TEPI POV
"Halika Tepi, pasok ka!" sabi lang naman ng dating asawa ng may-ari ng pinakapaborito kong sabong pampaputi.
Pinilit ko nalang paniwalain ang sarili ko na isa lang 'tong masamang araw.
Pero ang tanong, paano ako uuwi mamaya? Singkwenta nalang ang pera ko. Saang bulsa naman ni Doraemon ko kukunin yung ipapamasahe ko mamaya.
Maglalakad na naman ba ako? At wala talaga akong kadala-dala. Suot ko na naman itong heels na binili ni Momi sa ukay noong isang linggo.
Ano kayang mangyayari ngayon? May matapos kaya kami ng mokong na iyon?
"Halika, maupo ka muna dito at ipaghahanda ko kayo ng makakain ni Carlo. Nag-breakfast ka na ba?" tanong ni Mommy Ganda.
Sasagot sana ako ng kumain na ako dahil nahihiya ako pero hindi na naman nakisama ang katawan ko kumalam na naman ng kusa.
"Oh wag ka na tumanggi. Sumagot na mag-isa ang t'yan mo. Relax ka lang dyan. Pababa na rin siguro si Carlo." sabi nito.
Grabe talaga yung bahay na 'to. Parang ni sa panaginip hindi ko maiisip na titira ako sa ganitong bahay. Pero hindi pa rin talaga malinaw sa akin kung bakit doon nag-aaral ang mokong na ito. Ano yun? Napatalsik s'ya ng school n'ya dati at ngayon ang Kalambridge nalang ang tumanggap sa kanya? Kaloka. Parang hindi naman ganoon. Parang mas malaki pa ang tyansa na ako ang mapatalsik kaysa sa kanya.
Sana all mayaman talaga!
Iba din ang trip ng mga mayaman.
Parang nawala lahat ng problema ko ngayong araw nang makita ko na naman 'tong bahay nila.
Teka, nasaan ba yung salamin? Baka mukha na akong pulubi dito. Kailangan kong i-check.
Ay! Taray! Bongga talaga! Kasing laki ko ang salamin. Pose pose muna si Momshie n'yo!
Ay wait! Maganda 'tong pang-story. Maraming bitter sa buhay na naman ang maiintriga sa akin.
Sige, picture picture! Pak! Pose! Aura! Laban! Aw!
Ismayl, taas kilay, istap ismayl then pak! Model look!
Natigilan ako sa isang di inaasahang pagkakataon. Halos mahulog ko ang teleponong hawak buti nalang at nasalo ko agad. Di pa ito tapos hulugan ni Momi sa bumbay.
Anong nakita ko?
Nanlaki ang mga mata ko. Para na naman akong naging estatwa.
Ano 'yan? Bakit nandito na s'ya? Bakit s'ya? Bakit? S'ya? Hubo't hubad?
Tepi takpan mo ang mga mata mo! Bilis!
Pero hindi ko maintidihan kung bakit parang hindi gumagalaw ang mga kamay ko.
Dahan-dahan akong humarap dahil nakita na n'yang nakatingin ako sa kanya sa harap ng salamin.
"Ahhhhhhh!"
At napasigaw na naman ako. Hindi ko na naman napigilan ang walang prenong bibig ko.
"Bakit ka ganyan? Bakit ka naglalakad na naka-brief lang? Ano 'to may fashion show ba dito? Bakit di naman ako na-inform? Ano akala mo sa akin? Babaeng basta basta lang? Hindi mo ba naiisip na mali 'yan? Malaswa 'yan? Anong gagawin mo pagkatapos? Pagsasamantalahan mo ako? Paano na ang bataan? Paano na ang kinabukasan ng aming pamilya? Sino na ang magtataguyod sa aking mga magulang sa hinaharap kung mabubuntis ako nang maaga? Paano na. . ."
At natigilan na lang ako nang pumamewang na ang lalaking nasa harapan ko.
"Are you done?" sabi nito.
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?