Chapter 21

110 6 0
                                        

Maxleigh Cassandra POV

May pinipermahan akong mga papeles ng tumunog ang intercom na nasa mesa ko.

"Maam, nasa linya po ninyo si Maam Harley." Sabi ng bago kong sekretarya.

"Thank you."

Kinuha ko naman ang telepono at sinagot.

"Hmm?"

"Why does your phone is fcking off?"

"Nothing."

"Fck. Are you okay?"

"Hmm. I guess."

"Did you eat breakfast?"

"No."

"Fck. Im going there. Fcking wait me there."

Napabuntong hininga na lang ako bago nilapag ang telepono. Sumasakit ang ulo ko at mukhang gigisahin pa ako ng tanong ni Harley. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa at pagpirma sa mga kailangang papeles.

Maya maya pa ay pumasok si Harley na may dalang isang box na donut. Nilapag niya ang box ng donut sa table sa mini living room ng opisina ko bago naupo sa tapat ko.

"Fcking eat those donuts I brought."

Nang hindi ako sumagot ay hinila niya ako at pinaupo sa sofa sa mini living room. Bumalik siya sa may mesa ko at pinindot ang intercom.

"Chrystaline, kindly bring us two cups of coffee. Thank you."

Matapos humingi  ng kape sa sekretarya ko ay umupo siya sa tapat ko.

"Eat."

Hindi na ako umimik pa at kinain na lang ang donut na nasa aking harap. Narinig ko ang pagkatok sa pinto ng aking opisina bago pumasok si Chrystaline na may dalang dalawang baso ng kape.

"Thank you"

Nilapag niya sa table ang kape at umalis na rin. Wala kaming imikan ni Harley habang kumakain. Akala ko ay hindi niya na ako tatanungin. Pero nang matapos akong kumain ay sumandal siya sa sofa at nagsimula na akong tanungin.

"Anong nangyari?"

Bumuntong hininga ako bago ikinuwento sa kanya ang nangyari kahapon. Hindi ko maiwasan ang pangingilid ng luha ko noong naalala ko ang sulat na iniwan ni Kai.

"Hey. Ssshhh. Its okay. Sinabi naman niya na hintayin mo siya diba? Ibig sabihin babalik yun sayo."

"Harley, gaano katagal? Paano kung sa pag-iwas niyang yun sa akin ay mahulog siya sa iba?"

"Hindi naman siguro. Kilala ko si Nathan, may isang salita yun."

"Gaano katagal? Gaano katagal niya ba ako iiwasan?"

"Think positive, Max. Mahal mo siya diba? Magtiwala ka sa kanya Max."

Pinahid ko naman ang luha ko dahil napagtanto kong tama ang sinabi niya. Kailangan kong magtiwala kay Kai.

"Tama ka. Kailangan kong magtiwala sa kanya. Kahit na walang kasiguraduhan ang nararamdaman niya sa akin. Eh ano naman kung hindi niya masuklian yung nararamdaman ko diba? Atleast lumaban ako. Kung hindi niya maamin sa sarili niya na may nararamdaman siya sa akin ay gagawin ko ang lahat para patunayan kong totoo ang nararamdaman ko sa kanya. Atleast lumaban ako. Kaya ko'to."

Nakita ko naman ang pagngiti ni Harley sa sinabi ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Yumakap naman ako pabalik sa kanya.

"Susuportahan kita sa desisyon mo Max. Pero kapag sumobra na at wala  pa rin siyang nararamdaman sayo, ako mismo ang gagawa ng paraan para tumigil ka. Ayokong ginagawa mong tanga ang sarili mo para sa isang lalaki. Bestfriend mo ako, Max. Para na tayong magkapatid. Kaya gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka."

"Thank you Harley."

"Anong plano mo ngayon?"

"Hindi ko alam. Pero naisip ko na, pano kung itry ko siyang lapitan ngayon? I mean iapproach ko siya. Malay mo nagbago yung isip niya at pansinin niya ako. Malay mo naman kailangan lang ng kunting lambing at pagpapatunay ang kailangan para pansinin niya ako diba?"

"Sigurado ka ba dyan Max? Para ka naman atang naghahabol sa kanya niyan."

"Hindi naman sa maghahabol ako sa kanya. Pero kasi, ang bigat bigat sa dibdib kapag naiisip kong iniiwasan niya ako at parang ayaw niya akong makita man lang o makasalamuha."

Napabuntong hininga naman siya sa sinabi ko.

"Alam mo kasi Max, siguro naman may dahilan si Nathan kung bakit ka niya iniiwasan. Siguro may gusto lang siyang kumpiramahin sa sarili niya o sa nararamdaman niya. Malay mo, kailangan lang nung tao ng space at oras para makapag-isip."

"Para naman siyang babae nun."

"Ang oras at space para sa pag-iisip ng isang mahalagang desisyon ay walang pinipiling gender. Its either babae ka o lalaki ka, kung kinakailangan mo talagang pag-isipan ang desisyong gagawin mo o ang nararamdaman mo eh talagang kailangan mo ng space at oras."

"Paano kung mapagtanto pala niyang wala siyang nararamdaman sa akin? Pano kung maisip niya na may iba pala siyang mahal?"

"Kung ganun man ang mangyari, wala tayong magagawa. Mahirap turuan ang puso ng isang tao kung talagang mahal niya ang taong yun. Ang magagawa mo lang sa parteng yun ay hayaan siyang makawala sayo at kalimutan siya. "

"Masakit yun Harley. Ang bigat bigat sa dibdib ng ganoon. Ngayon ngang iniiwasan niya ako ay mabigat na sa dibdib paano pa kaya kapag nangyari yang mga sinasabi mo?"

"Max, hindi naman natin madidiktahan ang isang tao kung anong dapat gawin. Tulad ni Nathan, hindi naman natin pwedeng ipagpilitan na ikaw ang gustuhin niya kung saka sakali. Hindi naman pwedeng pilitin niya ang puso niya na ikaw ang mahalin kung iba ang tinitibok nun. Mahirap ang ganoon Max. Yung magkasama kayo at nagkakausap. I mean, pinipilit niya ang sarili niya na mahalin ka pabalik pero hindi niya magawa dahil iba ang sinasabi ng isip at puso niya. Masakit ang one sided love."

"I dont want to think about it. Siguro hintayin ko na lang kung masusuklian niya ba o hindi ang nararamdaman ko. Ayoko namang pilitin niya ang sarili niya sa akin. Pero Harley, gusto kong subukan kung papansinin niya ako kapag kinausap ko siya. Kung sakali mang sumobra na at nasasaktan na ako ng sobra, ako na mismo ang lalayo at titigil sa ginagawa ko sa kanya."

"Ano man ang desisyon mo susuportahan kita. Kapag kailangan mo ako nandito lang ako."

"Thank you Harley Shane."

Humiwalay naman ako sa yakap ko sa kanya nang may maalala ako.

"What?"

"Naalala mo ba yung nag overnight tayo sa bahay ko?"

"Oo. Bakit?"

"Yung tanong ni Kuya Luke. Tinotoo ba niya? Nililigawan ka na ba ni Kuya Luke?"

Nakita ko naman ang pamumula niya at dahan dahan siyang tumango.

"Hindi nga?! Im so happy for you,Harley! Huwag mong pahirapan si Kuya Luke. Alam mo bang maraming nagbago sa kanya noong nakilala ka niya?"

"Bakit ko naman pahihirapan yung batong yun? eh mahal ko na yun."

"oh my! Im so happy for you Harley."

Niyakap ko siya habang tumatawa kaming dalawa. Naisip ko ang sinabi ni Harley sa akin.

I will fight for Kai no matter what happen. Kung hindi pa sapat ang pinapakita ko para sa kanya, papatunayan ko yun. Hihintayin ko siya. Hihintayin kong masuklian niya ang nararamdaman ko.

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon