Chapter 24

113 7 2
                                    

Maxleigh Cassandra POV

Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili kong ikwento kay Harley ang nangyari sa meeting namin ni Kai kahapon.

Pero ito naman si Kuya Luke ngayon sa opisina ko at kinakausap ako tungkol sa gagawin kong pangungulit kay Kai.

"Max, sigurado ka ba talaga sa desisyon mong kulitin si Nathan?"

"Kuya Luke naman kasi, hindi naman sa lahat ng oras kukulitin ko yung tao. Gusto ko lang naman malaman at masaksihan kung bibigay si Kai sa pangungulit ko."

"Hindi naman ganun karupok yun si Nathan. At hindi ko gusto ang desisyon mong yan."

"Titigil rin naman ako Kuya Luke."

"Kailan? Kapag sobrang nasasaktan ka na dahil sa kanya? Kapag hindi mo na kaya? "

"Hindi naman masamang sumubok diba? Kapag nasaktan na ako at hindi ko na kaya titigil naman ako agad eh."

"Alam mo namang ayaw kitang nasasaktan diba? Ikaw lang yung pinsan ko, Max. "

"Alam ko naman yun Kuya Luke. Pero sana pagbigyan mo na ako sa isang to. Pangako, kapag hindi ko na kaya titigil na ako."

Napabuntong hininga naman siya sa sinabi ko.

"Fine. Basta kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako."

"Yes, Kuya. Alis ka na dito Kuya Luke. Pupuntahan mo pa si Harley diba?"

"Oo aalis rin naman ako maya maya. Masyado pang maaga,Max. Mamaya ko pa pupuntahan si Shane."

Hindi na ako nagtaka kung siya lang ang tumatawag kay Harley ng Shane.  Nagpahatid naman ako kay Chrystaline ng maiinom bago muling tumingin kay Kuya Luke na seryoso pa ring nakatingin sa akin.

"Nga pala Kuya Luke. Naalala mo ba noong overnight natin sa bahay ko? Bakit ganoon yung tanong mo kay Harley? Eh di ba nga dati sinabi mo na naman na nililigawan mo na si Harley?"

"Yun ba? Nagkukunwari lang kami noon. Si mommy kasi, hinahanapan ako ng girlfriend. Ayaw ko namang makipagdate kaya pinakiusapan ko si Shane na kung pwede ay magpanggap kaming nililigawan ko siya. Hindi ko naman expect na magkakatotoo pala. Wala eh, nahulog ako."

"Im happy for the both of you Kuya. Andaming nagbago sayo mula noong nakilala mo si Harley. Tingnan mo ngayon, ang haba mo ng magsalita. Hindi na ikaw yung Kuya Luke na bato."

Napatigil kami ng pumasok si Chrystaline na dala ang juice naming dalawa ni Kuya Luke. Nilapag lang niya iyon sa mesa at lumabas na rin.

"Wala eh. Ganun naman talaga kapag nagmahal ka diba? Oh siya, uubusin ko lang tong juice at aalis na rin ako. Baka matraffic pa ako papunta sa kompanya nila Shane."

"Wag mong sasaktan si Harley, Kuya Luke. Marami nang pinagdaanan si Harley. Ayokong maranasan niya ulit yung sakit na naramdaman niya dati."

"Hindi ko naman magagawa sa kaniya yun. Mahal ko yun eh. Siya, aalis na ako."

"Drive safely Kuya."

"Tawagan mo ako kapag may kailangan ka okay?"

Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya dahil alam kong nagmamadali na rin siya. Naiwan naman ako sa opisina kong nakatulala at iniisip na kahit anong oras ngayon ay pwedeng tumawag si Kai at magpasama sa Tagaytay.

Kaya ko bang harapin siya pagkatapos nang nangyari noong lunch meeting naming dalawa?

Dahil tapos na rin naman ako sa mga ginagawa ko ay nagpasya akong pumasok muna sa private room ng opisina ko para magpahinga. Pinindot ko muna amg intercom bago pumasok.

"Chrystaline, a just take a sleep in my private room. Kapag may naghanap sa akin ikaw na muna ang kumausap."

"Yes maam. Ako na po ang bahala."

Tinanggal ko ang suot kong heels bago padapang humiga sa kama. Dahil siguro sa pagod ay mabilis rin akong nakatulog.

--

Nang magising ako ay may narinig akong mahinang pagkatok sa pinto ng private room. Bumangon naman ako at inayos ang sarili bago naglakad papunta sa pinto para buksan ito.

Bumungad sa akin si Chrytaline.

"Ah Maam, alas singko na po kasi ng gabi. Tayong dalawa na lang po ang tao dito sa kompanya. Ginising ko na po kayo."

"Ganun ba? Sige salamat. Mauna ka nang umalis. Baka hinahanap ka na sa inyo. Thank you."

Tumango lamang siya at naglakad na palabas. Habang ako naman ay naglakad na pabalik sa loob ng kwarto at kinuha ang heels kong nasa gilid ng kama.

Agad ko itong sinuot at inayos ang sarili. Nang maayos ko na ang sarili ko ay lumabas na ako sa private room at kinuha ang gamit ko sa may mesa ko bago naglakad palabas ng opisina.

Nang makalabas sa kompanya ay nginitian ako ng guard doon. Ngumiti na lamang ako pabalik bago sumakay sa kotse ko.

Pinaharurot ko iyon papunta sa bahay ko. Mabagal akong naglakad papasok ng bahay ko noong makarating ako.

Kumain lang ako ng kaunti para sa dinner at agad kinuha ang laptop ko para magcheck kung may mga emails bang kailangan kong sagutin.

Habang nagchecheck ng mga emails ay tumunog ang cellphone ko na nasa tabi lang ng laptop ko.

"Hello? Chrystaline?"

"Maam, good evening po. Tumawag po sa akin si Mr. Lopez, tinatanong niya po kung pwede niyo daw ba siyang samahan sa Tagaytay bukas."

"Oh sure. Sabihin mo may dadaanan lang ako sa company bukas ng umaga tapos susunod na lang ako sa Tagaytay okay? Paunahin mo na siya doon."

"Sige po, Maam. Pero po, hinihingi niya po ang number niyo para raw ho may contact siya sa inyo. Ibibigay ko po ba?"

"Ganun ba? Sige. Thank you for informing me Chrystaline."

"Sige po maam."

Pinatay ko rin ang tawag matapos makausap si Chrystaline. Muli kong tinuon ang mata ko sa laptop at nagbasa ulit ng mga emails.

Bigla akong napatigil nang maalala ang sinabi ni Chrystaline. Hinihingi ni Kai ang number ko? Hindi ba't may number naman ako sa kanya dahil sa bet namin noon? Binura niya ba yun? Ganun na ba talaga niya kagustong iwasan ako at pati cellphone number ko ay binura niya?

Napailing na lang ako dahil ramdam ko ang pagkirot ng dibdib ko dahil sa mga naiisip ko.

Well, hindi nun magagawang pigilan ako para kulitin siya at hintaying bumigay sa mga pangungulit ko. Kahit naman kumikirot ang dibdib ko dahil sa masasakit na salitang natatanggap ko mula sa kanya ay kukulitin ko pa rin siya.

Tingnan natin kung hindi ka bumigay sa pangungulit ko, Kai.

You will fall for me hard, Aldrich Nathan Kai Lopez.

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon