Chapter 38 - ANG PAGBIBIRO NG TADHANA

1 0 0
                                    

Sa Miyerkules ang unang araw ng practice nina Tepi at Carlo para sa Mr. and Ms. Science Week. Ngunit dahil na rin sa pressure dahil sa pagkakaroon ng istriktang adviser ay napilitan ang dalawa na mag-usap na magsanay pagkatapos ng kanilang klase. 

Dama pa rin ang pagiging awkward ng dalawa sa isa't isa. Unang lumapit si Carlo kay Tepi upang magbigay ng suhestyon na sa kanila nalang ulit silan mag-practice. Tumanggi si Tepi dahil ayaw na n'yang maulit pang muli ang mga nangyari noong huling bumisita s'ya sa mga ito. Napagkasunduan na lamang ng dalawa na sa isang silid na lamang sa kanilang paaralan. Mukhang malakas naman daw si Mrs. Waka waka sa school kaya naman naisipan nilang humingi nalang ng tulong dito. Agad naan silang pinayagan kaya pagkatapos na pagkatapos ng klase ay dumiretso ang dalawa sa silid na kanilang gagamitin. 

Tulad ng inaasahan, nauna na naman si Carlo dahil umubos na naman ng oras si Tepi sa pag-aayos sa sarili. Para bang ayaw na ayaw nitong mapapansin ng ibang tao na may kulang sa make up o sa kung anong inilalagay sa kanyang mukha. 

"Ahhh?? Nauna ka na pala. Ba-bakit ba ang aga mo palagi? Nakakagulat ka naman." tanong ni Tepi. 

Hindi sumagot ang binata bagkus ay tinitigan nang matagal ang dalaga. 

Tahimik na noon sa buong paaralan dahil halos wala nang mga tao. Malapit na ring dumilim. Mga ilang minuto ring nagtitigan ang dalawa. Tumutulo na ang pawis ni Tepi dahil hindi n'ya alam kung paano n'ya iiwasan ang mga tingin na iyon. 

Ibinaba nito ang kanyang bag at niyaya ang binata na magsimula na ngunit til hindi natitinag ang binata sa pagtingin sa kanya. Doon na siya nagsimulang tapik tapikin ang kanyang mukha at tignan kung baka may dumi o hindi pantay ang pagkakaguhit n'ya sa kanyang kilay o napakapal ba ang kanyang lipstick. 

Ngunit hindi pa rin nagpatinag ang binata. 

"Uhmm?? Medyo dumidilim na kasi. P-pwede ba na kalimutan na muna natin ang mga nangyari noong nakaraan at tapusin nalang natin ang practice ngayong hapon? Kasi a--"

Dito na hinila ng binata ang dalaga. Halos magkadikit na ang kanilang mga mukha. 

Tulad ng inaasahan. Para na namang nagma-marathon ang puso ni Tepi na hindi malaman kung ano ang kanyang magiging reaksyon.

Ipinulupot ng binata ang kanyang mga braso sa baywang ni Tepi at hinila palapit sa kanya hanggang sa magkadikit na ang kanilang katawan. Si Tepi naman ay parang manikang nawalan na nang kakayahang gumalaw. 

Isa na namang malalim at makahulugang pagtingin mula kay Carlo. Hindi na gumagalaw ang katawan ni Tepi. 

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi n'ya namalayan na ang mga labi ng binata ay nakalapat na sa kanyang labi. 

Nanlaki na ang kanyang mga mata. Tila isang eksena sa kanyang paboritong k-drama. 

Isang pakiramdam na muli na naman n'yang natikman. Matagal na halik ngunit bakit tila hindi s'ya pumipiglas. 

"Tepi! Tepi! Gising!" sabi nito sa kanyang sarili. 

Ngunit sa higpit na rin ng pagkakayapakap ng binata ay wala na siyang nagawa. Hanggang sa dahan dahan nang lumayo ang mga labi nito kay Tepi. 

 "You're mine. Akin ka lang. Wag ka nang titingin sa iba." 

At isa na namang matagal na katahimikan. 

Puno ng pagkabigla.  

Hindi inaasahan. 

Nang may biglang lumagapak mula sa labas. 

Katulad nang palaging nangyayari sa mga palabas. Aksidenteng nai-lock ang pinto sa pag-aakala na wala nang tao sa loob dahil na rin sa katahimikan. 

MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon