TEPI POV
Okay, Tepi! Relax! This day is going to be a good one. Walang makasisira sa araw na 'to! Ikaw pa rin 'yan, ang nag-iisang dyosa ng Kalambridge University.
"Para! Para!"
Teka! Walang sakay yun ah? Bakit ayaw magpasakay ni Kuya? Anong oras na ba?
"5:37am"
Wait! Totoo ba 'to? Bakit ang aga ko yata ngayon, anong meron? Tepi? Ikaw ba 'yan? Magpapamisa na ba tayo?
(Tingin sa salamin)
At ayos na ayos ka today?
Ganito ba ng epekto ng nakakuha nang mataas na score sa test na halos hinulaan ko lang naman. Ito na ba yung tinatawag na destiny?
Wait, destiny? Kanino? Don't tell me..
Pagkarating sa school. .
"Woah! Tepi! Ang aga mo!" sigaw ni Charles na akala mo ay nakakita nang himala.
"Wait, check ko nga yung calendar ko. New year na ba? Oh October palang, nag-advanced ka ba?" sabi ni Boss Arden.
"Oo nga, naunahan mo si Kino ngayon, panigurado naghihilik pa yun. Saka parang ang blooming mo ngayon, ito ba yung epekto ng nakakuha nang mataas na score sa test ni Mrs. Waka waka o. ." sabi ni Dappy.
Sabay-sabay "Makaka-partner n'ya ang kanyang Destiny!"
"He! Ano 'to? Nag-practice ba kayo para dyan at sabay-sabay kayo? Kaloka. Maaga lang nagkakaganyan na kayo. Bakit bawal ba akong pumasok nang maaga?" sagot ni Tepi.
Medyo nailang ako dahil walang tigil na akong pinag-usapan ng mga kaibigan ko nang mga oras na 'yun. Pilit nila akong binubuyo kay Carlo na makaka-partner ko sa isang lav experiment sa subject ni Mrs. Waka waka.
"Lav?"
Baka lab experiment. Nababaliw na yata ako. Please, pakisampal nga ako. Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Experiment lang naman yun diba? Bakit ako kakabahan?
"Anong oras ba kayo pupunta ni . . ni. . my destiny mo para dun sa love. . este lab experiment?" tanong ni Dappy.
"Anong "My Destiny", shut up Dappy! Kaya rin ako maaga ngayon kasi baka hanapin na ako agad ni Mrs. Waka waka. Nakakatakot pa naman ang kilay nun kapag nagagalit.
"Asus! Palusot pa ang ate girl mo! Amin na kasi, excited kang makasama si Bebe Carlo!" pang-aasar ni Dappy.
"Oo nga. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magiging ganon s'ya. Parang all of a sudden, nag-transform s'ya. Hindi kaya dahil sa nangyari sa café?" tanong ni Charles.
"May punto ka dyan bro. Pero ang bilis naman. Kasi sabi ni Tepi nung Sabado pa raw s'yang ganyan so Friday nangyari yung incident tapos kinabukasan nagbago na s'ya kaagad. Real quick!" dagdag ni Boss Arden.
"Ano pa man ang dahilan alam nating lahat na may kasalanan din tayo sa nangyari, dapat maayos nalang natin s'yang kinausap. Baka tinanggal na 'yan sa trabaho." sabi ni Dappy.
At may narinig akong hindi kaaya-ayang boses mula sa di kalayuan.
"Ms. Lokadayyy! Andyan ka na ba? Excited ka na ba sa lab experiment natin? Kasi ako excited na sa resulta nang experiment, may mabuo kayang. . "
"Yes, Ma'am. Andito na po ako!" sagot ko.
Pinigilan ko na agad ang matabil na dila ni Mrs. Waka waka na umaastang shipper ng isang loveteam.
"Good! Teka! May sakit ka ba ngayon? Bakit parang ang aga mo yata. Ang himala ay nasa puso ng tao! May himala! Hahahaha!" at tumawa nang parang walang katapusan si Ma'am.
"Ma'am, sorry, anong oras po tayo? May klase po kasi kami ng 10am." tanong ko.
"Sandalee! Nagmo-moment pa ako diba? Mamaya ang kuda. Hindi mo alang alam na kagabi ko pa pinag-iisapan ang itatawag ko sa mabubuong experiment na ito."
"Ah, so hindi n'yo pa po alam ang gagawin namin, Ma'am?"
"Ano kayang magandang itawag? Telo? Carpi? Boom! May naisip na ako! Lote! Parang lotte world! Bongga!"
"Ma'am, ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong ko.
"Mukhang pag-uusapan 'to ng mga estudyanteng walang alam sa sa buhay kundi ang makialam sa buhay ng iba. Nakikita ko na, magiging talk of the town ito. Isa na namang usapan ang aking masisimulan!"
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" tanong kong muli.
"Excited na ako! Ngayon na lang ulit na sa akin manggagaling ang chismis kaya kailangan karerin ko ito!" dagdag ni Mrs. Waka waka.
"Ah guys! Nagegets n'yo ba yung sinasabi ni Ma'am?"
Sabay-sabay "Kanina pa, hindi mo pa ba gets?"
"LOTE! Ang bagong loveteam ng campus!"
At natulala na lang ako habang pinagmamasdan ko ang halos pumupusong mga mata ni Mrs. Waka waka. Mukhang isang malaking achievement para sa kanya ang mga naiisip n'ya ngayon.
"Wait, Ma'am. I'm asking po kung anong oras ang lab experiment?" tanong ko.
"Bakit, excited ka na bang simulant ang lovestory n'yong dalawa?"
"Ma'am?"
"Okay, mukhang excited ka na! Kasi ako sobra. Magkita tayo mamayang 4pm sa lab. Wala na kayong klase by that time kaya I think pwede nang may mabuong pagmama. . "
"hal sa subject n'yo, Ma'am!" pagsabat ko.
"Ah basta, aantayin ko kayong dalawa mamaya dun! See you, LOTE! Hahahahaha!" at narinig ko na naman ang tawa ni Ma'am na akala mo ay wala nang bukas.
Pagkatapos umalis ni Ma'am bumalik na ako ng tingin sa kanina pang walang imik na mga kaibigan ko.
Sabay-sabay "LooooTeeee"
"Pati ba naman kayo? Pag di kayo tumigil, F.O na kayo sakin!"
Medyo may inis na akong nararamdaman.
"Anong FO mga pinagsasabi n'yo? May UFO saan? Teka, umaga na pero wala naman akong makita?" pagsabat ni Kino na kararating-rating lang din.
Sabay-sabay "Isa ka pa! Hindi makagets! F.O, Friendship Over."
"Ah yun ba yun? Ah. . Hahaha. Okay, FO!"
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?