Isa na namang makulit na paglalaro ng tadhana.
Binalak ng dalawa na bumalik ngunit tila hinawi nang muli ang mga damuhang kanilang dinaanan. Nawala na ang bakas na sinundan ni Carlo.
"Paano na tayo uuwi na 'to?" tanong ni Tepi.
"Don't tell me, you're going to blame it on me again!" sagot ni Carlo.
Mula sa di kalayuan ay may lumapit na lalaking nakasuot ng bahag.
Pagharap ng dalawa ay nagulat sila dahil nakatayo lang ang lalaki at nakatitig sa kanila na walang sinasambit na anumang salita.
Mga limang minuto ring silang nagtitigan. Walang nagsasalita. Hanggang,
"Halikayo!" pagyaya ng lalaki.
Biglang naalala ni Tepi ang mga napanood n'yang pelikula kung saan may mga turistang naligaw sa kagubatan at pinagpiyestahan ang mga lamang loob ng mga di makilalang nilalang.
Dahil dito tila hindi na makahinga si Tepi nang magyaya ang lalaki na sumunod sa kanya.
"Let's go!" sabi ni Carlo.
"Wait! Wait! Sure ka ba? Baka. . baka. ."
"He said that we should follow him!"
"Pero. . pero. . "
"No, pero. Tara na!"
At lumakad na si Carlo at sumunod sa lalaki hanggang sa napansin n'ya na wala na s'yang kasunod sa likuran.
Paglingon n'ya ay nakita n'ya ang kanina pang paikot-ikot na si Tepi. Napangiti nalang s'ya at sumigaw nang,
"There's a snake!"
At parang palakang nagtatakbo si Tepi papalapit sa kanya.
"Nasaan? Nasaan?" tanong ni Tepi.
"Just come with us! Mukha namang di nila tayo sasaktan. They seem to be nice!" sabi ni Carlo.
At wala na namang nagawa si Tepi kundi sumunod. Nanginginig ang katawan nitong lumakad at palingon-lingon sa paligid at baka may ahas na biglang sumakmal sa kanya.
Pagkarating ng mga ito sa kalagitnaan ng komunidad ay biglang naglapitan ang mga tao sa kanila.
"Wait! Wait! Eto na! Eto na! Kakainin na nila ang lamang loob natin!"
"Hey stop!" sabi ni Carlo.
"Pero ganito yung mga napapanood ko sa mga pelikula. Ganitong ganito. Mamaya sasaksakin na tayo tapos tatanggalan tayo ng lamang loob tapos hahati-hatiin ang katawan natin at ipapamigay kung kanino, tapos ilalagay sa banga kapag hindi pa nila kakainin kasi aasinan muna para ma-preserve tapos tapos. . "
Natigilan na lang si Tepi nang mapansin na nakatingin lang sa kanya ang lahat. Nang biglang,
"Hahahaha!" at nagtawanan ang lahat.
Nanlaki ang mga mata ni Tepi.
"Iha! Sino ba sa atin ang dapat katakutan?" tanong ng isang matanda.
"Oo nga, hindi ba mas nakakatakot ang mga sinasabi mo. Mabait kami at hindi kami kumakain ng tao gaya ng iniisip ng iba. Tao din kami. Kami ang maituturing na purong Pilipino" sagot ng isa.
"Oh diba! Sabi sa'yo, okay naman sila!" sagot ni Carlo.
"Mabuti ka pa iho, may matuwid na pag-iisip. Halikayo at ipapakilala namin ang katutubong aeta sa inyong mga dayo sa aming lugar. Baka mamaya hindi n'yo na gustuhing umuwi pa."
Hinigit ng dalawang babae si Tepi at ng dalawang lalaki si Carlo at magkahiwalay na dinala sa isang tahanan.
Pagkarating sa bahay, ay masayang sinalubong ng mga batang Aeta si Carlo at binigyan ng pinagdikit-dikit na bulaklak ng santan na kanilang ginawa kanina habang nasa palaruan.
Agad namang inutusan ng ina ang nakatatandang lalaki na pumunta sa pamilihan at bumili ng maluluto para sa isang salu-salo.
Napangiti nalang si Carlo dahil sa hindi n'ya maintindihan ang dayalektong ginagamit ng mga ito.
Samantala, sa kabilang bahay ay hindi pa rin tumitigil si Tepi sa pag-iyak sa kadahilanang hindi matanggal sa isip n'ya ang mga posibilidad na baka ito na ang huling araw ng kanyang buhay. Isa-isa na n'yang dinasalan ang mga santong kanyang sinasamba.
Nakangiti ang mga kababaihang nagdala kay Tepi sa isang maliit na barong-barong. Nakapikit pa rin si Tepi dahil sa takot.
"Iha! Ika'y huminahon dahil wala kaming gagawin sa 'yo. Sino ba ang nagturo sa iyo na katakutan ang mga tulad namin. Tao rin kami, iba lamang talaga ang itsura sa inyo. Pero ito ay aming ipinagmamalaki dahil ito ang aming pagkakakilanlan."
Hindi maintindihan ni Tepi kung kaya ba s'ya natigilan sa pag-iyak ay dahil sa mahinahong boses ng matanda o dahil masyadong malalim ang mga ginamit nitong salita sa tagalog.
Nang nilingon nito ang paligid. Nagulat s'ya na ang inakala n'yang mga sinaunang tao ay nakatira sa normal na bahay na nakikita n'ya sa siyudad. Bukod dito ay tahimik at malinis ang lugar. Malayong-malayo sa idinikta ng kanyang imahinasyon.
Isa pang kanyang ikinagulat nang biglang may tunog s'yang narinig na pamilyar na pamilyar.
Pagtingin n'ya sa loob ng bahay ay may telebisyon.
"Ay! Kaloka! Bongga naman pala ang mga ito! May TV. At infairness, flat screen!" sabi nito sa kanyang isip.
Bigalang huminahon ang kanyang pakiramdam.
"Iha, maghubad ka na!" sabi ng isang babae.
At bigla na namang nanlaki ang mga mata nito.
"Ah. . ah mag. . maghubad po?" tanong ni Tepi.
"Oo iha! Maghubad. O gusto mo bang kami na?"
"Ah hi. . hi. . hindi na po. Ako . . ako nalang po. Wag na po kayong mag-alala!"
At kahit na labis ang takot ay hinubad pa rin ni Tepi ang kanyang kasuotan nang nakapikit habang halos napapangiti na lamang ang mga kababaihan na nakapaligid sa kanya.
Hindi na n'ya iminulat pa ang kanyang mga mata hanggang sa maramdaman na lamang n'ya ang iba't ibang telang kumakapit sa kanyang katawan at mga magagaspang na kamay ng mga kababaihan na halatang sanay na sanay sa mga gawaing mabibigat.
Habang s'ya ay binibihisan ay patuloy pa rin ang mga imahinasyon niya na baka kaya siya pinapalitan ng damit ay upang maya-maya ay ihain na para kainin.
Pagkatapos s'yang bihisan ay biglang tumahimik ang paligid.
Bigla na lamang s'yang inakay ng dalawang babae palabas dahil hindi pa rin nito iminumulat ang kanyang mga mata.
Marahan na mga paglalakad.
Kumakabog ang dibdib.
Tila isang araw na akala n'ya ay huling pagkakataon na n'yang huminga.
Mga ilang hakbang pa at binitawan na s'ya ng mga kababaihan.
Nang oras na 'yun ay sobra na s'yang na-curious kung ano na ba ng nangyayari.
Dahan-dahan n'yang iminulat ang kanyang mga mata.
Kanyang napagmasdan ang napakakisig na katawan ni Carlo na balot ng katutubong kasuotang aeta at parang kumikislap ang katawan nang tinamaan ng araw. Parang hinubog ang katawan nito na nagpanganga sa kanya at unti-unting tumulo ang kanyang laway.
Doon na lang n'ya napansin na ang kasuotang dumampi sa kanyang balat kanina ay isa palang magandang katutubong kasuotan.
At napabuntong-hininga na lamang s'ya.
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?