CARLO POV
Kringggggg!!
Mom wake up, we have to be early for school. I don't want to be late. It's the first day of school.
"What time is it dear?" Mom asked.
It's 4:30am.
"4:30am? Seryoso ka ba? Ang aga pa 'nak! I'm still sleepy."
Moomm!
"Okay! Okay! Fine! Ay jusku ang batang ire! Ay di ko malaman ang mga gustu!"
"Just give me 30 minutes and let's have breakfast" Mom said.
Samantala. .
Yes, tama ka! I'm more responsible than my Mom. She's been like that since nung iniwan kami ni Dad. Nawalan na yata s'ya ng motivation sa buhay. Kaya ako naman, I have to guide her para makabangon s'ya from what happened in the past. Yung dad ko is a very successful businessman. He is the owner of a famous soap brand na pampaputi here sa Philippines. Daming Pinoy so obsessed sa products n'ya.
I grew up with a happy family. Lahat ng gustuhin ko nabibili ko. At the age of 10, mayroon na akong sariling car though di pa pwedeng i-drive coz bawal pa. I got the latest gadgets, every 2 months ako nagpapalit ng mobile phone. Noon pa man, di talaga marunong magluto si Mom, kaya lahat ng kinakain ko is pinapadeliver lang from stores and restos na kilala n'ya. The last time she cooked? Itlog na nga lang nasunog pa. But that's fine. She grew up in a well off family din kasi while my Dad naman because he is very hardworking talaga, nakapagpatayo s'ya ng sarili n'yang business at ayun, kilala na nga sa buong P'nas.
Dahil sa mga nangyari sa buhay ko. My parents got separated. Though, I'm getting the money I deserved from Dad pero since Mom doesn't have any job right now, marami ring nagbago sa buhay ko. From what we eat every day, mga damit, school at iba pa. You know, mahirap lumaki na separated ang parents. I can't remember the last time na tumawag ako ng "Dad".
Okay! I'm ready for school. Today is a wonderful day. My first day of school as a college student.
The school is not so far from us. Malapit lang.
You know the funny thing is I thought it's Cambridge at first. Pero hindi pala. It's Kalambridge University pala. Don't know bakit ganoon ang name.
I arrived at school nang maaga. Ayoko talaga ng nala-late. I hate people na sobrang babagal kumilos at late.
Pagkadating palang sa school, diretso na agad sa gymnasium for an orientation.
I don't know pero ang daming babaeng nakatingin sa akin. Medyo nako-conscious na tuloy ako. May mali yata sa suot ko.
Yes! I am not studying in a well-known and prestigious school. I opted to study here kasi I know the situation of our family. Ako nalang ang mag-aadjust.
And here it goes. . .
"Hi, freshmen ka rin? Pwede magpa-picture?", "Ako rin, please", "Me rin", "Anong favorite food mo?", "Why so gwapo?", "Pwede makuha number mo?"
Nahihilo na ako sa mga babaeng ito
Nang biglang. .
"Ahhhhhhhh!!! Rapppppeeeee!!!
Tumigil ang lahat. Napatingin sa isang babaeng ang baduy ng itsura.
Mukha s'yang kindergarten na minalas sa magulang dahil lahat nalang ng accessories sa katawan ay ikinabit. Saka I thought, nasa school kami. Bakit ang taas ng heels n'ya? Nevermind.
After that, nagbalikan ang mga babaeng ito sa akin.
Maswerte nalang ako nang magsimula na ulit magsalita yung dean namin at sinabing we can go back to our classes na.
Haaayyy! Thank God. The breath of fresh air.
This school is not actually bad. It's actually better than the usual schools I saw in Manila.
The buildings are quite tall. 5 floors per department. Not bad.
The library is not bad as well. Mukhang mapapadalas ako dito.
The cafeteria is big enough to cater around 300 students naman.
Wait, where's my prospectus? Oh there! Okay, and the subjects are very easy pa naman.
Ano nga ulit ang room ko?
Oh yeah, it's Room A210!
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?