Natulala. 'Yan na naman ang mababanaag na reaksyon sa mga mukha ni Tepi.
Sino ba namang magulang ang makapag-iisip nang tama kapag nakita ang anak nito na nakaibabaw sa isang babaeng kakikilala lamang nila.
Sobrang lakas ng kabog na naman ng kanyang puso. Bakit palagi nalang itong nangyayari. Ganon na lang ba kalaki ang kasalanan n'ya sa mundo para palagi nalang s'yang magmukhang masama sa mga tao.
Kung ano-ano na ang pumapasok sa kanyang isip ngunit matatag paring nakatayo ang ina ni Carlo habang pinagmamasdan silang dalawa na pilit inihihiwalay ang sarili sa isa't isa.
Walang imik na tinulungan ng ina ni Carlo ang lasing na binata habang hindi alam ni Tepi kung paano magpapaliwanag na isang aksidente lamang ang lahat.
Hanggang. .
"Iha, ipagpaumanhin mo na ang inasal ng aking anak. Hayaan mo at kakausapin ko s'ya bukas." sabi nito.
Hindi na nakasagot si Tepi at tumango na lamang sa sinabi ng ina ni Carlo na alam naman n'yang maunawain pero dahil natural na sa kanya ang maging mapag-isip ay hindi n'ya pa rin mapigilan na kabahan.
Sinubukan n'yang tumulong na buhatin si Carlo pabalik sa kanyang kwarto ngunit ngumiti ang ina nito na sensyales na kaya na n'ya at magpahinga na ito.
Paulit-ulit na binabanggit ng binata nang pabulong, "Please be mine, Tepi. I'm sorry for everything." Nanginginig si Tepi na pinagmamasdang lumalabas ang mag-ina sa kwarto.
Dahan-dahan na lamang siyang bumalik sa kama at nagtalukbong ng kumot. Nagbabakasakaling makatutulog s'ya kaagad.
Hindi na n'ya kinakaya ang mga nagyayari dahil hindi na n'ya ito maintindihan. Kaya kahit na hindi n'ya ugali ay dahan-dahan nang tumutulo sa kanyang mga mata ang mga luha na matagal ring hindi dumaloy.
Mabigat. Ngayon na lang s'ya ulit nakadama ng ganito kabigat na damdamin.
Hindi n'ya inaasahan na ganito magiging kabilis ang pagtatapat ni Carlo na kilalang tahimik.
Nakalimutan na n'ya ang kanyang itsura na parang multong tumutulo na ang inilagay na kolorete sa mata.
Natapos ang buong magdamag na tumatangis lamang ang dating masayahin na si Tepi.
"Ano ba naman po 'to Lord, hindi ko po maintindihan."
Masaya talaga ang magmahal pero minsan hindi mo talaga ito maiintindihan. Isang bagay na kailanman walang nakakuha ng tama, perpekto, sapat na sapat, walang kulang.
Kinabukasan. .
Hirap na imulat ni Tepi ang matang pugto na dahil sa halos magdamag n'yang pagluha kagabi. Halos dalawang oras lamang ang kanyang naging tulog kaya naman nanlalambot at tila walang lakas ang dalaga. Dumagdag pa ang kaba kung paano n'ya haharapin si Carlo at ang ina nito.
Parang gusto na lang n'yang kainin s'ya ng lupa. Bagay na lubhang nagpapahina sa kanyang dating sobrang lakas na loob.
Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip ay may kumatok sa pintuan. Hindi n'ya alam kung bubuksan n'ya ba ito o magpapanggap na lamang s'yang tulog pa.
Ngunit patuloy lamang ang pagkatok na parang hindi na yata matatapos. Ganon na rin ang kanyang kaba na parang magiging panghabambuhay na.
Gayunpaman, tumayo pa rin s'ya para pagbuksan ito ng pinto.
"Hoo! Tepi! Kaya mo 'to! Tama na ang pagdadrama! Hindi bagay sa beauty natin. Maganda ka pa naman pag bagong gising." sinasabi n'ya sa kanyang sarili habang paulit-ulit ring kumukulo ang kanyang tiyan sa gutom.
Nanginginig n'yang binuksan ang pinto. "Okay, one . . two. . threeee!"
At mabilis na n'yang binuksan ang pinto at ngumiti para itago ang kabang nararamdaman.
Pero. .
Nagulat ang kumakatok sa kanyang itsura. Nakalimutan n'yang tumulo nga pala sa kanyang mukha ang eyeliner na halos maubos na sa itim ng kanyang mata.
Nanlaki ang mga mata ng binatang nagbukas ng pinto.
At nagkatitigan ang dalawa. Habang hawak ni Carlo ang almusal na kanyang ibibigay sa dalaga. Walang makapagsalita.
Mga ilang minuto pa ang lumipas ngunit hindi na mapigilan ni Carlo na matawa sa itsura ni Tepi na akala mo ay may gaganapang multo sa isang play.
"Hmm!"
May pagtatanong sa mukha ni Tepi. Bakit bigla na lamang ngumiti ang binata.
"Ahh may problema ba?" mahinang tanong ni Tepi na akala mo ay birhen na birhen.
At kahit na halatang-halata na nagpipigil ng tawa ay marahan na lamang inabot ni Carlo ang hawak na almusal.
"My mom invites you to eat downstairs but here's the food in case you prefer to eat here." sabi ni Carlo na marahan na inabot kay Tepi pagkain.
Ngunit, dahil kilalang mapagpanggap si Tepi at upang isipin nito na parang walang nangyari,
"Ah hindi. Sasabay na ako sa inyo. Nakakahiya naman sa Mom mo para makauwi na rin ako after." sagot nito.
Nagkakahiyaan pa ang dalawa. Parang mga batang palihim na nagtatalo kung sino ang mauunang maglakad.
Pagdating sa baba,
Makikita na naman ang mga pagkaing akala mo ay may okasyon.
"Come here, Iha! I'm happy na gusto mong sumabay sa amin. Don't worry, ihahatid na kita after nating kumain." sabi ng ina ni Carlo na mukha namang masaya ng araw na 'yun.
"Ah. . ah. salamat po, Tita! Ah. . Oo naman po! Kayo pa po ba! Hehe." sabi ni Tepi na medyo naiilang pa rin.
"Feel at home as always. Inihanda ko 'yan lahat for you! Pasensya ka na medyo tinanghali kasi ako ng gising kaya ito lang muna sa ngayon!:" sabi nito.
"Ah. . salamat po. Ganito po pala ang konti sa inyo. Hehe. Isang linggong ulam na po namin ito."
At nagpanggap na lamang na parang walang nangyari kagabi ang lahat.
Kunwaring marahang kumakain si Tepi ngunit hindi talaga nakikisama ang kanyang sikmura na tatllong beses pa ngang nagparamdam sa mga kasamang kumakain.
"Wag ka nang mahiya iha! Kain lang!" sabi ng ina ni Carlo.
"Ah okay po, Tita!" at para na namang isang aso na isang linggong hindi pinakain si Tepi.
Nakangiti lamang ang ina ni Carlo na pinagmamasdan ito na sarap na sarap sa kanyang mga niluto.
Samantala,
Tahimik lamang na kumakain si Carlo. Tila hiyang hiya at palihim na tumitingin kay Tepi.
Pero talagang kahit parang okay na ang lahat ay madalas talagang hindi nakikisama ang pagkakataon.
"Uhm, mga anak! Mukhang bago tayo maghiwa-hiwalay ngayong araw ay may kailangan tayong pag-usapan!" maramhang sabi ng ina ni Carlo.
Para na namang kabayong bumilis sa tibok ang puso ni Tepi.
"Patay!"
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?