Chapter 16

129 7 10
                                    

Maxleigh Cassandra POV

Dahil sa sinabi kagabi ni Kai ay hindi ako agad nakatulog. Ikaw ba naman sabihan na kung mahuhulog siya sayo ay sasaluhin mo ba, makakatulog ka ba? Syempre hindi.

Maiisip mo kung totoo ba yun o biro. Pinilit ko ang sarili kong makatulog kagabi at success naman. Kaya ito ako ngayon, energetic at ready ng umakyat sa bundok.

Maghahiking kasi kami ngayon sa Mt.Gulugod. Dala ang camera at tumbler na may lamang tubig ay lumabas na ako dahil hinihintay na ako ni Kai.

"Good morning." Bati niya sa akin.

"G-good morning." Nauutal na sabi ko sa kanya.

"Tara na?" Aya niya sa akin.

Tumango na lang ako bilang sagot dahil sa totoo lang naiilang ako sa kanya dahil sa tanong niya kagabi.

Hindi ko na lamang inalala ang tanong na yun at nag enjoy na lang. Kailangan kong sulitin ang bakasyon na to.

Nang makarating sa may paanan ng bundok ay uminom muna kami ng tubig bago nagsimulang umakyat. Malamig lamig pa ang simoy ng hangin dahil mag uumaga pa lang. Kailangang bago sumikat ang araw ay nasa tuktok na kami para manood ng sunrise.

Matapos ang halos isang oras na pag akyat ay narating din namin ang tuktok. Napangiti naman ako dahil sa ganda ng tanawin. Sakto namang pasikat na ang araw.

Kinunan ko ng litrato ang tanawin. Nakita ko si Kai na nakatingin sa pasikat na araw habang nakangiti. Kinunan ko siya ng litrato bago lumapit sa kanya.

"Picture tayo?" Aya ko sa kanya ng humarap siya sa akin.

"Sure." Nakangiting sagot niya bago kinuha ang cellphone niya at yun ang ginamit namin para pagkuha ng picture naming dalawa.

Mabuti nga at umimik ito sa akin ngayon. Halos matuyo ang lalamunan ko kanina habang paakyat kami dahil sa pagod at dahil na rin hindi nagsasalita ang kasama ko.

Wala kaming ginawa sa tuktok ng bundok kundi magpicture ng magpicture. Nagkwentuhan muna kami doon bago napagdesisyonang maglakad na pababa dahil umiinit na rin.

"Maliligo pa ba tayo sa dagat pagkarating natin?" Tanong niya sa akin.

"Hindi na muna siguro. Pahinga na lang muna tayo sa kwarto o di kaya sa may tabing dagat. Pupunta naman tayo sa isla bukas diba?" Sagot ko sa kanya.

"Sabagay. Mabuti na ring magpahinga muna tayo ngayon para may energy tayo bukas." Sabi niya.

"Movie marathon na lang tayo sa kwarto?" Aya ko sa kanya.

"Sure. Basta ba gagawa ka ng meryenda. Ikaw naman ang nag-aya eh." Sabi nito sa akin.

"Sure." Sagot ko naman.

Magtatanghali na nang makabalik kami sa resort. Nakita namin ang mga kasabay namin sa paghiking kanina. Nandoon sila sa nagboboodle fight para sa lunch. Tinawag nila kami kaya hinila ko si Kai papunta doon.

Masaya naman kaming nakisali sa kanila. Nagpicture pa kaming lahat doon para daw dagdag memories. Nakikipagtawanan kami sa mga kasama namin doon habang kumakain.

Nang matapos ang boodle fight ay busog na umakyat kami sa kwarto namin.

"Grabe, nabusog ako masyado doon ah. Andami ko na namang nakain."sabi niya habang nakaupo sa sofa.

"Ang takaw mo kasi." Pang-aasar ko sa kanya.

"Ikaw rin naman ah madami ka rin nakain no. Wag ka ngang pakunwari dyan." Sabi nito sa akin.

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon