
"Ito na ang kape mo. At nga pala Cassandra, bakit andami kong picture nung kumuha ako ng kopya sa laptop mo."
"Alam mo ikaw,Kai, ilang beses ko bang sasabihin na ginawa lang kitang modelo para sa mga picture na yun? Ang kulit kulit mo."
"Weh? Baka naman may gusto ka na sakin Maam."
"Ako? Magkakagusto sayo? Neknek mo! Ikaw nga dyan nagseselos ka dun sa mga lalaki nung nasa isla tayo."
"Ako?! Magseselos? Neknek mo rin Cassandra. Bat naman ako magseselos sa kanila? Di hamak na mas maganda naman ang katawan ko sa mga yun at mas gwapo pa ako dun."
"Ikaw? Gwapo? Wag ka ngang managinip ng gising."
"Aminin mo na kasi may crush ka sakin no?"
"Sinabi ng wala eh."
Nagbabangayan kaming dalawa nang biglang pumasok si Kuya Luke at si Blake. Mga nakacorporate attire pa ang mga ito.
"Hindi ba kayo marunong kumatok?"
"Susmarya naman Maxleigh kanina pa kami kumakatok ni Blake walang nagbubukas ng pinto."
"Dalawa na kayo dito sa loob wala man lang nakarinig sa inyo."
"Gusto mo bang ipatapon kita palabas ng kompanya ko? Ha? Blake ?"
"Pano naman tayo mapapansin ng dalawang yan Blake? Eh ang aga aga nagbabangayan yang dalawang yan. yan ba ang breakfast niyong dalawa?"
"Kuya Luke!" Naiinis na sabi ko sa kanya.
Narinig ko namang tumawa si Kuya Luke at Blake. Sinamaan ko naman sila ng tingin.
"Ano bang ginagawa niyong dalawa dalawa dito?"
"Ayun na nga pareng Nathan. Baki naman nagbakasyon kayo na hindi kami kasama? Pwede naman kayong magsabi na gusto niyong magsolo na dalawa nito ni Madam Max." Sabi ni Blake at umakbay pa kay Kai.
"Eh kasi tol. Matatapos na yung deal namin diba? Ayaw naman namin na matapos yung bet na puro lang kami bangayan nitong si pagong kaya nagbakasyon kami."
"Sana nagsabi naman kayo. Hindi yung kada upload niyo sa Instagram ng picture eh nang iinggit kayo."
Magsasalita pa sana si Kai nang may kumatok sa pinto. Nilapitan naman ito ni Kai at binuksan ang pinto. Pumasok si Harley na nakacorporate attire at may dalang folder.
"Anong ginagawa ng dalawang to dito?" Tanong niya habang nakaturo kay Kuya Luke at Blake.
"Nanggugulo bat daw hindi namin sila sinama sa Batangas."
"Ako nga tapatin niyong dalawa, Nathan, Cassandra, kayo bang dalawa ay nagkakagustuhan na?" Tanong ni Harley na sinundan ng pang-aasar ni Kuya Luke at Blake.
Pareho naman kami ni Kai na nagulat at nagkatinginan. Sabay pa kaming tinuro ang isa't isa.
"Yan magugustuhan ko? Di na uy./ Bat naman ako magkakagusto dyan?"sabay na sigaw namin ni Kai.
Tumawa naman silang tatlo sa sagot namin.
"Kaya ba nagsolo kayo sa Batangas? Yun ba ang dahilan?" Tumataas taas pa ang kilay na sabi ni Blake.
Si Kuya Luke naman ay nakangisi habang si Harley ay nagpipigil ng tawa.
"Hindi no. Tulad ng sabi ni Kai kanina, dahil matatapos na ang deal namin ay naisipan lang namang magbakasyon para naman hindi puro bangayan yung mayroon sa deal namin atleast may good memories."
"Baka nga yang pinsan mo ang may gusto sa akin Luke" sabi ni Kai habang nakangisi.
Lumaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Talaga? Pano mo naman nasabi tol?" tanong ni Kuya Luke sa kanya.
"Alam mo ba tol. Nung humingi ako ng kopya sa kanya nung mga picture? Andami kong kuha doon. Yung iba stolen." Nakangising sabi nito.
Nakita ko naman ang paglaki ng mata ni Harley at Blake. Si Kuya Luke naman ay napangisi sa sinabi ni Kai.
"Hoy ! Diba sabi ko sayo ginawa lang kitang model nung dagat? Ang kapal talaga ng mukha mo! Baka nga ikaw yung may gusto sakin eh. Sabi mo dapat di na ako nagtwo piece nung nasa isla tayo kasi tinitingnan ako nung mga lalaki. Hindi ka pa nga lumalayo sakin nun kasi tinitingnan ako nung mga lalaki."sabi ko naman na ikinalaki ng mata niya.
"Baka naman kasi pareho na kayong may gusto pareho." Sabi ni Blake.
"No way!" Sabay na sigaw namin ni Kai.
"Btw, Max pirmahan mo na to." Sabi ni Harley at inabot sakin ang folder.
Binasa ko naman yun bago pinirmahan. Matapos pirmahan ay binalik ko na yun sa kanya.
"Diba last day niyo na sa isang araw? Bat hindi tayo mag overnight sa bahay ni Max?" Sabi ni Kuya Luke.
Napaisip na kaming apat at sabay sabay na sumang-ayon.
"Para naman may memories diba?" Sabi ni Kuya Luke.
"Tama. At syempre magdala kayo ng pagkain." Sabi ko sa kanila.
Wala akong balak na ipaubos sa kanila ang stock ko sa bahay. Sumang-ayon naman sila bago sabay sabay na lumabas sa opisina ko.
Tiningnan ko naman si Kai na nasa opisina ko pa rin.
"May kailangan ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.
"W-wala. May ipapagawa ka pa ba? Lalabas na ako."
Umiling na lang ako at bumalik sa pagbabasa at pagpirma ng mga nasa table na halos gabundok.
Ilang araw na lang pala ay matatapos na ang deal. Kailangan ko nang maghanap ng magiging bagkng secretary ko.
Tumawag naman ako sa lobby at sinabihan silang mag umpisa ng maghanap ng pamalit kay Kai.
Ilang araw na lang matatapos na ang bet. Ano kayang mangyayari pagkatapos nito? Papansinin pa kaya niya ako? O magiging hangin na lang ako?
BINABASA MO ANG
Chasing Her (COMPLETED)
RomanceAldrich Nathan Kai Lopez will know this girl named Maxleigh Cassandra Buenaventura. Dahil sa pagkatalo ay magiging slave siya ni Maxleigh. Maaari nga bang mahulog siya sa babaeng tumalo sa kanya at kinaiinisan niya? Pero sa panahong walang kasigurad...