Chapter 38

127 6 0
                                        

Maxleigh Cassandra POV

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kanina nang humiga ako sa kama pagkapasok ko. Kaya ito ako ngayon at nag-aayos ng sarili para lumabas na at kumain ng dinner dahil kanina pa rin tumutunog ang cellphone ko.

Kanina pa text ng text si Harley na lumabas na raw ako ng kwarto ko dahil kakain na nang dinner.

Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na ako. Naabutan ko sila sa may tabing-dagat na nakaupo habang may mesa sa harap nila.

"Oh nandyan ka na pala, Max. Tara na kain na tayo."

Hindi na ako nagulat nang makita ko si Blake at ito ang nag-aya sa akin.

"Bakit ang tagal mo?"

Nilingon ko naman si Harley na nagtatanong habang kumukuha ako ng pagkain ko.

"Nakatulog ako kanina pagkadating natin. Nagising nga lang ako dahil sa tunog ng cellphone ko."

Nakita ko naman ang pagngiwi niya.

"Oh bakit ka nakangiwi dyan?"

"Tama pala ang sinabi ni Nathan na nakatulog ka. Mukhang sinilip ka niya kanina. Akala namin ay hindi siya nagsasabi ng totoo."

"Ganun ba? Hayaan mo na. Kumain na lang tayo."

Matapos kumuha ng pagkain ay naupo naman ako sa isang upuan doon. Napansin ko naman na wala si Kai dito sa pwesto namin. Saan naman kaya nagpunta ang isang yun?

"Luke, nasaan si Nathan?"

Nilingon naman ni Kuya Luke si Blake bago sumagot.

"Potang. Tawagan mo nga. Nakalimutan ko na pinuntahan pala nun si Max sa kwarto niya eh nandito naman na tong isang to. Bilis tawagan mo Blake."

Agad namang kinuha ni Blake ang cellphone niya sa bulsa ng shorts niya at tinawagan si Kai.

"Hello?"

"Nasaan ka tol? Bumalik ka na dito. Nandito na si Max."

"Sige sige. Bilisan mo."

Yun lang ang narinig kong sinabi ni Blake at binaba na niya ang tawag. Humarap naman siya sa akin.

"Hindi mo ba nakasalubong si Nathan noong papunta ka dito?"

Umiling naman ako sa kaniya.

Nagkibit balikat na lang siya at bumalik sa pagkain. Maya maya pa ay nakita ko si Kai na naglalakad palapit sa pwesto namin.

"Hoy tol. Kumain ka na."

Tumango lang siya kay Blake at kumuha na ng plato.

"Nandito ka na pala."

Kahit hindi siya nakaharap sa akin ay alam kong ako ang kausap niya.

"Hmm. "

"Teka Nathan. Diba pinuntahan mo si Max sa kwarto niya? Bakit hindi kayo nagkasalubong man lang?"

Tanong ni Harley habang nililigpit ang pinagkainan niya. Kita ko namang napatingin si Blake kay Kai.

"Oo nga tol. San ka ba galing? Dapat magkakasalubong kayo ni Max diba?"

"Nauna siguro siyang makapunta dito. May kinuha pa kasi ako sa kwarto ko bago pumunta sa kwarto niya."

Napatango na lang kami dahil sa sinabi niya. Kaya siguro hindi kami nagkasalubong.

Walang umiimik sa aming lahat habang kumakain. Hindi ko mapigilang mapasulyap kay Kai habang kumakain ako.

Nang matapos kaming kumain ay nagligpit kami ng mga pinagkainan namin. Sa paper plate lang naman kami kumain kaya naghanap na lang kami ng basurahan para itapon ito.

Chasing Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon