Chapter 24 - ANG MAPAGLARONG TADHANA

1 0 0
                                    

Bigla nalang na-realized ng dalawa na naligaw na pala sila. Hindi na pamilyar ang lugar.

Hindi rin nakikisama ang pagkakataon dahil sa hindi malamang dahilan ay nabutas ang isang gulong sa likuran ng sasakyan at walang dalang pamalit si Carlo.

"What??!"

Ang tanging nabanggit ni Carlo pagkatapos makita ang problema.

Samantalang si Tepi ay kanina pang nangangatog sa takot dahil medyo madilim na ang paligid at walang masyadong kabahayan.

Pagkatapos nun ay bigla na lamang bumagsak ang malakas na ulan at wala nang nagawa ang dalawa kundi ang pumasok sa loob ng sasakyan.

"Anong nangyari?" tanong ni Tepi.

"It's your fault, don't ask me!"

"Ako? E ikaw ang nagmamaneho! Oh C'mon!" napangiti nalang din si Tepi at nakasabay s'ya sa pag-iingles ni Carlo.

"Ano nang gagawin natin? Baka nag-aalala na si Momi. Wait, tatawag pala ako!"

Kinuha ni Tepi ang telepono mula sa kanyang bag. Ngunit,

"Ha? Dead bat na? Haay! Kung bakit ba kasi fake yung binili kong battery!"

"Pag kasama talaga kita lagi akong minamalas!" pabulong na sabi nito.

"What did you just said?" tanong ni Carlo.

"Ah wala! Wala! Sabi ko pahiram ng telepono, tatawag lang ako sa amin!"

Agad namang kinuha ni Carlo ang telepono.

"Uhm, here! There's no signal dito!"

Nanlaki na lang ang mga mata ni Tepi at hindi na napigilang umiyak. Parang sanggol na pinagkaitan ng gatas.

Pinabayaan na lang ni Carlo na umiyak ito at nagpanggap na lamang na matutulog.

"Uy! So ganon na lang? Tutulugan mo nalang ako? Hindi ka ba naaawa sa akin?"

Nagpatuloy sa pagpapanggap si Carlo.

"Huyy! Wag ka namang ganyan natatakot ako!"

"Then what should we do? Mukhang hindi na titila 'yang ulan na 'yan and isa pa, wala akong reserbang tires!" sagot ni Carlo.

"Kasalanan mo 'to! Kasi naman kung hindi mo ako niyaya-yaya na sumakay dito edi sana mag-isa ka nalang dito, hindi na ako nagtitiis nang ganito?"

"What?!"

Bigla nalang tumulong muli ang mga luha ni Tepi.

"Si Momi. Panigurado alalang-alala na 'yun. Baka kung nasaan na yun ngayon at naghahanap sa akin. Kasi naman! Bakit ba kasi ang malas malas ko." sabi ni Tepi na humahagulhol na sa pag-iyak.

Walang reaksyon si Carlo at nakatingin na lang diretso sa labas ng sasakyan.

"Ah bahala ka d'yan, lalabas ako at mag-aabang baka may dumaang sasakyan!"

At hindi na pinigilan pa ni Carlo si Tepi at mukhang wala na rin naman ito sa katinuan. Hindi n'ya maintindihan kung bakit parang hindi ito mapakali kapag kasama s'ya.

Lahat ng babae ngayon ay nagkakagulo na para sa kanya pero itong si Tepi ay parang hindi naman tinatalaban kahit kaunti.

Lumabas si Tepi kahit na sobrang lakas ng ulan at hangin. Agad itong naghanap ng sasakyan. Nagbabakasakali na may dadaan.

Lingid sa kaalaman n'ya na sa lugar na iyon ay walang sasakyan nang dumadaan halos kapag ganoong oras.

Mga tatlumpung minuto ring nag-antay si Tepi. Umaasa na matakasan n'ya ang sitwasyon na tila inihanda ng tadhana.

Si Carlo naman na pabagsak na rin ang mata ay biglang naaninagan ang pabagsak na si Tepi.

Bigla s'yang bumalik sa ulirat at lumabas ng sasakyan kahit na sobrang lakas ng ulan.

Nakahandusay na noon sa kalsada si Tepi na parang inaatake ng hika. Agad n'ya itong binuhat at dinalang pabalik sa sasakyan.

Parang nauubusan ito ng hangin at hindi alam ni Carlo kung ano ang gagawin.

Ang tanging bagay na pumasok sa isip n'ya ay ang luwagan ang lahat ng masikip.

Kahit na labis ang hiya ay isa-isa n'yang tinanggal mula sa pagkakabutones ang damit nito. Parang binalot ng yelo sa pangangatal ang kanyang mga kamay lalo na ng kailangan na n'yang luwagan ang suot na palda ng dalaga.

Pagkatapos noon ay kinuha n'ya ang isa n'yang kwadernong malapad at ipinaypay kay Tepi.

Nang mga oras na 'yun ay nakahinga na s'ya nang malalim at mukhang umaayos na ang pakiramdam nito.

Napagmasdan na lang din ni Carlo ang tahimik na mukha ni Tepi na kailanman ay hindi pa n'ya nakita. Napangiti na lamang s'ya. Tila may binabalak s'yang masama.

Kahit na labis ang antok ay patuloy na binantayan ni Carlo si Tepi kahit na alam n'yang sobrang nag-aalala na ang kanyang ina.

Muli s'yang napangiti nang naalala n'ya ang maraming beses na sinabi ni Tepi na sobrang ganda nito na hindi man lang dinapuan nang kahit konting kahihiyan.

Malalim na ang gabi at sobrang lakas pa rin ng ulan.

Inayos na ni Carlo ng pagkakahiga si Tepi.


Ngunit,

Bigla na lang itong yumakap sa kanya nang sobrang higpit at paulit-ulit na sinasabi ang,

"Sorry, Momi kung maganda ang anak n'yo! Sorry! Sorry talaga!"

Hinayaan na lang ni Carlo ang pagkakayakap nang sobrang higpit ni Tepi hanggang sa unti-unti na muling bumagsak ang talukap ng kanyang mga mata. 

MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon