Sa pag-aakala ng mga katutubo na magkasintahan ang dalawa ay agad na hinila ng mga ito ang dalawa upang magkatabi ito.
Hindi maipinta ang mukha ng dalawa.
Napahawak na lamang si Tepi sa maputing dibdib ni Carlo. Para itong lumiwanag sa pagtama ng sikat ng araw.
"Nakakaloka, nakakasilaw naman 'to! Anong gamit mong sabon?" tanong ni Tepi.
"What do you mean?" tanong ng binata.
"Kaloka talaga! What do you mean? Uulitin ko po, ano pong gamit n'yong sabon, in English, what do you, what do you, what your soap ba?" sagot ni Tepi.
Napangiti na lamang si Carlo sa mga narinig.
"Just a normal soap."
Parang gumuho ang mundo ni Tepi.
"A. .ano? Normal soap? E ako halos ikudkod ko na yung sabon sa balat ko hindi naman ako pumuti ng ganyan." sagot ni Tepi.
"Iba talaga kapag mayaman. Hindi na kailangan paghirapan pa ang mga ganitong bagay." dagdag nito.
Lumapit ang pinuno ng pangkat, si Ka Kanor.
"Maligayang pagdating dito sa aming kabayanan. Hindi na bago sa amin ang mga dayuhang bumibisita. Nawa ay maging masaya kayo sa pamamalagi dito." sambit nito.
Agad na pumwesto ang mga kababaihan sa kanilang harapan at umindayog sa kanilang katutubong sayaw.
Tuwang tuwa si Carlo sa kanyang mga nakikita samantalang kanina pa tapik ng tapik si Tepi sa kanyang katawan na hindi n'ya maintindihan kung bakit tila lahat ng lamok ay sa kanya lumalapit.
Takang taka s'ya na parang kahit isa ay walang dumapo kay Carlo kahit na kung tutuusin ay mukhang mas malapit sa mga lamok ang ganoong kutis.
"Ah so pag mayaman, may instant mosquito repellant ang balat? Bongga!" sabi nito.
Maririnig na rin ang mga matatandang babae at lalaki na umaawit sa kanilang katutubong wika. Kahit na mainit ay paunti-unti na ring nakakatuwaan na panoorin ni Tepi ang mga ito lalo na nang magsimula nang sumayaw ang mga maliliit na bata.
Kitang kita sa mga mukha nito ang kasiyahang ngayon lang nakita ni Tepi. Nakapagtatakang ganito sila kasaya kahit na napakasimple lang naman ng kanilang buhay.
Hanggang wala na siyang nagawa dahil hinila na ng isang bata ang kanyang kamay na pagyayaya na sumama sa kanila. Isinunod naman ng mga ito si Carlo.
Alam ni Tepi na maganda s'ya pero alam din n'yang hindi s'ya marunong sumayaw.
Kaya parang balugang nakakawala ito sa kulungan nang magsimulang sumayaw. Biglang nahiya ang mga katutubo sa kanilang nakita at nagtawananan na lamang. Alam nilang paunti-unti nang nakararamdam ng kasiyahan si Tepi.
Samantalang hindi na rin mapigilan ni Clark na matuwa sa kanyang mga nakita.
At habang pinagmamasdan n'ya ang parang luka-lukang sumasayaw na si Tepi ay parang may kung ano s'yang naramdaman na pinilit nalang n'yang wag pansinin.
Habang tila nasa isang disco bar na sumasayaw si Tepi ay biglang naglabas ang mga kalalakihan ng mga dahon ng saging.
Biglang natigilan si Tepi.
"Wait! Wait! Ito na ba yun? Ito na ba yung ibabalot nila kami sa dahon ng saging at saka susunugin para kainin. Ganito! Ganitong ganito ang mga napanood ko. Tatakbo na ba ako?" sambit nito.
Ipinikit nito ang kanyang mga mata.
Dito na ibinaba ng mga kalalakihan ang mga dahon sa isang lamesa. Sumunod na ang iba pang mga kababaihan na may kanya-kanyang dalang pagkain.
Dito na iminulat ni Tepi ang kanyang mga mata nang makaamoy s'ya ng pagkain.
"Omaygad! Ito na ba ang mga sangkap nila sa gagawing pagluluto sa amin?"
Nanlaki ang kanyang mga mata.
Unti-unting sumambulat sa kanya ang mga masasarap na pagkain.
Biglang kumalam ang kanyang sikmura.
Napatingin na lamang si Carlo sa kanya.
"Halikayo! Ating pagsaluhan ang mga pagkaing ito na biyaya ng itaas!" pagyayaya ni Ka Kanor.
Walang pagdadalawang isip na lumapit si Carlo. Agad itong naupo kasama ang mga katutubo samantalang kanina pang hinihigit ng mga bata si Tepi.
"Wait! Wait lang! Huhu! Nakakain ba talaga 'yan? Hindi ba katawan ng tao 'yan? Gagawin n'yo na ba kaming mga kanibal?" pagbulong nito.
Muling kumalam ang kanyang sikmura.
"Okay fine! Tikim lang. Kanibal na kung kanibal!"
Lumapit ito sa pinagsasaluhang pagkain ng mga katutubo. Tiningnan muna ang lahat bago nanginginig na hinawakan ang nakahaing pagkain.
"Magiging isang kanibal na ba talaga ako?"
Bigla n'yang naalala ang mga pinanood na pelikula na pilit pinakakain ng katawan ng tao ang kapwa taong bihag ng mga di kilalang pangkat.
Kahit na halos masuka dahil sa kanyang iniisip ay nilakasan na lamang n'ya ang kanyang loob at sinunod ang pangangailangan ng kanyang sikmura.
Pagkasubo ng pagkain ay bigla s'yang natigilan. Natigilan rin ang mga kasabay n'yang kumain at napatingin na lamang sa kanya.
Dahan-dahan n'yang nginuya ang pagkain. At nilunok ito.
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan.
Napangiti na lang si Tepi.
"Ang sarap!!" sigaw nito.
At parang patay gutom na sumabay kumain. Halos maubos na n'ya pati ang dahon ng saging na pinatungan ng pagkain.
"It tastes like a human body!" pang-aasar ni Carlo.
Nanlaki ang matang tumingin kay Carlo ang punong-puno ang bibig na si Tepi.
"I'm just kidding!"
Kahit na hindi pa nito nangunguya nang maayos ay nilunok na lang ni Tepi nang buo ang kanyang kinakain.
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?