Chapter 1- UNANG ARAW NG PAGPAPAKALAT NG GANDA

35 0 0
                                    


TEPI POV

Late na ata ako. Patay! First day of school, may record na ako agad. Kasi naman, inabot ng tatlong oras ang paglalagay ko ng fake eyelashes sa mata ko. Pero okay lang, I feel na ang ganda-ganda ko talaga today. 8am ang time ko pero 7:54 nasa bahay parin ako. Gosh! Kailangan ko nang magmadali.

Silip sa salamin.

Teka, ang ganda ko talaga.

Silip again.

Omegesh! This is the real beauty.

While waiting in the kalsada for the masasakyang jeep, Konting retouch muna. Foundation, very red lipstick. Ayan, pwede na for Ms. Daang baku-bako. Wait! I saw something, with my very habang pilik mata. POGI? Nakashades, mohawk ang buhok, maputi, mukhang Gshock ang relo, shiny ang shoes, teka, ang ganda ng pangangatawan, mala? Derek ramsey. Hooottt!

Ayan na, tinatanggal na nya ang salamin.  Eto na. Konti nalang.  Hooo.  Konti pa.



What the heck! It's hipon. HIPOOOONN!

Kasira ng araw, tingin sa relo, Hala ka! 8:05 na. Super late.

Para! Para! Para!

Bakit walang tumitigil, di ba nila makeri ang beauty ko kaya ayaw nilang sumakay ako? O baka naman dahil di nila inaakala na sasakay ang isang kutis-artista sa jeep lang.

Tiwala lang, makakasakay din ako. Kaya lang, kailangan ko munang alamin kung may gwapo sa jeep, bago ako sumakay. Pag wala, wag nalang. Marami pang dadaan.

8:30am. This is not true. Wala pa akong nakikitang gwapo sa jeep. No choice. Titiisin ng ganda ko ang pagtitig ng mga shokoy na lalaki. Sasakay na ako dito sa isang 'to. Kailangan na talaga.

Para! Para!

Yes, tumigil na. Hawi muna ng buhok, MAPANG-AKIT LOOK WITH SOME BEAUTIFUL EYES! O em. Puno na. Di pwede 'to. Kailangan kong sumingit! Kaya ko to! Ayun! Dun kay kuya, alam ko, sa ganda kong 'to.

Lapit kay kuya kahit not so good looking. And vwollaah! Pakita ng cleavage.

Manong! Manong! Para! Para! Bababa na ako, di ko na kaya! Sabi ni kuya.

Oh diba! No human in this world can resist my beauty. Na-mesmerized sila. 

Pero bakit ganun, kala ko ba bababa na si kuya. Bakit sumakay ulit ng jeep? Hmmm?

Ultra deadma!

Yes, this is it! Umandar na ang jeep. Baka may maka-discover sa akin dito at gawin akong commercial model. Ang lakas ng hangin, lugay ang buhok and feel it!  Yeah! Feel it! Hooo! Bumaba na sa mundo ang babaeng tatalo kay Aphrodite, mas maganda pa kay Cristine Reyes.

Then may umepal na girl "Isa pa, ilalabas ko na 'tong gunting at kakalbuhin ko 'to".

Sino kayang pinariringgan nya? Hmmm? Kawawa naman.

8:45am. Ako nalang mag-isa sa jeep. Swerte! Wala ng makagagambala sa aking orasyon. Beauty rest muna, malayo pa kasi. Kuha ang cellphone, then selfie na kunwari natutulog. Then post!

"Tulog muna while waiting na makarating sa school"

After 30 mins.

"Miss, Miss! Saan ka ba? Miss!

Ano ba 'to si Manong driver, ginising ako.

"Ah, sa Cambridge University po!

Naku Ineng, Lumampas ka na! Ang layo muna.



Di pwede to. Sobra na to! Di ko na kaya! Wala akong nagawa kundi lakarin, with my high silver and gold heels. Naglakad ako almost 3 kilometers.

Nasaan na ba ang Cambridge na 'yan. Bakit sobrang layo naman ata! Basta ang sabi ni Mother, kapag nakakita daw ako ng Istar na malaki. Nandun na ako. Mukhang ito na yun. 

"Kalambridge?"



Bakit sabi ni Momi, St. Cambridge? Ano to? Kalambridge? Grrrr! Ang school ng mga poor at mga laging nagpapasa ng promisory note dahil di makapagbayad ng tuition. Ang school ng mga weird at puro lang pangarap.

Letse! Bahala na nga! Kailangan ko ng makarating sa aking klase!

Takbooo!

Nalagay sa gate. . 

NO ID, NO ENTRY



Nakalimutan ko ID ko.

Grrrrrrrrrrrr...

BRIGHT IDEA! Ttinnggg!

Sumingit sa maraming estudyante habang papasok, then TAKBOOOOOO!!


Ow! So this is Kalambridge University! Pang-poor nga at mukhang di bagay ang beauty ko dito.

Searching...

Room A210.

Thank GOD! Andito na ako. Retouch again and katok!

Tok! Tok! Tok!

Oppss! Bukas pala.

Medyo kinakabahan ako.

1...2...3

Bulaga!




Nasaan?  Nasaan sila?

MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon