Chapter 35

118 5 0
                                        

Aldrich Nathan Kai POV

Tatlong taon na ang nakakalipas at ito ako, naghihintay pa rin sa pagbabalik niya. Sa loob ng tatlong taon ay hindi ako nagmintis sa pagpapadala ng regalo sa kanya pero kahit isa doon ay walang pangalan ko.

Hindi ko alam kung nalaman ba niya na sa akin galing ang mga regalo. Umaasa akong sa pagbabalik niya ay ako pa rin ang mahal niya.

"Hoy tol!"

Sinamaan ko naman ng tingin si Blake na bigla bigla na lang sumusulpot dito sa opisina ko.

"Ano bang kailangan mo? Langyang to. Nanggugulat pa."

"Kanina pa ako tumatalak dito tol tapos ikaw nakatulala ka lang dyan. Langya naman."

"Oh ano ba yun?!"

"Sabi ko game ka ba mamaya? Bar tayo mamaya."

Napailing naman ako sa sinabi niya. Itong walangyang to tatlong taon na ang lumipas puro bar pa rin at babae ang nasa isip.

"Ayoko."

"Tol naman. Tatlong taon ka nang ganyan. Papasok dito sa kompanya niyo tapos uuwi ng bahay mo. Langya. Sobrang yaman mo na tol. Magpahinga ka naman. Magsaya ka naman uy."

"Ayoko nga. Kung gusto mo ikaw na lang."

"Ay nako. Ewan ko sayo. Bahala ka nga."

Umiling na lang ako dahil umalis na ito. Bumalik na ako sa pagtatrabaho ko. Masyado akong maraming ginagawa para sumama kay Blake.

Maya maya pa ay tumunog ang cellphone kong nasa ibabaw lang din ng mesa.

Si Luke pala tumatawag.  Sa loob ng tatlong taon, lagi kong tinatanong kay Luke kung anong nangyayari o ginagawa ni Cassandra.

"Hello?"

"Nagtatrabaho ka na naman ba Aldrich Nathan?"

"Malamang naman Luke. Saan pa ba ako pupunta?"

"Langya talaga. Mayaman ka na masyado tol. Pinaghahandaan mo naman ata masyado ang future mo."

"Correction tol. Future namin ni Cassandra."

"Siguro ka bang sasagutin ka ng isang yun kapag bumalik kami dyan?"

"Syempre naman."

"Nga pala,tol. Sa isang araw punta ka ng airport ha?"

Napatigil naman ako sa pagpirma ng papeles noong narinig ko ang sinabi niya. Nabuhay ang katawang tao ko dahil doon.

"Uuwi na ba kayo?"

"Hindi. Pinapunta lang kita dun."

"Fuckyou."

Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya kaya lalo akong nainis.

"Oo tol. Uuwi na kami sa isang araw. At ikaw sana ang sumundo sa amin."

"Anong oras ba?"

"Three in the afternoon."

"Okay. "

"Ikaw, kunwari ka pa. Excited ka lang para sa isang araw dahil makikita mo si Max."

"Syempre naman. Gago ka ba? Tatlong taon ko ring hinintay yung pagbabalik niyo. Gusto ko na siyang makausap. Tatlong taon na ang lumipas pero ito pa rin ako. Minamahal siya kahit nasa malayo yang pinsan mo."

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon